Kabanata 47

2060 Words

Tila wala akong buhay na nakatitig kay Sanjoe, hindi ako makapaniwalang maririnig ko ang mga salitang iyon mula sa kan’ya. Papaanong nasasabi niya ang mga ganoong bagay sa akin, alam kong totoo naman iyon ngunit wala ba kaming pinagsamahan? Paano naman iyong mga panahong masaya kami at buong akala ko ay nagmamahalan kami? “T-Totoo ba ‘yan?” Lumuluhang tanong ko sa kan’ya. Hinihiling kong bawiin niya ang mga iyon, gusto kong sabihin niya na mahal naman niya ako naiipit lang talaga kami sa mahirap na sitwasyon. “Ha! Hindi ka ba makapaniwala?” Umiling-iling pa siya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling nagsalita. “Sa tingin mo ba talaga may magmamahal sa’yo pag nalaman na dati kang kabit? Marumi kang babae, isipin mo pumatol ka talaga sa pamilyadong lalaki at higit sa laha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD