“Uhh?” Takang-taka na nakatingin sa aming dalawa si Sanya. Hindi nga pala niya alam na kay Sanjoe ako nagtatrabaho at sa huling pagkakaalam niya ay hindi naman kami magkasundo ng lalaki kaya siguradong nagtataka siya. “Done with your practice?” Sanjoe asked my sister casually. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ng tanong ni Sanjoe sa kapatid ko. Tila hindi niya alintana ang litong emosyon ng kapatid ko. “Yes, Kuya, magkasama kayo ni Ate?” Takang tanong sa kan’ya ni Sanya kay Sanjoe. Sanjoe looked at me, parang sinasabi niya na ‘Hindi ba alam ng kapatid mo?’ Agad akong umiling sa kan’ya, napabuntong hininga naman si Sanjoe. “Yes, she works at me,” sagot ni Sanjoe kay Sanya. “You mean ikaw ang boss ni Ate?” Tanong ni Sanya sabay sulyap sa akin at bahagya akong nginisian. A

