Pamilya?
Kailanman ay hindi ko ginustong mapunta sa ganitong kalagayan, pero sino nga ba ako para magreklamo?
"Adeliz!!! paki bilis-bilisan mo naman yang ginagawa mo! palamunin ka na nga lang dito hindi mo pa magawa-gawa mga inuutos saiyo!" sigaw ni mama mula sa sala habang nanonood ng tv.
"Opo, binibilasan ko naman po inuuna ko lang po yung inuutos ni ate Sanya" pabalik kong sagot kay mama.
"Huwag ka ng magpaliwanag, Hindi ko tinatanong kung inutusan ka nya o hindi!." nang gagalaiti niyang sigaw mula sa damba ng pintuan.
Hindi ko man lang napansin na nakatayo na pala sya malapit sakin at handa na sana akong sampalin ng biglang may kumatok sa aming gate o sabihin na nating kanilang gate, kailan ba nila akong tinuring kapamilya?
"Pasalamat ka sa kung sino man yang kumakatok dahil naiwasan mong mabangasan ulit yang mukha mo!" pasiring niyang sabi habang papunta sa gate para buksan.
Nang buksan niya ang gate ay nakita ko si Mang Eli, ang taga hatid ng electric bills dito sa distrito namin. Nakita niya ako at kinawayan, ibinulong ko naman sa hangin ang salitang 'thank you po' na alam kong naintindihan niya naman dahil tumango sya at umalis din pagkatapos ibigay kay mama ang electric bill namin.
"Anong klase to!? p*tang*na ba't ganito to kalaki? ginagamit mo siguro ang aircon sa kwarto namin pag umaalis kami ano?" pasigaw niyang tanong sa akin habang dinuduro duro ako napayuko naman ako dahil sa lakas ng pagduro niya sa ulo ko.
"Ma, wag mo nang pag aksayahan yan ng oras halika rito sa loob may ipapakita ako" sabat naman ng ate kong si Sanya.
Sumunod naman si mama sa loob ng bahay pero rinig ko pa rin ang huli niyang sinabi 'di pa tayo tapos babae ka'.
Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko, pamilya ko ba to? may kapamilya bang kinakawawa? nababaliw na siguro ako dahil tumatawa lamang ako ngayon pero ang kinabigla ko ay nang naramdaman kong may tumutulong patak ng tubig sa aking mga braso, tumingin ako sa langit ngunit mainit naman at kitang kita ko si haring araw. Pinunasan ko muna ang kamay ko na nakababad sa palanggana dahil nga sa pinag laba ako ni ate Sanya at nang mahawakan ko ang aking pisngi ay umiiyak pala ako at walang tigil na umaagos sa aking mata ang luha.