Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Sanjoe kaninang lunch. Sa halip na ang pekeng relasyon lang namin ang mging problema ko ay mukhang ang pakikipagkaibigan din. “Kayo pala ni Sir!” bulaslas ng isang empleyado na lumapit pa talaga sa table ko para sabihin ang bagay na iyon. “Ah, o-oo,” nahihiyang sagot ko sa kan’ya. “Ang swerte mo naman girl, ang dami-raming mayayamang babae ang nagkakandarapa d’yan kay Sir Sanjoe pero ikaw ang nakabingwit!” Gusto ko siyang pagtaasan ng kilay dahil sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihin na walang-wala ako sa mga nagkakagusto kay Sanjoe? Sa halip na pagtarayan ito ay ngumiti na lang ako. Hindi ako dapat maging masungit para hindi maging mahirap ang pagtatrabaho ko rito. “Bigyan mo naman ako ng tips kung papaano makabingwit ng mayaman na pogi

