14

4142 Words
-Daniella Tinignan ko si Travis, na kauupo lang sa dulo ng kama ko. Nasa gilid na rin ng kama iyong duffle bag niya. Nauna kasi naming dinaanan iyong apartment na tinutuluyan niya kaya kumuha na siya ng mga damit. Buti nga at pumasok na iyong mga kabanda niya, eh. Hindi ko rin maintindihan itong taong ito. Parang bata. Mukha kasi siyang tuwang-tuwa, which is kind of creeping me out. Sanay ako sa Travis na laging nakasalubong ang mga kilay, na laging nakataas ang isang kilay o iyong mura nang mura pero ngayon? Nakakakilabot kasi sobrang laki ng ngiti niya habang pasalit-salit na itinataas baba ang mga paa niya na parang bata. "Behave." He nodded, giving me a smile, iyong tipo ng ngiti na pati mga mata niya – and may I add, may black eye ang isa – nangliit at hindi nakalabas ang mga ngipin. Pumihit siya paharap sa kanan at kinuha iyong unan sa ulunan ng kama ko saka niya iyon itinakip sa mukha pagkahiga niya. "Ang weird mo." I was really contemplating kung sasama ba ako o hindi. Ang unang tao kasi na iniisip ko, si Tita. Baka kasi magtaka iyon kung bakit hindi ako sumama gayong alam na alam niyang gusto ko sila palaging kasama, lalo na sa mga lakad na katulad ngayon, iyong bonding ba. Hindi ko inaatrasan iyan kapag sila ang kasama, eh. At kapag nakita niya ang mga anak niya na puro bangas, malamang, magkaroon siya ng ideya kung bakit hindi ako sumama. Kaya lang, kapag hindi ako sumama, mag-iisip iyon at malamang, maisip niya na ako ang dahilan kung bakit nag-away iyong dalawang anak niya, which is nakakaewan dahil hindi naman. Bigla kong naalala iyong mukha ni Dane nang tinignan niya ako bago siya pumasok sa bahay nila kaya napatigil ako sa pagpapasak ng mga damit sa bag ko. Pumikit ako't humugot ng malalim na paghinga. Kapag sumama ako, natural makakasama at makikita ko ito. Hindi maiiwasan iyon. Alangan naman na iwasan ko siya. Everybody knows kung gaano kami kaclose. Well, all of them, except Tita, has an idea na may hindi malinaw na alitan sa amin kaya maiintindihan nila kung bakit ko siya iiwasan, if ever man na gawin ko. I need to rest para magkapag-ipon ako ng lakas ng loob nang makausap ko ng maayos si Dane pero paano ko iyon magagawa kung mag-a-out of town nga ako, kasama ko naman siya, hindi ba? Instead na rest days, stress days pa malamang ang mangyari. Sa ngayon kasi, kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pa na magkulong sa kwarto kaysa makita ito. "Ella," pagkuha ni Travis sa atensyon ko kaya nabalik ako sa reyalidad. Nanatili akong nakatayo sa harap ng study table ko, kung saan nakapatong iyong bag, habang nakatingin sa loob nito, kung saan nakalagay ang mga ipinasak kong mga dadalahin ko – sana – pagpunta namin sa rest house. "Huy, nakatingin ka na ba?" Bumuntong-hininga ako dahil alam ko na kukulitin lang ako ng nilalang na ito kapag hindi ko ito pinansin. Pumihit ako paharap sa kaniya't tinaasan siya ng kilay, kahit na alam kong hindi niya iyon makikita dahil nakatakip pa rin iyong unan ko sa mukha niya. "Pahingi naman ng pabango mo." "Bakla ka ba? Pangbabae iyon." kunot-noong tanong ko dahil nawiwirdohan na talaga ako sa kaniya. Umupo siya at ipinatong ang unan sa kandungan niya saka siya nagkibit-balikat. "Oo, kasasapi ko lang sa pederasyon ng Teletubbies kagabi." Inikutan ko siya ng mata dahil alam kong puro kagaguhan na naman ang mga pinagsasasabi niya saka sinimulang alisin lahat ng inilagay ko sa bag. "May paggagamitan lang ako. Sige na, Ella." pangungulit nito. Narinig ko ang pagkaskas ng bedsheet sa kama at ang pagtunog nito kaya alam kong tumayo siya. At tama nga ako dahil parang dalawang segundo lang nang nasa tabi ko na siya at isa-isang isang ibinalik sa loob ang mga damit na ipinaglalabas ko mula rito pagkakuha niya sa akin nito. "Hindi ako sasama." pabulong na sinabi ko saka pumihit paharap sa kama at pinabayaan na lang siya sa ginagawa niya. Ibinagsak ko padapa ang sarili ko sa kama't kinuha ko iyong unan kong ipinangtakip niya sa mukha niya saka ko ito niyakap. Yeah, I decided na hindi na sumama kahit pa nag-aalala ako kay Tita dahil baka kung anong isipin nito, na makaapekto sa baby. Maiintindihan niya naman siguro kapag ipinaliwanag ko sa kaniya na may hindi kami pagkakaintindihan ng anak niya, hindi ba? "Bakit? Dahil inaway ka ni Kuya?" Hindi ako sumagot. Kahit naman kasi hindi ako sumagot, alam niya naman na oo ang isasagot ko sa tanong niya. "Ella, seriously? Magpapaapekto ka duon sa gagong iyon?" Inis akong bumangon saka ko ibinato sa ulo niya ang unang yakap ko, and yeah, tinamaan siya sa mukha. "Huwag mo nga siyang murahin." nakasimangot na reklamo ko. "Ay, oo nga pala. Kasi pala, mahal mo siya, ano?" sarkastikong sinabi niya saka isinabit sa magkabilang balikat niya iyong bag ko na pinagpasakan niya ng mga damit. "Kasi po kuya mo ang pinag-uusapan natin rito. Mas matanda po sa iyo, just in case na nakalimutan mo." Tumayo ako't nilapitan siya saka ko tinanggal ang pagkakasabit ng strap sa magkabilang balikat niya. Inilapag ko ulit ito sa study table ko't binuksan saka sinimulang bungkalin. I'm just making sure kung may mga bra at panty na ba ako na nandito. Inialis ko kasi kanina iyong tatlong pares ng bra't panty ko dahil nga balak kong hindi sumama pero alam kong pipilitin ako nito nitong kumag na ito kaya bahala na, sasama na lang talaga ako. At isa pa, nakakaewan kaya kung siya pa naglagay ng mga underwear ko, ano. And amazing, mayroon. Naibalik lahat ng underwear ko na pinagtatanggal ko kanina. Now I feel awkward dahil hindi naman ibang tao ito si Travis; naging kaibigan ko ito kahit pa sabihing lagi kaming nagtatalo. And to make it more embarrassing, lalake siya. God. I was about to unzip my bag after I made sure na kumpleto na ang mga dadalahin ko, pati iyong mga napkin na isinuksok ko sa bulsa ng bag – just to make sure na prepared ako sa Trojan war na maaaring mangyari bukas sa southern area ko – nang biglang may nagsalita sa bandang kaliwa ko, kung saan nakapwesto ang pintuan. "Well, this is surprising." Tuluyan ko nang isinara ang zipper saka hinarap si Kuya, na nakangiting nakahalukipkip habang nakasandal sa doorframe. Nakacorporate attire na ito tulad ng inaasahan ko dahil anong oras na at may pasok pa ito. "Akala ko ba, kaaway mo si Travis? Bakit nasa kwarto mo?" Napabuntong-hininga ako dahil sa tanong nito. Minsan talaga, hindi mapigilan ni Kuya ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Walang pakundangan kung magsalita at magtanong ito, eh. Kahit sobrang tino niya, hindi niya alam ang salitang filter dahil hindi niya ifinifilter ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Kita nang nandito iyong taong tinutukoy niya, sasabihin niya pa iyong bagay na iyon? Nakakaloko. "Kuya Carlo!" masayang bati ni Travis saka ito nilapitan at nakipagfist bump. Awtomatikong napaikot ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Boys. Napailing na lang ako't hinayaan silang mag-usap – more like isumbong ako ng demonyo kayKkuya, na kesyo lagi ko itong inaaway – saka ako kumuha sa aparador ng tuwalya at mga damit na susuotin ko papunta sa resthouse. Pagkakuha ko ng mga iyon, nilagpasan ko silang dalawa at dumiretso na ako sa baba para makaligo. Nakita ko pa nga sina Mama, Papa at Carla na napatingin sa akin pero hindi ko na lang pinansin dahil kung busy sila sa pagkain sa harap ng lamesa, busy rin ako. Tanghali na nang nakarating kami sa destinasyon namin. Iyon lang, hindi kami natuloy sa resthouse dahil biglaan raw inokupahan ng pamilya ng ate ni Tito Uno. Wala naman na raw siyang magagawa sabi niya kay Tita kasi nanduon na raw, eh. Kaya ang kinalabasan, heto kami, sa isang private resort. Napabuntong-hininga na nga lang ako kanina nang makita ko ang pangalan ng resort na nakapaskil sa arko sa entrance nito, eh. Highlife. Ang resort na kilalang-kilala dahil sobrang mahal ng mga pagkain at bawat suite. As far as I know, puro mga kilalang personalidad lang ang madalas makapasok rito, tulad nina Tito at Tita. Mamumulubi ka kasi talaga dahil sa laki ng babayaran mo. At least that's what I remember sa pinag-usapan ng pamilyang Eru dati. Most of the artists, malamang, sanctuary ang tingin sa lugar na ito kasi – kay Tita na mismo nagmula – hindi nabubulabog ng kung sino-sinong tagamedia o kung ano anong paparazzi ang mga artistang dumadayo rito. Dito sa lugar na ito raw sila nakakapagrelax in public – which is ironic kasi private resort ito – kaya hindi na ako magtataka kung makakita ako ng pagkarami-raming artista. Hindi naman sa hindi ako masaya kaya ako napabuntong hininga. It's just that, masyado nga kasing mahal rito. Siyempre, kahit naman mapera ang pamilyang Eru, nahihiya pa rin ako kahit papaano. Sila ang magbabayad ng lahat ng gagastusin ko rito, eh. At ang perang dala ko, na nasa card ko pa? One point five lang. May cash ako, oo pero magkano lang? One hundred plus. Kapag pinagsama-sama ko iyong pera ko, hindi pa nga aabot sa pang-entrance dito kaya nakakahiya talaga. Ang laki na kasi ng gagastusin nila, sasama pa ako. Kapag sinabi ko naman na idadagdag ko iyong pera ko, alam ko na hindi na naman sila papayag na gumastos ako. Ganuon naman sila. Ilang beses na ba nangyari itong ganito simula nang makilala ko sila? Hindi ko na mabilang. Tatlong suite ang kinuha nina Tito. Ang problema, hindi namin alam kung sino ang magkakasama sa isang kwarto. Kaya heto kaming walo, including baby Terrence syempre, nasa loob ng suite na ookupahan ng dalawa sa amin. Gabriel, Travis and Chrissy wanted me to be their roommate pero isa lang ako kaya hindi talaga makapagdesisyon kung kanino ako sasama. Gusto ko nga, si Chrissy ang makasama ko pero kasi, si Gabriel at Travis, ayaw pumayag. Hindi pa ako nagsasalita. Hindi ko pa sinasabi na si Chrissy ang gusto ko makasama kasi kapag siya nga ang sinamahan ko, maiiwan iyong tatlong lalake sa isang kwarto. And we, except Tita Aira, can't let that happen kasi alam naming magkaaway ang dalawa sa mga ito. Kaya sa huli, napagdesisyunan ni Tito na si Dane na ang makakasama ko. At base sa tinging itinapon niya sa akin, alam ko na ang gusto niyang mangyari-- ang makapag-usap kami ng anak niya. Iyon rin naman ang gusto ko kasi gusto ko talaga itong makasama. And yeah, kahit gusto kong makasama si Chrissy, mas gusto ko makasama itong kuya niya. Marami kasi talaga akong gustong malaman, at tulad nga ng sinabi ko, siya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko. Hinila na ni Tito ang tatlo niyang anak, na pare-parehas nagpupumilit na makawala sa pagkakahawak nito sa damit nila habang bitbit ang mga dalang gamit, saka kami iniwan ni Dane. Iyong kabang nararamdaman ko habang naglalakad sila palapit sa pinto, mas dumoble nang maisara na nila iyong pintuan ng suite namin. Nang pumihit ako paharap sa direksyon niya, nagtama ang mga mata namin at para akong nabato dahil sa titig niya. Gusto ko na siyang kausapin. Ang problema, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. At saka, paano ko siya iaapproach? May alitan kami, eh. Nagbatuhan kami ng mga salitang alam naming makakasakit sa isa't isa. Ang awkward tuloy. I faked a cough matapos kong itapat ang palad sa bibig ko saka ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang makipagsabayan ng titig sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nawalan ng lakas ng loob para makipagtitigan sa kaniya simula kahapon. Kung tutuusin, siya pa ang unang nag-iiwas ng tingin kapag nagkakatinginan kami. Mahiyain kasi siya. Ibinaba ko ang kamay ko saka ko inilibot ang paningin ko sa buong kwarto at inignora ang presensiya niya sa harap ko. "Nice room." pabulong na sinabi ko habang nakatingin ako sa floor to ceiling glass wall sa likuran niya, na sa tingin ko ay over-looking ang buong resort. Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko saka ako humugot ng malalim na paghinga. Akmang lalakad na ako para pumasok sa isang pinto, na sa tingin ko ay ang banyo, nang maalala ko na may kailangan pala akong gawin. "Daney," I looked up to him, only to find out na nakatitig pa rin siya sa akin. Napalunok ako dahil sa intensity ng titig niya saka ako ngumiti ng pilit. "T-Tanggalin na natin iyong makeup mo." Lumambot ang itsura niya saka siya tumango. Tinalikuran niya ako't isinampay sa balikat ang duffle bag niya saka siya naglakad papunta sa kama. Sumunod na rin ako sa kaniya at nang makalapit na ako, inilapag ko sa gilid ng kama ang bag na dala ko. Naupo ako sa sahig saka hinalungkat ang loob ng bag ko para kuhanin ang makeup remover na dinala ko. At nang makuha ko na ito, tumayo na ako't lumapit sa kaniya, na nakaupo sa dulo ng kama. Sunod-sunod na malalalim na paghinga ang ginawa ko dahil sa matinding kaba habang tinatanggal ko ang hindi gaanong kakapal na makeup na itinapal ni Chrissy sa mga parte ng mukha niya na puro pasa. Hindi ko alam kung kinabahan na ako ng ganito kagrabe noon kaya hindi ko maikumpara ang kabang nararamdaman ko sa mga kabang naranasan ko na. Grabe kasi talaga iyong ngayon. Kinakabahan ako dahil una, nakatitig na naman sa akin si Dane, pero hindi na matigas ang expression niya. Pangalawa, kailangan ko siyang tanungin at kausapin. Pangatlo, natatakot ako na baka kapag nagtanong na ako o kaya, may mali akong nasabi, bigla na lang niya akong sapakin. Simula nang nag-one eighty degree na iyong ugali niya, alam kong hindi imposible na saktan niya ako, physically. At panghuli, sobrang lapit namin sa isa't-isa, na iabante niya lang ng kaonti ang mukha niya, mahahalikan niya na ako. Ramdam na ramdam ko na nga ang paghampas ng mainit na hininga niya sa mukha ko dahil sa sobrang lapit namin. "DC--" pagkuha niya sa atensyon ko saka ako hinawakan sa hita pero napatigil siya nang igalaw ko ang hita ko para matanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Nadala lang ako ng gulat at saka, parang kusa na lang gumalaw iyong hita ko dahil nang hawakan niya ito, para akong pinaso. Nakadress pa man rin ako kaya lumapat talaga iyong palad niya sa balat ko. "Ano iyon?" I asked, acting as if wala akong ginawa na nagdulot ng awkwardness sa amin. Ipinagpatuloy ko ang pag-aalis ng makeup sa paligid ng mata niya at unti-unti, habang binubura ko ang makeup ruon, nakikita na ang kulay ubeng pasa na nakapalibot sa mata niya. Tumingala siya't pumikit kaya napatigil ako sa pagtatanggal ng makeup sa mukha niya saka siya bumuga ng hangin. Umiling siya, at base sa paggalaw ng Adam's apple niya, alam kong lumunok siya. "Wala." He started a conversation pero pinatay rin naman kaagad ito. Siguro ito na iyong pagkakataon ko para magtanong tungkol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa isip ko. Isa pa, kapag nagtanong ako, kung sakali man na maganda ang magiging flow ng pag-uusap namin, mawala ang awkwardness na nakapalibot sa amin. "Daney..." mahinang pagtawag ko sa kaniya. Inilapag ko sa gilid ko ang mga gamit na hawak ko saka ko hinila pababa ang dress ko para matakpan kahit papaano ang exposed na mga hita ko. Hindi siya sumagot kaya napagpasyahan ko na lang nag ituloy. Hindi naman siguro siya tulog kaya maririnig niya pa rin ako. "Anong nangyari sa iyo?" Ibinaba niya na ang ulo niya saka ako tinignan sa mata. "Ha?" "I mean... you changed." Tumungo ako't pinaglaruan ang laylayan ng suot ko. Kinakabahan ako. "Anong pinagsasasabi mo?" malamig na tanong niya. Umasa pa man rin ako kanina na hindi na babalik iyong pagiging matigas niya. "Para kasing... hindi na ikaw si Dane, si Daney." Kinagat ko ang ibabang labi ko saka ko buong tapang na sinalubong ang mga mata niya. "Ang daming nagbago sa iyo." Bumaba iyong tingin ko sa katawan niya. Bawat parte nito, pinasadahan ko ng tingin. "Iyong katawan mo." Dahan-dahan kong ibinalik ang paningin ko sa mga mata niya, na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin, wari ay nagtataka sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. "Iyong paningin mo." "Uulitin ko-- anong pinagsasasabi mo?" "Daney, para kasing ibang tao ka na." Hindi ko na nacontrol ang sarili ko't naging normal na ang tono ng boses ko. "Iyong katawan mo, malaki. Payat ka, eh. Iyong paningin mo, biglang luminaw. Tapos iyong ugali mo pa. Daney, parang hindi na kita kilala." "Ano--" "Iyong mga tao sa paligid natin. Ang alam nila, ganiyan ka talaga; maayos at hindi iyong tulad ng mga binabanggit ko sa kanila. Daney," Inialis ko ang pagkakahawak ko sa laylayan ng dress ko saka ko siya hinawakan sa magkabilang kamay. "Please, sagutin mo naman iyong mga tanong ko." pakiusap ko saka ako tumungo. "Pinuputakte ng mga tanong iyong isip ko, kaya minsan, hindi na ako makatulog ng maayos. Iniisip ko nga minsan, nababaliw na ako kasi ako lang iyong nag-iisip ng mga naiisip ko." Muli, iniangat ko ang ulo ko't sinalubong ang titig niya. "At saka, Daney, namatay ka na. Nanduon kami noong araw na binawian ka ng buhay. Nanduon ako, Daney. Nanduon ako." "Alam mo," Inis na tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya saka umalis sa kama. "Wala akong ibang masabi kung hindi anong pinagsasasabi mo. Nauntog o nabagok ka ba para makalimutan mo na ganito talaga ako simula bata pa tayo?" Tumawa siya ng mahina, na parang nang-aasar pa base sa tono. "Since when did you started taking drugs, DC? Damn, hindi ko alam na may kaibigan akong addict." matawa-tawang sinabi niya saka naglakad palapit sa pintuan. Bago pa man siya makalabas pagkabukas niya nuon, binato ko na siya ng unan kaya lang sumablay dahil dumaan lang ang ito sa ibabaw niya pero napatigil pa rin siya kaya hindi na ako nagtangka pa na batuhin ulit siya. "Nagtatanong ako ng maayos rito kaya huwag mo akong tawanan, Daney!" Umalis ako sa kama saka ko siya nilapitan. Pagkalapit na pagkalapit ko, humarap siya kaya itinulak ko siya sa dibdib, na siyang nakapagpaatras sa kaniya ng kaonti. "Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari sa paligid ko, sa mga nangyayari sa iyo kaya huwag na huwag mo akong tatawanan dahil sa mga itinanong ko sa iyo!" bulyaw ko habang paulit-ulit ko siyang hinahampas at itinutulak sa dibdib. Ang tindi ng galit na bumalot sa dibdib ko kaya nasugod ko siya. Sino ba naman kasi ang taong hindi magagalit kapag nagtanong ng seryoso at sasagutin ka na nga ng kalokohan, tumatawa pa? Hindi sana ako magagalit ng todo kung tinawanan niya lang ako pero iyong mga pinagsasasabi niya? At saka iyong tingin na itinapon niya sa akin? Parang baliw, o tulad ng sinabi niya, addict iyong kinakausap niya. Hinuli niya ang mga kamay ko na ipinanghahampas at ipinangtutulak ko sa dibdib niya saka ako tinignan ng masama. "Sino ba kasing hindi matatawa sa mga pinagsasasabi mo, ha, DC?" "Huwag mo akong tawagin DC." madiin na utos ko sa kaniya. "Hindi na kita kilala." "O, sige. Daniella. Uulitin ko, ha? Sinong hindi matatawa sa mga pinagsasasabi mo, ha, Daniella? Kahit sinong makarinig sa mga katangahang tanong mo, matatawa kaya huwag kang magalit sa akin kung natawa ako." Tumungo ako't pinigilan ang sarili ko sa pag-iyak sa pamamagitan ng sunod-sunod na paghinga ng malalim. "Ano bang nangyari sa iyo?" "Wala. Ikaw, Daniella? Anong nangyari sa iyo't parang naging tanga ka na yata? Epekto ba sa iyo iyan ng kapatid ko?" Nagpantig ang mga tenga ko dahil sa narinig ko. "Huwag mong idamay si Travis dito." madiing pagkakasabi ko matapos kumala ang isang hikbi mula sa bibig ko. "Bakit ipinagtatanggol mo na siya? Last time I checked, ako iyong kinakampihan mo palagi, ha?" mapang-asar na tanong niya saka inilapat ang mga braso ko sa pader sa likuran ko kaya pati ang likod ko, lumapat na rin duon. "Dahil hindi siya kasali sa usapan--" I winced nang bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga pulso ko. "Is it because lover mo siya?" Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko habang inis na nakatingin sa akin. "Iyon lang ba ang habol mo sa kaniya? Sa mga lalake mo? Kaya ba sila marami ay dahil gusto mong makatikim ng iba't ibang putahe?" "Shut up..." mahinang pakiusap ko saka ko kinagat ang pang-ibabang labi ko. Gusto kong magwala. Gusto ko siyang sampalin ng paulit-ulit dahil ang sakit-sakit ng mga sinasabi niya kahit pa walang katotohanan ang mga iyon. The mere fact na ganuon ang tingin niya sa akin, masakit na. Tapos sinamahan niya pa ng mga ganiyang salita. Para niya akong pinapatay. "Kung s*x lang naman habol mo, bakit hindi na lang ako? Ayaw mo nuon? We are each other's best friend and we can use each other para pangtanggal sa kati natin." "Shut up." "Ano? Gusto mo? Friends with benefits? C'mon, Daniella, let's do that. Masaya iyon." Ibinulong niya pagkatapat niya ng bibig niya sa tenga ko. I broke down at kung hindi lang dahil sa pagkakalapat niya ng mga braso ko sa pader, baka bumagsak na ako dahil pati mga tuhod ko, nanglambot dahil sa mga pinagsasasabi niya. "Don't cry. Don't act na parang ang linis-linis mo, Daniella. Because we both know kung gaano ka kalandi. Tignan mo, sa sobrang landi mo, tinira mo pati nakababatang kapatid ko, pati kapatid ng best friend mo." "Shut up." "I wouldn't even be surprised kung malaman ko na may STD kayo ng kapatid ko. Ang dami mo nang ginamit na lalake, eh. Hindi na kataka-taka kung mayroon ka nuon." "Sino ka ba talaga?" tanong ko habang humihikbi. Hindi ko na napigilang itanong dahil pakiramdam ko, hindi na talaga siya si Dane, ang Daney ko. Parang may ibang tao na sumapi sa kaniya kaya siya nagkakaganiyan, kaya nakakaya niya na pagsalitaan ako ng mga ganiyan. Inilayo niya ang mukha niya sa akin saka ako tinignan sa mata. "Ikaw, tatanungin kita. Sino ka ba talaga? Pakiramdam ko kasi, hindi na rin kita kilala." malamig na pagkakasabi niya saka ako binitawan kaya napaupo ako. "Kasi ang Daniella Clemente na kilala ko, hindi malandi. Iyong babaeng DC kung tawagin ko, hindi makati. Iyong babaeng itinuturing kong pinakamatalik kong kaibigan, hindi papatusin ang kapatid ko. Iyong babaeng mataas ang tingin ko, iyong tinitingala ko, hindi marumi." "Ano bang nangyayari sa atin?" Niyakap ko ang mga hita ko bago ko iniangat ang ulo ko saka ako tumingin sa kisame. "Naging malandi ka kaya nawalan ako ng tiwala sa iyo. Iyon ang ang nangyari." "Ayusin naman natin ito, oh?" Tumayo ako't ikinulong ko ang mukha niya sa magkabilang palad. Kahit blurry na ang paningin ko gawa ng luha, kitang-kita ko pa rin kung gaano kalamig ang expression niya. I was really hoping na sa ginawa kong paghawak sa magkabilang pisngi niya, lumambot siya pero hindi nangyari. "Simula nang makita ko kayo ng kapatid ko sa apartment na tinutuluyan niya, nawalan na ako ng tiwala sa iyo." Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa mukha niya kaya pakiramdam ko, nadurog ako. "Kaya ano pang sense ng pagiging magkaibigan natin kung wala naman akong tiwala sa iyo? Hindi ako plastic, Daniella, ikaw ang unang tao na dapat may alam niyan dahil magbest friend tayo, hindi ba?" "So wala na?" mahinang pagkumpirma ko. "What do you think?" "Ilang taon, Daney. Ilang taon ng pagiging magkaibigan natin, babalewalain mo lang?" Tumawa ako ng mahina habang umiiling. "Wow." Nginisian ko siya't inignora ang mga luhang gumagapang sa pisngi ko. "Kung ganuon," Kinuha ko ang kamay niya saka ko siya kinamayan. "Thanks for the friendship, ha? I really enjoyed being your best friend." Bumitaw na ako saka ko pinunasan ang mukha ko gamit ang likod ng palad ko. "I should stop calling you Daney na rin, ano? You're only putting up with me dahil best friend kita, tama? Don't worry, I will stop calling you Daney kasi wala naman na akong karapatan since pinutol mo na pagkakaibigan natin and you won't be putting up with me anymore. Kung nasakal man kita kaya ang dali para sa iyong gawin ito then I'm sorry." Tumawa ako saka umiling. "Why am I even saying sorry to you? Gago ka, eh." Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang mga palad ko saka ko hinawi ang buhok ko dahil tumatabing na ito sa mukha ko. "Seryoso, thank you sa pagiging best friend ko, Ian. Bigyan mo muna ako ng space, ha? Huwag mo muna akong lapit-lapitan." Tinalikuran ko na siya't naglakad na papunta sa pintuan. Nang mabuksan ko na ito, humarap ako sa kaniya habang nakangiti pa rin. "Pero kung kaya mo pa, bumalik ka naman sa dating ikaw. Kasi hindi lang ako iyong masasaktan mo kapag ipinagpatuloy mo iyan." "D... DC--" "Thank you, Ian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD