Nagising ako sa masuyong halik sa aking noo. Bahagya akong gumalaw para mas lalong sumiksik sa aking katabi. Pakiramdam ko ay mas gusto ko na lang manatili maghapon sa aking kama kayakap ang lalaking mahal ko. “Wake up, baby, we have work.” “Hmmm…” umiling ako, gusto ko pang matulog. He chuckled, wala siyang reklamo. Napangiti ako habang nakapikit, buong akala ko ay makakatulog pa ako ng ilang minuto ngunit nagkamali ako. “Ate! Gumising na kayo, wala pa tayong breakfast!” Hiyaw ni Sanya sa labas ng aking kuwarto kasabay ng kan’yang pagkatok. “Ugh!” Reklamo ko, gustong-gusto ko pang matulog pero alam ko naman na hindi ako titigilan ni Sanya. “Do you still want to sleep?” Nakangising tanong sa akin ni Sanjoe. “Hindi na, hindi rin lang naman ako titigilan ng kapatid ko,” sagot ko sa ka

