“Dito ka na lang kaya tumira? Inaraw-araw mo pagtulog dito ah? ‘Yung totoo, brad? Nagpapaampon ka na ba sa ‘min? ‘Di namin kailangan ng pet uy!” bahagyang nakangisi si Kuya nang sinabi niya ‘yon habang kumakain kami ng gabihan. Magmula kasi nang Sabado, dito na natutulog si Aizel sa bahay araw-araw. Mga pang-apat na araw na ngayon. Parang nasisiraan ‘di ba? Ang sabi ko sa kaniya kahit salitan niya ng isang araw na ‘wag dito matulog, kaya lang matigas ang ulo ng kulugo. Ewan ko ba rito at nahihibang na yata. Baka kung saan kami pulutin ‘pag nalaman ni Kuya. “Pwede nga bang paampon? Hindi naman ako mangangagat, good boy po ako, master, pramis.” Sinapak ni Kuya si Aizel sa braso, natatawa. May bahid ng ngisi ang mukha nito nang sinulyapan ako bago nagpatuloy sa pagkain. Ngumiti rin ako ka

