Kabanata 13

1152 Words

Nagulat si Sanjoe sa marahas na pagtayo ko kaya napatayo rin ito at agad na hinawakan ang braso ko. “Calm down, Arlene,” mahinahong bulong niya sa akin habang marahang hinahaplos ang braso ko. Dahil sa ginawa niya ay medyo nabawasan ang galit ko. “Magbabanyo lang ako,” sambit ko. Umalis na muna ako sa lamesa namin para makapagbanyo. Alam kong maraming mata ang nakasunod sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Dapat ay masanay na ako sa mga ganitong tagpo, kasama ito sa trabaho ko, kasama ito sa pagiging pekeng girlfriend ni Sanjoe. Nang makarating ako sa cr ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nakaguhit na yata sa mga palad ko ang pagdaanan ang mga paghihirap na ganito, ang maliitin dahil sa estado ng buhay ko. Ang maging mababang babae, ang akala ko ay tapos ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD