Sa buong maghapon ko sa kompanya ay lumulutang ang isip ko. Iniisip ko kung seryoso ba talaga si Sanjoe na sasamahan niya ako mamaya. Hindi naman niya kailangang gawin iyon, isa pa ay baka masanay ako. Papaano kung masanay ako sa kabaitan niya? Sa presensya niya? Takot ako sa katotohanang baka mapalapit ako sa kan’ya kahit na madalas namang pinapainit ng lalaki ang ulo ko. “Tara na.” Napatingala ako kay Sanjoe nang magsalita ito. Sa ayos niya ay mukhang pauwi na ito. Napatingin ako sa orasan dahil sa pag-aaya niya, at oras na pala ng uwian. Maghapon nang lumilipad ang isip ko kaya hindi ko na napansin ang oras. Mabilis kong niligpit ang mga papeles na nakakalat pa sa aking lamesa bago mabilis na dinampot ang aking bag. “Tara,” wala sa sariling sambit ko. Nauna na siyang maglakad at sum

