KAUNTI na lang talaga ay susugurin ko na ang lalaking 'yon sa dining room at kaladkarin papunta sa opisina niya! For f**k's sake! Magkakalahating oras na akong nandito pero wala pa rin siya. Buong kusina ba ang kinain nila at ang tagal niya?
Pasalampak akong naupo sa sofa nang mangalay na kakatayo. Bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin ako roon. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang si Mary ang pumasok. Bumaba ang mga mata ko sa tray na hawak niya.
Medyo nabawasan ang inis ko at napalitan ng kaunting kaba nang makita ang bote ng whisky at wine glass sa tray. Para akong naengkanto na natulala kay Mary habang naglalakad siya palapit sa desk ni Reagan hanggang sa mailapag niya iyon doon.
I cleared my throat. "Nasaan ang magaling mong amo? Balak niya ba akong paghintayin dito buong magdamag?"
"Saglit lang daw. Ihahatid niya raw muna si Ma'am Vivian-"
"Ano?!" asik ko.
"-sa may gate po. 'Di pa kasi tapos, Ma'am," palusot niya. "Selos kaagad, eh."
Nanlaki ang butas ng ilong ko sa inis. "Who told you I am jealous? Bakit ako magseselos? I don't care kung sampung babae pa ang ihatid niya! What I care is my time. Ayokong nasasayang ang oras ko!"
"Hep! Hep! Kalma lang, Ma'am. Biro lang naman. Huwag defensive."
Napaingos ako. Defensive, my ass!
"You can leave now, Mary."
Sabay kaming napatingin sa pinto. The devil is finally here! Sa wakas!
Sumunod si Mary at iniwan kaming dalawa. He casually walk to his table before slumping himself on his swivel chair. Akala mo walang pinaghintay nang matagal!
"Buti naman at naalala mo pang may naghihintay sa 'yo rito," matalim kong sambit.
"I ate, Ryleigh, at kailangang nguyain bago lunukin," seryoso pero may bahid ng sarkasmo niyang saad.
I laughed sarcastically. "Really? Ilan bang putahe ang inihanda sa 'yo ng babae mo at halos kalahating oras kang kumain? Sampo?"
Sumandal siya sa upuan saka umangat ang mga mata sa akin. Para naman akong napaso sa matiim at malalim niyang tingin. I want to look away but that would make me look like affected.
"What is it to you then? It's not like you're my wife to nag me about it," seryoso niyang saad.
Kumuyom ang mga palad ko. "It is not about that! It is about my time! Ayokong nasasayang ang oras ko!"
Tumaas ang isa sa itim at makapal niyang kilay. "Really?"
"Really!" asik ko.
Napakurap ako nang itukod niya ang siko sa upuan at inihilig doon ang mukha. I don't know kung namalikmata lang ako o saglit na namungay ang mga mata niya?
A small smile creeped on his lips. "But I was gone for just fifteen minutes, Ryleigh."
"It's-" Natigilan ako nang makita ang oras sa wristwatch ko. "-impossible. . ."
Bakit biglang nag-iba ang oras?
Mabilis na umangat ang tingin ko nang marinig ang mahina niyang tawa. There's now a mocking smile on his lips.
"Don't you assume anything," malamig kong saad. "Si-Sira lang ang orasan ko."
Tuluyang kumawala ang mahinang tawa mula sa kanyang bibig. "Okay. As you say."
Marahas akong napabuga ng hangin at tumayo. "Stop with this nonsense talk! We have to talk about the project para makauwi na ako."
Umiwas ang mga mata niya mula sa akin ngunit mabilis niya iyong ginawa. He wasn't still able to hide from me the sudden change of emotions from his eyes na ikinataka ko.
"Good. I still have a lot of things to do. I don't want to waste my time," walang emosyong saad niya.
May sira na ba sa utak ang lalaking 'to at bigla-bigla na lang nagbabago ang mood?
Hindi ko na lang pinansin at sinimulan ang topic sa bago naming project. Sa buong oras ng pag-uusap namin, halos ako lang ang nagsasalita. Tipid ang bawat salitang lumalabas sa kanya at minsan ay tango lang kapag nagustuhan niya ang sinabi ko o taas-kilay kung hindi. It's pissing me off at hindi rin nakakatulong ang mga mata niyang nasa akin lang ang tingin.
Just like earlier, his eyes are void of emotions. I can't read what he's thinking and that's the reason why his stare are affecting me. I felt vulnerable under his gaze. Nang hindi ko na matiis ay pasimple akong sumulyap sa aking relo.
"I think I should go home. Mapag-uusapan pa natin ang iba pang kailangang pag-usapan bukas. I will ask my secretary to make a schedule," pormal kong saad.
He casually gets the glass with whisky before gulping down its content. His eyes never left mine as he did that and it ignited something inside of me.
"I'm afraid I won't have time tomorrow and even the next few days. This project is important. Why don't we finish this once and for all?"
Bumuka ang mga labi ko upang tumanggi when my phone suddenly rings. Kaagad kong dinukot 'yon mula sa bag ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kung sino ang tumatawag. It was Manang Aya but I knew she's not the one calling me.
I tried to act normal and lifted my head to look at him kahit parang nanigas ang batok ko. Bahagya pa akong natigilan nang mapagtantong nakatingin din siya sa akin. His stares seems to become sharp this time.
"I can't." Thank God! I didn't stutter. "Marami rin akong gagawin and besides, if this is important enough to you. You will spare time. I will be busy tomorrow too, but I will still make time for it. Sana gano'n ka rin."
Hindi na ako naghintay pa ng sasabihin niya. I stood up to march out of his room. Ngunit bago pa ako makalabas ay bigla siyang nagsalita.
"Unlike you, I knew when to separate work and personal life."
Magkasalubong ang mga kilay na hinarap ko siya. "What do you mean by that?"
Nakasunod ang mga mata ko sa kanya nang tumayo siya at maglakad palapit sa akin. For some reason, I couldn't move my feet to step away from him.
"Ako ang kausap mo ngayon kaya sa akin ang oras at atensyon mo. I don't care if you want to go home. We will finish this conversation, so put that damn phone in your bag before I throw it away, Ryleigh."
ISANG oras na ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa rin ang driver ko! I tried calling him but his phone is dead. Buryong-buryo na ako rito 'tapos dagdag pa 'tong Mary na 'to na hindi matigil ang bibig.
I don't want stay here any longer! Parang nai-stroke ang buo kong katawan sa kaalamang nandito pa rin ako sa loob ng bahay ni Reagan. Although he's not around, still, I can't stop myself from agitating.
"Baka na-traffic lang, Ma'am, o 'di kaya masyadong malaki sira. Kalma lang kayo riyan. Wala naman kakain sa inyo rito, eh," daldal ni Mary.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Will you please shut up?"
Ngumuso siya. Nang-aasar. "Ayoko nga. Hindi ko naman na kayo amo, eh. Pakasalan niyo muna si Sir. Reagan para sundin ko kayo."
Nagtagis ang mga ngipin ko sa katabilan ng dila niya. Pinigil ko ang sariling huwag siyang dagukan. Pasalamat talaga siya at wala akong balak maging amo niya dahil tatanggalin ko talaga siya rito!
"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang trabaho at nakatambay ka rito ha?" paasik kong tanong.
"Wala na. Maaga kaming pinagpapahinga ni Sir. Ang bait 'diba, Ma'am? Bagay nga po kayo, eh. Positive saka negative," saad niya.
"Isa pang banggit mo sa magaling mong amo. Tatamaan ka sa 'kin," gigil kong babala sa kanya.
But she didn't even faze. Parang gawa sa machine ang bunganga niya at hindi napapagod kakalabas ng salita! Ano ba'ng nilalaklak ng babaeng 'to?
"Ah! Alam ko na! Bakit hindi na lang po kayo rito matulog?" bulalas niya. Nanlalaki pa ang mga mata. "Malaki naman 'yung kama ni Sir, eh."
Forget it! Babangasan ko na siya! Kukunin ko sana 'yung throw pillow para ibato sa kanya nang biglang may magsalita na ikinatigil namin pareho.
"Mary."
Napaayos ako ng tayo nang makita ang pababang demonyo. Walang bakas ng emosyon ang mukha. Nag-iwas ako ng tingin nang makitang papatingin na siya sa akin.
"Yes, Sir!"
"Leave her alone," kalmadong utos niya sa matabil na katulong.
"Sige po, Sir."
Pinanliitan ko ng mga mata si Mary nang bigyan niya ako ng makahulugang tingin bago umalis. One these days. . .tatamaan na talaga 'to sa 'kin.
"Stay here tonight. Malalim na ang gabi," saad niya.
"No need. I can carry myself. Magta-taxi na lang ako," may pait kong sambit.
"It's dangerous, Ryleigh. Hindi mo kilala ang driver ng sasakyan mo. Would it hurt to stay here for tonight than to risk yourself going home at this hour?" seryoso niyang tanong. Dissatisfaction is evident in his voice.
Hinarap ko siya. "Sino ba ang may kasalanan kung bakit ako ginabi ng uwi? Ha? Hindi ba't ikaw? Kaya huwag mo 'kong pigilan."
Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa main door nang biglang kumulog nang malakas. Napahinto ako sa paglalakad.
N-No! Please! Huwag naman sana ngayon pa umulan!
But my silent plea was not heard nang sunod-sunod na pumatak ang ulan sa labas. Bumagsak ang balikat ko. Mas lalo akong hindi makakauwi ngayon. Wala akong dalang payong! Siguradong basa na ako buo kong katawan bago ako makasakay ng taxi kung tutuloy ako.
Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang mga yabag niya palapit sa akin. I suddenly become aware of his presence. Napalunok ako ng laway dahil sa biglang panunuyo ng aking lalamunan.
"Stay in my house tonight, Ryleigh." It was not a friendly invitation. It's a firm command from him.
Kumuyom ang mga palad ko. I am enraged inside because I knew, I have no choice.
"Fine! Dito na lang ako sa sala," pagsuko ko.
"No. You're not sleeping here, Ryleigh. You'll be sleeping in my room."
Nanlaki ang mga mata ko. Dahil sa bigla ay napaharap ako sa kanya na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil sobrang lapit niya pala sa akin. A few more inches, my face and his chest will surely collide.
"Are you serious? Sa tingin mo ba papayag ako? You're out of your mind!" bulalas ko.
Dumoble ang kaba sa aking dibdib dahil sa ngising gumuhit sa mga labi niya.
"You won't agree, of course, if you're affected by me. But you told me you don't feel any little thing towards me kaya ano'ng kinakatakot mo, Ryleigh? It's not like I will touch you—Well, if you want me to. I can do tango with you on my bed. Alam mong hindi ako tatanggi."
Ramdam ko ang paggapang ng init sa aking pisngi at balat. Ngunit ang init sa aking pisngi ay kakaiba sa init na naramdaman ng katawan ko sa sinabi niya. And I hate it! I hate that familiar heat I always felt towards him!
Tumayo siya ng tuwid. Nawala ang ngisi sa mga labi niya ngunit naroon pa rin ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata.
"You said it, you proved it. Sleep in my room tonight. On my bed, Ryleigh."