WARNING SPG SCENES AHEAD READ AT YOUR OWN RISK! “Stop crying, baby,” puno ng lambing na sambit ni Sanjoe. Kumuha na siya ng tissue sa table katabi ng kama ko. He’s wiping my tears continuously, ngunit kahit anong punas niya ay patuloy pa rin ang mga luha ko. “M-May gusto akong sabihin,” ulit ko. “What is it baby? What’s making my baby cry?” Buong suyo niyang tanong. Pakiramdam ko ay lalo akong naiiyak dahil sa lambing niya. Pakiramdam ko ay para akong bata na inaalo niya. Huminga ako ng malalim para simulan ang pag-amin ko sa kan’ya ng nakaraan ko. Ito na lang siguro ang tanging paraan para makalaya ako sa nakaraan na pilit nagpapahirap sa akin. Kung gusto kong wala na akong katatakutan ay dapat maging totoo na ako sa kan’ya. “T-Tungkol sa nakaraan ko…” nanginginig na sambit ko. B

