“Magkano bang kailangan mo? Sabihin mo na para matapos na lang lahat ng ‘to,” sambit niya. Hindi ko naman kailangan ng kahit magkanong pera mula sa kan’ya, ang kailangan ko ay ama ng magiging anak ko. Pero mukhang ganoon na lamang talaga kababa ang tingin niya sa akin. Ang akala siguro niya ay pera lang ang kailangan ko sa kan’ya. Hindi ko kailangan ng materyal na bagay, siya, siya ang kailangan ko. Handa na akong isagad ang sarili ko, wala na akong pakialam kung anong sasabihin ng iba. Wala na akong pakialam sa sarili ko, ang mahalaga ay ang anak ko, ang mabigyan ko ito ng buong pamilya. Dahan-dahan akong bumaba hanggang sa umabot na ang tuhod ko sa kalsada. Wala akong pakialam kahit na mahapdi ang semento. Wala na akong pakialam kahit pa magasgasan ang tuhod ko, mabuo lang ang magigin

