“I don’t understand, I thought your just pretending?” Tanong ni Kylie. Umalis na muna kami sa peryahan at nagtungo sa isang malapit na restaurant. Nag-text na lamang ako kay Sanya na susunduin na lamang namin siya mamaya ni Sanjoe. Hindi namin inaasahan na pagbaba namin ng ferris wheel ay si Kylie ang bubungad sa amin. Hindi kami naging maingat iyon ang pagkakamali namin ni Sanjoe. Hindi ako makatingin kay Kylie, pakiramdam ko ay isa na naman akong kabit na nahuli. Nakakalungkot isipin na nagmamahal na naman ako at hindi ko iyon pweding ipagsigawan sa mundo. Palagi na lang patago, wala na ba akong karapatan mahalin ng hindi tinatago? “We’re in a relationship,” panimula ni Sanjoe. “What?!” Maarteng tanong ni Kylie. She even rolled her eyes. “Yes, at first we’re just pretending but I’ve

