-Danielle
"Girls' talk ito." Itinulak ni Gabriel sa likuran si Travis paalis sa kama saka siya umalis rito. "You need to get out, Kuya."
"Oo nga, Kuya!" Tumayo rin si Chrissy at hinawakan ito sa kamay. Pilit niya itong hinila pero hindi man lang nagpatinag ang kapatid niya.
"Deserve ko marinig pag-uusapan niyo! Kapatid niyo ako at kaibigan ko si Ella!" reklamo ni Travis saka itinulak ang dalawa matapos makawala sa pagkakahawak ng mga ito sa kaniya. Bigla siyang lumundag papunta sa kama saka ibinalot sa sarili ang comforter. "Hindi ako lalabas rito!"
"Seriously, Kuya, ang childish mo!" reklamo ni Gabriel.
"Dito rin ako sa kwarto na ito pinagsstay ni Papa! Bakit kasi kayo ang nagdedecide kung lalabas ba ako or hindi? Bakit hindi natin tanungin si Ella?!" Mula sa pagkakatalukbong, inilitaw niya ang ulo sa comforter. "Hindi ako lalabas or magsstay ako? Choose one." utos nito pagkatingin sa akin.
"What the hell, Kuya?!" sigaw ng magkapatid sa kaniya.
"Nagbibigay lang ako ng choices so shut up!"
"Your choices are so stupid!" Nilapitan ulit siya ni Gabriel saka hinila ang nakabalot rito pero hindi ito nagpatalo at nakipaghilahan rin. "Izzy, tulungan mo ako!"
Mabilis na lumapit rin ang isa saka nila pinagtulungan ang paghila sa comforter. Napailing na lang ako't napangiti. Kailan ba sila magbabago? Lagi na lang ganiyan ang scenario kapag nagsasama-sama sila. Too bad nagbago na si Dane. Pati kasi ito ay nakikisali sa kulitan nila dati pero ngayon, I doubt.
Napuno ng sigawan ang buong suite habang pinanunuod ko sila sa pagkukulitan. Napasama pa yata ang pagpunta ko rito. Wala naman kasi akong ibang mapupuntahan at mapagkukwentuhan kung hindi sila lang kaya dito talaga ako pumunta pagkalabas ko sa kwarto na tinutuluyan namin ng kapatid nila.
"Kayo talaga." Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka sila nilapitan. "Huwag niyo na pilitin na lumabas iyang kapatid niyo dahil matigas ulo niyan."
"See?! Mga epal!"
"Travis, get out." utos ko kahit alam kong hindi ako nito susundin. Naupo ako sa kama saka ako sumandal sa headboard.
"f**k no."
"Alam mo, Kuya, isusumbong kita kay Mama!" banta ni Chrissy. "Nagmumura ka na naman!"
"Ate?" pagkuha ni Gabriel sa atensyon ko saka tumabi at yumakap sa akin. Inialis nga ni Travis ang pagkakayakap nito sa bewang ko pero ibinalik lang rin at mas hinigpitan pa. "Okay lang kahit nandito si Kuya habang nagkukwento ka?"
"Oo nga. Knowing na magkaaway sila ni Kuya Dane?"
"Ano naman kung nandito ako? Right now, hindi ko itinuturing na kapatid iyong taong iyon kaya okay lang na nandito ako."
Sabay-sabay kaming napabuntong hininga dahil sa narinig namin mula kay Travis. Mukhang nagalit talaga ito sa kapatid. Hindi ko man alam kung anong pinag-awayan nila, base pa lang sa nangyaring sapakan kanina, alam kong hindi basta-basta ang nangyari sa pagitan nila. Mukhang sobrang lalim ng dahilan kung bakit pinaulanan nila ng sapak ang isa't-isa.
"Pero, Travis?" Nilingon ko ito at nahuli ko ang pagkakatitig nito sa akin. "Bakit kayo nag-away kanina? First time iyon, ha?"
"That's... actually the second time."
Natahimik ako dahil sa isinagot niya. Second time? Kailan nangyari iyong isa?
"Second time?" Tumango siya. "Kailan iyong isa?"
"Matagal na. Pero hindi na importante iyon." pagdidismiss niya. "So anong nangyari? Nakapag-usap na ba kayo?"
"Kuya Travis, you are so stupid." pagsingit ni Chrissy saka umupo sa paanan namin. Napapalibutan na tuloy nila ako. "Hindi naman iiyak si Ate kung hindi pa sila nakakapag-usap."
"And from what it looks like, hindi maganda ang nangyari." Napatingin kami kay Gabriel nang magsalita ito. "She obviously cried."
"I don't think magiging magkaibigan pa ulit kami ng kapatid niyo." Pumikit ako't bumuntong-hininga saka ko unti-unting idinausdos ang katawan ko para humiga. I want to rest. Nastress ako sa mga nangyayari ngayong araw na ito. "We ended everything between us."
"Ate..." Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Chrissy at pumaling ako paharap kay Gabriel saka ko ito niyakap. Niyakap rin naman ako nito pabalik at si Travis, hinila ako palapit sa kaniya saka ako niyakap sa bewang.
Itong magkakapatid na ito, ang hilig akong yakap-yakapin at yapus-yapusin. Ginagawa palagi nila akong teddy bear.
--
"Ate, let's go swimming na!" Hinila ako ni Chrissy paalis sa veranda saka ako itinulak paupo sa kama. "Kailangan mo magpasexy, Ate." Sinimulan niyang bungkalin ang mga gamit ko pero mukha siyang nafufrustrate dahil sa kung anong bagay. "Bakit wala kang pangswimming?"
"I think magkakaroon na ako bukas kaya hindi na ako nagdala. Isa pa, iyong bikini ko, medyo hindi na kasya sa akin." Nakakafrustrate nga dahil dalawa na nga lang iyong bikini ko, nasira na nga iyong isa tapos iyong isa naman, maliit na iyong bra. Medyo lumaki kasi ang dibdib ko. Baka kapag isinuot ko pa ito, bigla na lang masira at makitaan pa ako.
"Let's buy one!" suhestiyon niya pagkatayo. "Tara!"
Hindi na ako nakaangal dahil bigla na lang niya akong hinila hanggang sa makalabas kami. Nadaanan namin sina Tito sa lobby at tinanong kung saan kami pupunta. Nagpaalam naman si Chrissy na mamimili lang ng susuotin kaya sinabi na lang nito na magmadali dahil kakain na kami.
Nakarating kami sa isang shop na puro swimwear ang itinitinda at excited na pumasok rito ang kasama ko. Napabuntong-hininga na lang ako dahil alam kong gagastusan na naman ako ng batang ito. Alam ko kasi magtatampo ito kapag hindi ko hinayaang gawin ang gusto niya gawin. Ganiyan naman iyan kapag gusto niya akong bihisan.
"Suggestions?" tanong ko rito habang nagbabrowse sa mga nakadisplay.
Masyadong revealing ang mga nakadisplay. Hindi naman alintana sa akin kahit pa revealing ito. Hindi naman nakakahiya ang figure ko. Hell, I know my body is to die for. Marami nang tao ang nagsabi kaya alam kong tama ang mindset ko na sexy ako.
"I think..." Lumapit siya habang hawak ang black na bikini. Two-piece ito kaya nag-isip ako ng puwedeng ipangpatong. "This'll look good on you." Itinapat niya ito sa katawan ko saka nag-isip at ang kanina ko lang iniisip, mukhang naisip niya rin dahil bigla siyang umalis sa harap ko at pumunta sa kung saan. Pagkabalik niya, may dala na siyang parang kurtinang damit. "With this, Ate, every guys will drool once they see you." Ngumiti siya ng pagkalaki-laki saka isinampay sa isang braso niya ang mga bitbit at gamit ang isang kamay, hinila niya ako palapit sa fitting room. "Try mo na itong mga ito." Ibinigay niya sa akin ang mga bitbit niya saka ako itinulak papasok.
I know I'll get a lot of attention dahil sa susuotin ko. Hindi naman weird para sa mga tao rito ang makakita ng nakatwo-piece na babae dahil resort ito pero alam ko na dahil sa mukhang mayroon ako, na kinombohan pa ng katawan ko pati na ng mga susuotin ko, marami na namang titingin sa akin.
Lumabas ako sa fitting room nang maisuot ko na ang mga pinili ni Chrissy para sa akin. Nang makita niya ako, she eyed me with awe at bahagya pang napanganga kaya napangiti ako.
I know, Chrissy. I know.
Umikot ako para makita niya ang kabuuan. "Okay ba?"
"Oh, my god, Ate." Nilapitan niya ako saka niyakap at tumalon-talon. "Ang ganda!"
Pinatigil ko rin siya sa pagtalon saka kami lumapit sa cashier. Tinanong niya kasi kung puwedeng huwag ko na hubarin. Wala namang nagawa ang cashier at iniscan na lang ang mga tag. Inialis rin nila ang mga tag na nakakabit matapos itong bayaran ni Chrissy. Dali-dali kaming bumalik dahil nagtext na si Tita at hinahanap na kami dahil kakain na.
Lahat halos na nadaanan namin, napapatingin sa akin. May iba pa nga yatang inaway ng mga girlfriend nila dahil nakita ko ang paghila ng ibang babae sa kasama nilang lalake. At ang katabi ko naman, ang laki ng ngisi. Proud na proud dahil sa creation niya. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagkailang. Bakit nga naman ako maiilang kung balandra-worthy ang katawan ko?
Nang makarating kami sa sinabing resto-bar ni Tita, hinanap namin kung saan sila nakaupo. Nang mahagip ng paningin namin kung saan sila pumwesto, kaagad namin silang nilapitan. At kung hindi ako nagkakamali, ako lang yata ang bukod tanging nakabikini sa buong pasilidad. Parang 99% yata, nakatshirt pa. Wala nga kahit isang topless na lalake.
Nanglaki ang mata ng tatlong magkakapatid at si Tito Uno naman, naubo pa nang makita nila ako. Malamang nagulat kung bakit ganito ang suot ko gayong kakain lang naman kami. Excited naman kasi masyado itong anak niya para gawin akong barbie at hatakin para magswimming.
"Come here." pag-aaya ni Tita saka ako pinaupo sa gitna nina Travis at Dane. They obviously have them seperated dahil alam nila kung ano ang mangyayari kapag pinagtabi ang dalawang ito. At mukhang nawiwili nasila na gawin akong referee dahil palagi akong iginigitna sa dalawang ito kapag magkakasama kami.
"Bakit nagsuot ka kaagad ng swimwear?" takang tanong ni Travis. Binatukan naman siya ni Gabriel dahil nahuli nito na nakatitig sa dibdib ko ang kuya niya. Typical Travis. Napakamanyak.
"Ask Izzy." sagot ko habang ini-scan ang lamesa. Mukhang umorder na sila ng para sa amin dahil sobrang dami na ng pagkain sa harap namin.
Pabilog ang lamesa at sa gitna nito, may narorotate na parang salamin, siguro para mapadali ang pagkuha namin sa pagkain na nakapatong rito. Marahan ko itong pinaikot para makakuha ng paella at itong katabi ko naman, nilalagyan na ako ng pagkain, majority are seafoods.
"Sisirain ko iyang figure mo." nakangising sinabi nito nang tignan ko siya.
"As if." Inikutan ko ito ng mata saka ipinagpatuloy ang balak ko na pagkuha sa paella. "Mabilis metabolism ko."
"Daniella," pagkuha ni Tito sa atensyon ko kaya napatingin ako rito. "You know, parehas kayo ng Tita mo dati. We were always wondering kung bakit hindi siya nataba kahit napakalakas kumain."
"Eru, sinasabi ko sa iyo!" banta ni Tita habang nakasimangot. Bigla niyang pinaulanan ng palo ang braso ni Tito, na tumatawa-tawa lang habang sinasalag ang mga hampas niya.
Hindi ko na naman maiwasang mapangiti kahit na pinagigitnaan ako ng mga lalakeng nagpapasama ngayon ng loob at ulo ko. Natutuwa kasi ako sa mga magulang nila. I've always wanted to have that kind of relationship; iyon bang parang magkaibigan lang. Too bad that the guy I wanted to spend my life with hates me dahil ang iniisip nito, malandi ako.
But what if I prove him wrong? What if I confess and give myself to him para lang mapatunayan na malinis ako? Isa pa, ipinangako ko sa sarili ko na aamin na ako sa nararamdaman ko para sa kaniya mabuhay lang siya pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawa-gawa.
I'll think about it.
Wait. I don't have to. I'll do it. I'll do everything para lang magkaayos kami ni Dane. There's a chance kasi na kapag napatunayan ko na malinis ako, magbago ang lahat sa amin, in a good way.
Tama. I'll do it. If I can, I'll make it happen tonight.
--
Napakunot ang noo ko dahil mukhang may kausap si Dane sa loob ng banyo, which is weird dahil kami lang naman ang tao rito sa loob ng suite na ito. Gusto ko siyang katukin para itanong kung anong nangyayari sa kaniya pero minabuti ko na lang na manahimik.
It's already evening. Naging masaya ang pagtatampisaw namin sa dagat at tapos na rin kaming kumain ng dinner. Ang hindi lang halos nakisalamuha sa amin ay itong lalakeng nagsisisigaw ngayon sa banyo. Paano ba naman, kaming lahat, nasa dagat na habang siya, bigla na lang nawala. Pagkabalik ko sa suite para maligo at nang makapagpahinga na, ang mga sigaw niya sa loob ng banyo ang bumungad sa akin.
"Anong sinasabi mong nasa kwarto siya?! Nilock ko iyong pintuan!" Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig ko. Ako ba iyong tinutukoy niya? Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkuha sa dufflebag ng mga susuotin ko para makaligo na ako dahil kanina pa rin talaga ako nilalamig. "Hindi! Sigurado ako! I locked the door so there's no way in hell that she's here! And stop calling me Matthew dahil hanggang ngayon, gulong-gulo ako sa mga nangyayari! Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga naaalala ko!"
Nang makuha ko na ang mga damit ko, tumayo ako sa harapan ng pintuan. I'm contemplating kung kakatok ba ako o ano. Nag-aalala na rin ako dahil mukha talagang may kausap si Dane sa loob. "May kasama kaya siyang babae?" Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa mga naisip ko na posibleng eksena na nangyayari ngayon sa loob ng banyo.
With his new personality, it's not impossible for him have s*x with anyone.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at pilit kong iniisip na hindi siya gumagawa ng bagay ngayon na sobrang ikasasakit ng damdamin ko.
"Don't tell me to stop shouting dahil naiirita ako! At kung ayaw mong maniwala, edi papatunayan kong wala siya sa labas! Ano ba kasi iyang pinagsasasabi mo?!" sigaw niya ulit mula sa loob kaya nabalik ako sa katinuan. Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang lukot na mukha niya. Mula sa pagkakasimangot, nanglaki ang mga mata niya at mukha siyang gulat na gulat na makita ako. "D... Daniella." Bigla niyang isinara ng malakas ang pintuan bago pa man ako makapagtanong kung anong nangyayari sa kaniya sa loob.
Napangiti ako ng bahagya dahil nakita ko na nakasuot siya ng damit nang buksan niya ang pintuan. That just mean na wala siyang kasex sa loob ng banyo. Kasi kung nagkataon, isusumbong ko talaga siya.
Ilang saglit lang rin nang lumabas siyang nakatungo. Nilagpasan niya lang ako kaya hindi ko na lang siya pinansin at tumuloy na lang sa loob ng banyo. At dahil hindi pa ako sa satisfied, hinalughog ko pa rin ang buong banyo, sa pagbabakasakaling may makita akong tao pero wala. Wala ring bintana rito na puwedeng lusutan kung sakali; tanging exhaust fan lang.
"Sino kaya kausap ng lalakeng iyon?" tanong ko sa sarili ko pagkapihit ko sa knob ng shower. "Sarili niya?"
Nagpatuyo lang ako saglit sa loob matapos maligo at nag-ayos bago lumabas. I'm still thinking kung paano ko sisimulan ang pagbibigay ng sarili ko sa lalakeng nakatambay ngayon sa veranda. I know that he told me to be his s*x buddy pero alam kong nadala lang siya ng galit. Ang ipinagtataka ko lang, bakit niya sasabihin iyon gayong magkaibigan kami?
"Uhm..." Napansin ko ang paglunok niya nang lapitan ko siya. Is he nervous? Bakit naman? "Iyong... narinig mo kanina, kalimutan mo na iyon."
"What? Iyong pakikipag-away mo sa sarili mo?" matawa-tawang tanong ko, hoping na mailift ang awkwardness na bumabalot sa amin ngayon.
Inirapan lang ako nito at mukhang bumalik na naman siya sa pagiging masungit niya. "Basta kalimutan mo na iyon. Kinakausap ko lang iyong sarili ko."
Akmang tatalikuran niya na ako pero hinawakan ko siya sa kamay habang nakatungo. My heart's beating so fast, na feeling ko, anytime now ay lalabas na lang ito bigla sa dibdib ko. I need to do this to prove that I'm clean at gusto ko na rin talaga umamin sa kaniya.
Hindi man maganda ang kalabasan ng pag-amin ko, masakit man pero wala akong magagawa dahil alam kong kapag ipinilit ko ang sarili ko sa kaniya, masasaktan lang talaga ako. I love him pero napagtanto ko na kailangan ko rin talaga limitahan ang sarili ko.
Kahit kinakabahan, iniangat ko ang tingin ko habang nakahawak pa rin sa kamay niya. Nagtama ang paningin namin, na mas nakadagdag pa sa kabang nararamdaman ko. "D-Daney..." It felt good na tawagin ko ulit siya sa pangalang iyon. Hindi ko alam pero mukhang kahit papaano, nabawasan ang kaba ko.
"Bakit?" mahinang tugon niya.
"You know..." dahan-dahan kong hinawakan ang isa niya pang kamay saka ko ibinalik sa kaniya ang atensyon ko. "For these past years na naging magkaibigan tayo, I can't help but think that you were the best gift that I ever received. Hindi ako naging mabuting tao pero ibinigay ka pa rin sa akin ng Diyos. I keep on thinking, why would He give me someone like you kung wala naman akong... I don't know... kwentang babae. I was happy dahil naging kaibigan kita. At first, kuntento na ako na best friend mo lang ako pero... as time goes by, napagtanto ko na nagiging greedy na ako dahil unti-unti," Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil inisip ko muna kung sasabihin ko ba ang mga kasunod na salita pero nandito na ako, eh. Bakit ko pa puputulin? Wala akong mapapala kung magpapakain ako sa takot. "I was slowly falling in love you with you."
Bakas sa mukha niya nag pagkadismaya. Sino ba naman kasing hindi? Ikaw ba naman makatanggap ng confession sa best friend mo na may feelings pala ito sa iyo, hindi ka madidismaya lalo na't mahal mo lang ito bilang kaibigan hindi na hihigit pa rito ang nararamdaman mo?
"A-Ano?"
"I love you." Nanatili akong nakatitig sa kaniya at hinintay ko siyang sumagot pero habang tumatagal, unti-unti lang ako nawawalan ng pag-asa dahil tinititigan lang ako nito. "Wala akong magagawa kung hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko. Pero kahit papaano, gusto kong linisin ang pangalan ko sa iyo."
"Why... why now?"
What does he mean by why now?
"I'm sorry if this is not the best time. Gusto ko lang siguraduhin na alam mo kung anong nararamdaman ko para sa iyo bago mo ako layuan."
"Why now, DC?"
Hindi ko maiwasang maiyak nang marinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ko, na siya ang nagbigay. For a second, I felt happy dahil pakiramdam ko, bumalik na ang best friend ko. "May request lang sana ako." pakiusap ko. Hindi ko na nga sinagot ang tanong niya dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya pa kailangang tanungin iyon.
"Ano iyon?"
"Just for tonight, can you be my lover?"