Sabado ngayon, mabuti na lang at naiintindihan ako ni Ayesha. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang mga nangyayari pero sa ngayon, ako at ang dark lang muna ang pwedeng makaalam sa nangyayaring misteryo rito sa Monstrous. “Beb, saan ka tutuloy ngayong weekend? Gusto mo sa bahay ka na lang?” Tanong ni Ayesha habang iniimpake ko ang pang-dalawang araw kong gamit. Hindi ako pwedemg mag-stay sa dorm ngayong weekend dahil kailangan kong magdoble ingat. “Hindi na Beb. May kakilala naman akong mapagtutuluyan,eh.” Sabi ko nang buhatin ko ang bag ko at iiwas ang tingin sa kanya. Nagsinungaling na naman ako. “Sig, Beb. Mauna na akong umalis, ah? Mag-ingat ka." Hinatak ko siya para yakapin at saka bumeso sa isa't isa. Matapos noon ay nagmadali na akong lumabas papunta sa gate ng campus kung saan

