Nasasaktan ako sa nangyari sa pagkakaibigan namin ni Kristian. Nanghihinayang ako dahil naudlot ang dapat palalim pa lang. Nito ko lang siya nakilala pero naging parte siya para mabuo ko ang tiwala ko sa sarili ko. Hinimok niya akong gawin ang isa sa mga bagay na kinatatakutan ko: ang sumubok. Dumiretso kami sa bahay nina Aizel para lang iwan doon ang motor niya. Hindi niya ako hinatid sa amin bagkus ay naglakad kami. Naglakad lang kami’t ni hindi ko siya tinanong kung saan kami pupunta. Hindi rin naman siya nag-abalang magsabi o magpaliwanag. Malamlam na ang kulay ng araw sa langit nang medyo makalayo kami sa bahay nila. Halos isang pitik na lang ay babalutin na ng kadiliman ang buong paligid. Nag-uumpisa na ring magsibukasan ang mga ilaw sa bawat posteng nadadaanan namin. Tahimik si A

