XV. Apartment.
"NANINIWALA KA ba na nakadepende ang magiging kahulugan at pagkakaunawa mo sa pag-ibig sa kung paano ka mamahalin at tatratuhin ng mga magulang mo?"
Gulat na napabaling ng ulo si Lea at Nina kay Kiel nang marinig ang naging tanong nito.
"Bakit?"
"Wala naman! Ang aga lang kasi ng tanong mo, tapos ang lalim pa."
Napasulyap si Kiel sa cellphone niya at nakitang 9:50 AM pa lang. Natawa siya sa mga ito.
"May oras! Dapat mga after lunch na lang or afternoon, hindi pa handa ang brain cells namin, Kiel. Hindi tayo mga morning person dito."
"Pero seryoso, ano nga?"
"Oo, ako naniniwala akong gano'n. May nabasa ako sa internet na kapag healthy ang relationship ng parents mo, at 'yon ang nakalakihan mo, then most likely kapag nag-teenager ka marunong ka rin kumilatis ng healthy love."
"I agree. Kasi hindi ka lumaki sa toxic love! 'Yung mga lumaki sa broken family madalas hinahanap nila sa ibang tao 'yung pagmamahal na hindi naibigay ng magulang nila or hindi nila nakita sa mga magulang nila," tumango si Lea bilang pagsang-ayon. "Ang masama pa ro'n, desperate 'yung paraan ng 'paghahanap' nila na 'yon sa ibang tao."
"Minsan pa nga, toxic love enjoyer ka kapag all your life or for a very long time ay toxic love lang ang naranasan mo."
"Toxic love?" Nagtatakang asik ni Kiel.
Katatapos lang ng dalawang morning subjects nila at vacant time na. Papunta sila ngayon sa quadrangle para magpalipas ng oras hanggang lunch time, saka papasok para sa next class nilang 1:30 PM pa.
"Oo! Halimbawa, hindi uso sa family ninyo 'yung heart to heart talk session between you and your parents. 'Yun bang hindi ka nakakapagsabi ng nararamdaman mo o 'di ka nakakaiyak sa kanila at nakakahingi rin ng advices kasi 'di sila ready sa gano'n, or di kayo sanay kasi dini-dismiss lang nila 'yung nararamdaman mo."
Napanguso si Nina. "Wala namang duda na ganoon ang mother mo, Kiel. No offense ha pero 'di ba nga kung makapilit siya sa 'yo sa mga gusto niyang ipagawa for the sake of money, nirereto ka kung kani-kanino hindi ka muna tinatanong kung okay ba 'yun sa 'yo."
"Kahit naman tanungin niya 'ko... hindi naman talaga okay sa 'kin 'yung gano'n."
"Another example, iresponsable 'yung magulang. Napipilitan kang mag-step up at mag-mature nang doble sa edad mo. Maghanapbuhay para may pera kayo when in fact responsibility naman 'yun ng mga magulang at hindi ng anak!"
Lea smiled apologetically at Kiel.
"You don't feel love, respect, compassion. You feel controlled. Pwede ring may physical or verbal abuse, 'yun talaga! 'Yun talaga madalas ang pinaka pinaka pinaka mabigat sa childhood natin at madalas ugat ng pagka-f****d up ng understanding natin sa 'love'."
"Right. Works both ways. Kung paano ka tatanggap ng pagmamahal sa iba at kung paano ka magmamahal ng iba."
Natulala na lamang si Kiel. Hindi niya lubos pang ma-absorb pero sapat na para makaramdam ng biglang pagkalungkot. Sapat na para mapagtanto na mula pagkabata ay kulang ang source ng pagmamahal sa buhay niya. Naawa siya sa sarili niya dahil kinailangan niyang lumaki sa pamilyang sira, at lumaki na tila palaging nasa 'survival mode'.
Siniko ni Nina si Lea nang pareho nilang mapansin na natahimik si Kiel at naging malungkot ang mga mata.
"Alam mo, Kiel. Nakaka-relate ako sa mga sinabi ni Nina. Hindi ka nag-iisa. Share ko lang." Pagbasag nito sa katahimikan. "Kasi sa totoo lang, pansin ko sa sarili ko na accept lang ako nang accept ng bare minimum mula sa mga past suitors ko. And attracted ako sa mga older guys!"
Hindi naiwasang matawa ni Nina. "Uy, bakit? May masama ba ro'n? Mas matured kaya sila kaysa sa mga ka-age natin na mga lalaki. Mas magaling sila humandle ng relationships ha!"
"Wala naman akong ibang ibig sabihin sa part na 'yan pero kasi naisip ko lang, baka may part din sa 'kin na kaya super attracted sa older guys ay dahil, you know... may father issues!"
"Dahil walang tatay sa pamilya ninyo, hinahanap mo 'yung love at attention na 'yon sa mga lalaking nakaka-involve-an mo romantically?" Si Kiel.
"Exactly."
Tumatango-tango siya. Hindi niya man mai-share sa mga kaibigan pero naisip niyang mukhang pareho na naman sila ni Lea sa bandang 'yon.
Hindi niya na matandaan pero mas matanda sa kaniya ng pito o walong taon ang propesor at sa tingin niya, dahil nagtatalik sila at ito ang nagiging source niya ng 'love' at 'affection' sa gitna ng nakaka-stress na sitwasyon sa buhay niya ay nagiging attracted na siya rito.
Dini-deny niya pa sa sarili at hindi pa pinapaniwalaan kaya natanong niya ang mga kaibigan.
"Naniniwala akong walang perpektong childhood, sabi nga we are a generation with broken smiles because we all had a broken childhood." Naiiling na saad ni Nina habang nauupo sila ngayon sa malilim na bench sa quadrangle ng university.
"Kung gano'n, ang goal ko na lang siguro ay maging better person. Kung sakaling maging parent din ako sa future." Wala sa sariling saad ni Kiel.
Nagugulat na nilingon ito ni Lea at tumawa. "Kinakabahan ako sa 'yo! H'wag ka muna magiging parent, magpapayaman pa tayo!"
"Hindi naman ngayon. Sa future nga eh."
"Saka sa pagpili rin ng sasagutin na manliligaw. 'Yung guy ba na naghatid sa 'yo noong nakaraan-" hindi naituloy ni Nina ang sasabihin nang takpan ni Kiel ang bibig niya.
"Shh! 'Wag na natin pag-usapan, kaibigan ko lang 'yon."
"Single ba? Kung 'di mo type ibigay mo na lang sa 'kin! Mabait ba?"
Lumabi si Kiel at nag-isip. "Mabait! Caring nga at marunong magluto, masarap pa magluto. Hindi ko lang sure kung single, hindi ko pa naitatanong." Napakagat ng mga daliri si Kiel, napagtanto niyang hindi niya nga sigurado kung may girlfriend ba 'to o wala.
"Wow! Sure na sure na marunong at masarap magluto si guy na 'friend' lang?"
Napapagod na sinulyapan na lang ni Kiel ang mga kaibigan.
"A moment of silence na lang, please."
Ilang segundong katahimikan nga ang dumaan, hindi mainit ang sikat ng araw kaya naman malamig-lamig din ang hangin na dumadampi sa balat nila. Nag-umpisang maglabas ng pagkain si Lea habang si Nina naman ay naging abala sa pag-scroll sa social media account niya.
Si Kiel ay may naalala.
"Kumusta na pala si Wendy?" Nag-aalalang nilingon niya ang mga katabi. "Two days na ang nakakalipas simula no'ng last day natin sa rest house nila Ma'am Althea pero hindi pa rin natin siya nakakausap hanggang ngayon."
"Uy, oo nga. Wala rin akong balita ro'n. Kumusta na kaya 'yun?"
"'Wag na muna natin siya guluhin, baka kailangan niya pa muna ng alone time. Sa lakas ng iyak niya no'n mukhang hindi madali ang situation niya."
Sa kalagitnaan kasi ng pamamasyal nila noong umaga ng Linggo ay napansin nilang biglang natahimik si Wendy, abala lang ito sa pagbabasa ng kung ano sa cellphone at maya't maya na pagtitipa, na para bang may kausap nang malalim at seryoso roon.
Pagkatapos lang ng ilang minuto ay hindi na nito napigilang umiyak. Kinausap at inalo siya sa tahimik na lugar ni Althea at kinausap nang silang dalawa lang kaya walang nakakaalam ng dahilan kundi ito lang.
"Sana maging okay rin siya. Ita-try kong i-message." Ani Kiel saka nagtipa ng message para rito.
Krisiane Eline Abalos: Wendy!
Krisiane Eline Abalos: Kumusta ka na? Kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako okay? Mag-message ka lang kahit madaling araw rereplyan kita!
Krisiane Eline Abalos: Kung gusto mo naman ng makakausap sa personal, pwede rin ako. Basta magsabi ka lang, nag-aalala ako sa 'yo.
Wendy Torelio: Kiel... :<
Wendy Torelio: Gusto ko talaga ng kausap pero tingin ko ikaw lang muna ang makakaalam... saka sa Saturday na lang, absent muna ako sa school until then. Gusto ko umalis dito sa bahay kapag nakauwi na 'yung nanay ko galing sa business trip niya, ayoko siya makita. Pwede ba makitulog sa inyo nun?
Pinigilan ni Kiel ang magsalita at magbalita sa mga kaibigan na katabi dahil sa nabasang pangalawang message ni Wendy. Nagtipa siya ng ire-reply rito at nang nasa kalagitnaan ng pagtutuon ng pansin doon ay bigla namang may lumapit sa gawi nila.
"Rita girl! Saan kayo?" Bati nila Lea at Nina rito.
Nag-angat ng tingin si Kiel at nakitang nakalapit na si Rita kasama ang ilan pa sa mga kaklase nilang babae.
"Cafeteria kami tatambay hanggang mag-lunch. Baka kasi maubusan na naman ng pwesto sa mga table at chairs kapag inabot na naman ng labasan ng ibang students, lalo na 'yung mga tourism at HRM students!"
"Oo nga, 'no. Napakarami pa naman nila. Tara na, Kiel at Lea. Sumama na tayo."
Sumulyap si Rita sa gawi ni Kiel at malamig na tingin lang ang ipinukol dito saka nauna na sa paglalakad.
Tumayo ang dalawa kaya naman sumunod din si Kiel. Nananahimik pa rin siya dahil nakikiramdam, napansin niyang hindi talaga siya iniimik o kinakausap ni Rita kahit sinasadya niya nang kausapin ito noong mga nakaraan. Hindi niya alam kung anong problema at nahihiya siyang magtanong tungkol doon.
Nakahanap kaagad sila ng upuan at mesa nang makarating sa cafeteria, wala pang gaanong ibang estudyante kaya naman bahagyang tahimik pa ang lugar. Nasa harapan ni Kiel naupo si Rita pero nang magkasalubong sila ng tingin at tila mapagtanto nito ang pwesto ay agad-agad na lumipat ng upuan. Nasa harapang hilera pero nasa dulong kaliwa na banda.
"Hmm! Pagpasok pa lang nagutom na kaagad ako sa amoy. O-order na muna ako ng snacks." Nakangiwing angal ni Lea.
Nagsi-sang ayon din ang mga kasama nila maging si Nina, kaya naman sumunod ang mga ito rito.
"Dito ka lang, Rits? Si Kiel hindi naman mahilig kumain 'to, sige kayo muna ang magbantay ng mga bag namin." Paalam ni Nina bago sila tuluyang umalis.
Nagbalik ng atensyon si Kiel sa hawak na cellphone. Awkward at nakaka-ilang na atmosphere ang dumaan sa pagitan nilang dalawa nang walang nagsasalita kahit isa.
Hanggang sa basagin ni Rita ang katahimikan nang tumikhim ito.
"Kiel." Nilingon ito ng tinawag. "Nakita kita no'ng Saturday night, nasa veranda ako ng rest house at sumilip saglit. Kasunod mong pumasok ng rest house si Sir Gino. Sa'n kayo galing no'n?"
Natigilan si Kiel nang marinig 'yon at walang naisip na sabihin, nablangko siya nang tuluyan! Hindi lang din natigilan, halos mabato siya sa kinauupuan at manlamig mula ulo hanggang paa!
"U-Um... huh?"
"Nakita kita saka si Sir Gino galing sa kung saan. Gabing gabi na nga 'yun, sa'n kayo galing kako?" Ulit nito.
Naglihis ng tingin sa ibang direksyon si Kiel at ilang beses napalunok.
Ang unang ikinabahala niya ay kung nakita nito kung 'ano' ang ginawa nila sa kung 'saan' sila galing. Gusto niyang maihi sa kinauupuan!
"S-Sa... sa..." nakagat niya ang ibabang labi. Nilingon ulit ang kausap at tipid na ngumiti. "Sa tabing-dagat lang, um, naaya lang ako ni Sir Gino na maghanap ng shells... i-ibibigay niya raw sana kay Ma'am Althea. K-Kasi sakto na nakita niya 'ko na papunta ng... ng kitchen no'ng gabing 'yon. Kaya ano, kaya naaya niya na rin ako na... na tulungan siya maghanap."
"Saka hindi ko pa nababanggit, noong nakaraan na napadaan ako malapit sa inyo. Gabi na rin 'yun, nakita ko 'yung sasakyan ni Sir Gino sa lugar ninyo. Medyo kabisado ko kasi ang plaka ng kotse no'n dahil palagi tayong hinahatid-sundo nila Ma'am dati kapag sinasama tayo sa gala nila." Ani pa nito. "Nagkita ba kayo no'n or alam mo ba 'yun?"
Muli ay nalaglag na naman ang panga ni Kiel at naiwan na namang tila walang maisip na isagot.
"H-Huh? Kailan?" Hilaw na ngumiti ito. "Hindi ko alam... baka napadaan lang?"
Tumango-tango si Rita, malamig pa rin ang ekspresyon. "Okay. Nakakatawa ka, bakit ka nauutal? Okay ka lang ba?"
"O-Oo."
Kibit-balikat na nag-alis na lamang ng tingin sa kaniya si Rita at umalis sa kinauupuan para puntahan ang mga kasama. Pero nahuli pa rin ito ni Kiel na tumitingin sa gawi niya.
Saka lang napagtanto ni Kiel na mabilis na mabilis ang t***k ng puso niya sa mga oras na 'yon, kabadong-kabado! Halos mapangiwi siya at masapo ang sariling noo.
Iyon ang pinaka kinakatakutan niyang mangyari, ang may makahalata o makakita sa kanila ni Gino, at may makaalam sa uri ng ugnayan na mayroon silang dalawa. Hangga't maaari ay gusto niyang matapos na ang kung ano mang mayroon sila bago pa may mangyaring ganoon.
Magmula noong mga oras na 'yon ay hindi na siya nilubayan pa ng kaba at takot. Hindi pa rin siya kumbinsido na walang alam o nakita si Rita sa totoong 'pinuntahan' at 'ginawa' nila noong gabing 'yon.
Napa-paranoid siya!
Kaya naman sinabi niya 'yon kay Gino nang sakto namang ayain siya nitong makipagkita.
Pero matapos magtanong-tanong ng ilang detalye ay tila hindi naman ito nag-alala.
"Hindi mo ba iisipin na baka... baka may alam si Rita kaya hindi rin niya 'ko pinapansin?"
"Mas iisipin ko pang kaya hindi ka niya pinapansin ay dahil naiinggit siya sa 'yo."
"Huh?"
Nasa loob sila ng sasakyan nito, alas otso y media ng gabi nang magsabing dadaan malapit sa bahay nila.
"Bakit naman?"
"Of course, maganda bigla ang grades mo samantalang siya ay hindi. Pareho kayong dean's lister last semester pero mukhang malalaglag na siya next semester, pero ikaw ay safe na. Napapansin ko na 'yun sa kaniya noon pa lang, may tendency siya na maging gano'n sa inyong nakakalamang sa kanya paminsan."
Nag-iwas ng tingin si Kiel at napaisip. "Ganoon ba... palagi niya nga rin sinasabing... paborito mo raw ako."
"Yup, nagseselos siya at naiinggit. 'Wag ka nang masyadong mag-alala, ako ang bahala sa kaniya." Ipinatong ni Gino ang palad niya sa hita ng dalaga at nang lumingon ito sa kaniya ay kinuha niya ang tyansa para lumapit at mahalikan ito sa labi. "I missed you."
"Sir..."
"I will do everything for you, Kiel. Ibibigay ko rin ang mga kailangan mo."
Napakurap-kurap ang dalaga. Hindi alam kung paano magpapasalamat sa lahat-lahat ng ginagawa nito para sa kaniya.
Kaya naman ang naisip niya ay i-feed na lang ang nararamdaman nito. Hindi niya alam kung tama lang ang mga sunod niyang sasabihin pero inilabas niya pa rin sa kaniyang bibig.
"Salamat po... g-ganoon din ako sa'yo. I-I love you."
Natigilan ang lalaki sandali at kumurba ang ngiti sa mga labi. "I think my heart skipped a beat for a moment." Humalik ito muli at hinawakan nang mahigpit ang kamay ng dalaga, pinagsalikop 'yon sa isa't isa. "Do you mean those words?"
Tumango si Kiel bilang pagtugon.
"Hindi mo na 'ko iiwanan?" Mahina at may desperasyon sa boses na tanong nito sa dalaga.
Natulala ang kausap ng ilang segundo saka umiling.
"Good. Ikaw lang ang gusto ko, Kiel. Mawawasak na 'ko kapag iniwan mo 'ko... ganoon na kalalim ang nararamdaman ko ngayon."
"H-Huh? Anong ibig sabihin no'n? Hindi ba may usapan tayo noong una pa lang na-" hindi niya naituloy ang sinasabi nang halikan siya nito ulit sa mga labi.
"Shh... noong una pa 'yon. Masisisi mo ba 'ko? Masisisi mo ba 'ko kung nahulog na 'ko sa 'yo at minahal na rin kita habang tumatagal? 'Di ba pareho rin naman tayo ng nararamdaman?"
Naguguluhan man sa bilis, ang tanging pinili ni Kiel sa mga oras na 'yon at magmula sa mga oras na 'yon... ay sumabay na lang sa agos.
"Gusto kong manggaling mula sa 'yo mismo." Dinala nito ang palad niya sa mga labi para halikan 'yon.
"Oo... pareho... pareho na tayo ng nararamdaman." Tipid na ngumiti si Kiel sa kaniya.
"I love you, too. Always. I'm expecting na ipagpapatuloy natin ang relasyon nating dalawa... hangga't mahal natin ang isa't isa. Hindi na lang dahil sa kung ano mang s**t na napagusapan natin noon. Understood?"
"Hindi mo ba 'yan sinasabi dahil kailangan mo ng... parausan?"
Si Gino naman ang natulala sa pagkakataong 'yon. Saka ito nagbuga ng pagtawa nang makabawi.
"Parausan? Ano bang sinasabi mo? Hindi gano'n. Kung parausan lang... magbabayad na lang ako ng ibang babae para maka-s*x. Bakit ikaw pa na estudyante ko?" Nagkibit-balikat lang si Kiel. Hindi niya rin talaga alam ang sagot. Bakit nga ba? "Simple lang, Kiel. Gusto na kita noon pa. Kaya tayo may ganito ngayon... besides, hindi ako gagastos at mag-e-effort nang husto para lang sa 'yo kung parausan lang ang gusto ko."
Sa haba ng eksplanasyon nito at mga sinabi ay pinili na lamang ni Kiel na magpatalo at maniwala rito.
Naniwala na lamang siya sa mga sinasabi nito.
"Sorry."
"Forgiven. At papatunayan ko pa sa 'yong mali ka ng hinala." Determinadong saad nito saka nag-ayos ng upo at binuksan ang cellphone. "May alis tayo bukas, may surpresa ako para sa 'yo."
Bahagyang napaangat ang noo at namilog ang mga mata ni Kiel sa narinig.
"Surpresa?" Aniya. "Um, Wednesday? Hindi pala ako pwede bukas. May... may gagawin kami ni Lola. Pero anong surpresa?"
"Sige, Thursday na lang." Nakangiti nitong saad saka iniharap sa kaniya ang telepono. "Look. I just paid the monthly deposit at advance ng bago mong apartment."
"Apartment?!"
"Simula sa Thursday gusto kong doon ka na mag-stay. Malapit sa university 'yon kaya convenient, pati rin sa mga market. As for your Lola, nariyan naman ang Mama mo hindi niya 'yon papabayaan."
Hindi pa rin makabawi si Kiel sa mga sinasabi ng kausap. Gusto niyang umalma!
"Pero... bakit? Saka para saan?"
Nagkibit-balikat lang ito saka naglihis ng tingin sa kaniya kalaunan, tinapik ang kaniyang pisngi.
"Gusto ko lang na may sarili ka ng place kapag dadalaw ako at gusto kang makasama." Saad nito. "Gusto ko ring masiguro na nandoon ka lang kapag pupuntahan kita sa madaling araw, pakiramdam ko kasi minsan ay wala ka sa inyo." Naging kakaiba ang tingin nito sa kaniya nang sabihin 'yon, may halong inis kahit na nakangiti. "Wala kang ibang papapuntahin at kikitain na ibang tao ro'n bukod sa 'kin, maliwanag?"