“Thunder,” Tawag ko at saka marahang tinanggal ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko. Mabuti na lang ay hindi pa sinagot ni Ayesha ang phone kaya kinansel ko muna iyon. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa mga oras na ito ngunit kahit ganoon ay dahan-dahan ko pa rin siyang hinarap. "Why?" Mahinang tanong niya nang magtama ang paningin namin. Nakakatunaw ang tingin na binibigay niya sa akin. “Hindi ko alam kung pinagtitripan mo lang ako o ano pero gusto kong magpasalamat. Salamat sa tulong na ginagawa mo para sa'kin. Masaya ako kasi nakikita kong unti-unti kang nagbabago, pero ayoko kasing umasa. I mean ayokong maniwala sa sinabi mo ngayon lang at isa pa, may girlfriend ka.” “I understand...but I really mean it, and Rain. Wala akong girlfriend, Emerald is just a past time, that'

