Maaga akong pumasok sa huli kong klase ng araw na ‘yon para lang makita si Kristian. At para magbaka-sakali na ring makausap ko siya kahit saglit. Bahala na kung ano ang masabi ko basta kailangan ko siyang makausap. Nasa labas pa lang ako ng room ay natanaw ko na siya kaagad sa loob. Nabuhayan ako sa pagkakataon. Mabilis akong pumasok sa room na iilan pa lang ang laman na estudyante. Naabutan ko siyang nakaupo sa upuan ko’t masayang nakikipag-usap sa seatmate kong si Julie. Hindi ko mawari kung lalapit ba ako o tatakbo na lang at uuwi. Ginagapangan pa rin ako ng guilt. “Naku, here na pala si Cadence! Bakit ang aga mo?” Nakataas ang kilay ng nakangising si Julie sa akin. Bumagsak naman ang tingin sa akin ni Kristian at nawala ang ngiti niya. Panay ang sulyap ni Julie sa katabing natah

