Natapos ang seminar nang maayos at maganda. Maganda ang mga naririnig kong comments ng attendees. Hapon na ng huling araw at kailangan na naming umalis ng farm. Naroon na ang company bus para ihatid ang lahat ng um-attend. “Arlene, sabay ka na sa akin,” nakangiting sabi sa akin ni Lyndon. Wala pa si Sanjoe, kinukuha niya pa ang gamit namin sa room kung saan kami nag-stay. Sa loob ng tatlong araw ay sa isa lang kaming room nag-stay. Mabuti na lamang at wala namang nakapansin. “Naku hindi na,” nakangiting tanggi ko. Siguradong magseselos na naman si Sanjoe kapag kay Lyndon pa ako sumabay lalo na ngayon na lihim na kaming may relasyon. “Sabay ka na para susunduin na rin natin ang kapatid mo,” suhestiyon niya. Maganda naman ang intensyon niya at balak ko rin namang sunduin si Sanya pero

