Gamit ang aking panyo ay tinuyo ko ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Pero kahit yata ilang panyo pa ang gamitin ko ay hindi magiging sapat dahil patuloy lang ang mga luha ko sa pagbagsak. Nilingon ko si Almira, sumalubong sa akin ang matalim niyang mga tingin. Tila pinipira-piraso niya na ako sa kan’yang isipan. “A-Almira…” nanginginig na sambit ko sa pangalan niya. “Anong ginagawa mo rito?” Ulit na tanong niya sa akin. “G-Gusto ko lang makita si F-Freed.” “Ha! Ang kapal din naman ng mukha mo, tell me saan ka humuhugot ng lakas ng loob?” Madiin at puno ng poot na tanong niya. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa pamilya ni Freed ngunit malaki ang utang na loob ko kaya nandito ako at nagbibigay galang sa labi ni Freed. Alam kong galit sila sa akin ngunit sana naman ay h

