
Si Dark Kansel ang pinaka-kilalang lalaki sa kanilang campus, mula sa magandang pisikal na pangangatawan nito na maraming nagnanasang mga kababaihan at maging kalalakihan. Hindi lang iyon ang magandang katangian ang mayroon ang binata, maging ang mala-adonis na mukha nito na bumagay sa morenong-morenong kulay ng kaniyang balat.
Matulungin, mabait, maunawain at higit sa lahat ay maginoo ang lalaki kaya wala ka ng hahanapin pang iba.
Subalit, ang taglay nitong kagwapuhan ang magdadala sa kaniya ng malaking panganib dahil ang pinakamadilim nitong sikreto ay may makakatuklas.
Dahil lang iyon sa babaeng may labis na obsesiyon sa kaniya at na nagngangalang ‘Emit Lavisto.’
