Lumabas na muna ako ng opisina ni Sanjoe dahil mag-uusap muna silang dalawa ni Kylie. Malaking palaisipan sa akin ang sinabi ni Kylie, nakapagtatakang mas pipiliin pa niya na makatuluyan ako ni Sanjoe kumpara kay Almira na ka-level nila. “Girl! Anong ganap?” Tsismosong tanong sa akin ni Arnulfo. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko silang mga nanghahaba ang mga leeg. “Pinagalitan ka ba ni Sir?” Tanong ni Karie. Kunwaring malungkot ako na tumango. Mas mabuti nang hindi nila alam na okay na kami ni Sanjoe. Baka mamaya kapag alam nila ay makarating pa iyon kay Almira, hindi iyon makakatulong sa sitwasyon namin ni Sanjoe. “Hayy naku, okay lang ‘yan girl! Malaki naman ang sahod natin,” lumapit pa sa akin si Valene at tinapik ang balikat ko. “K-Kaya nga,” pagsang-ayon ko sa kan’ya. Nag

