“Paano mo nasabi na hindi suicide ang nangyari?” Tanong ni Axel habang naglalakad kami papunta sa likod girl’s dormitory. Agad ko namang inabot sa kanya ang telang hawak ko. “Napulot ko ‘yan kanina malapit sa kama ko. Hindi ka ba nagtataka? Malapit sa balkonahe ng kwarto namin 'yung pagkakatali ng lubid sa sanga ng puno. Alangan naman gumapang pa si Devon papunta roon. Eh di sana sa mismong balkonahe na lang niya sinandal 'yung hagdan.” Paliwanag ko at mukhang nagegets naman ni Axel ang sinasabi ko. Pagdating namin sa likod, nasa ibaba na ang katawan ni Devon. Sinusuri na ring maigi ang katawan niya. “Bawal kayo rito” Sabi ng isang pulis nang harangan niya ang daan namin. “Kailangan kong makita 'yung katawan. Baka may maitulong ako.” Sabi ko pero hindi pa rin ako pinadaan noong pulis.

