Chapter Seven

1244 Words
Napamulat ako ng mata nang makaramdam ako ng init na gumapos sa 'kin. Bigla akong kinabahan at napabangon mula sa pagkakahiga. I heard someone groan kaya napatingin ako sa gilid ko. I almost shrieked when I saw Eigen beside me. Halos maligo na nang dugo niya ang bedsheet at unan. Putangina? Anong nangyari at bakit parang may pinatay siya rito?! "Hoy! Anong nangyari sa'yo? Ba't ka puno ng...." Hindi ko natapos ang sasabihin ko at napalunok nalang. Kumunot ang noo niya at gumalaw ito. Muli itong umungol na ikinataranta ko. Ano ba ang ginawa niya at bakit siya puno ng dugo? Nang nakita kong hindi siya nagmulat ng mata ay kinabahan ako. I know he's still alive because I can hear his heart beat, pero kinakabahan ako. Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi hanggang sa sumagot siya. "Stop it…" Mariin niyang utos pero hindi ko tinigilan. Nataranta na ako. "Ano ba 'yan, Eigen?! Sa'n ka ba galing?! Bakit puno ka ng dugo?!" Natataranta kong sabi at tuluyan nang napatayo. Hindi siya sumagot. Instead, he pulled me again to bed at niyapos ako ng sobrang higpit. Akala mo naman, mawawala ako. Kung makalingkis, parang ahas! "Hoy, ginagawa mo?! Bitawan mo nga ako at sagutin mo ako kung bakit napuno ng dugo ang bedsheet ng kama?" Pilit kong kinakalas ang yakap niya sa 'kin pero mukha itong kableng nakatali sa 'kin. Hindi pa rin ito sumagot kaya pilit akong humarap sa kan’ya. Pero iba agad ang nadatnan ko. Eigen's goofily smiling at me, his eyes is twinkling for an unknown reason. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi dahil sa takot, kun’di sa ibang naramdaman ko sa kan’yang yakap at ngiti. "Eigen, ano ba? The bedsheets--" "I fought half bloods for you. Nitatamad pa akong bumangon at sobrang pagod ko pa. Happy?" Sarkastiko niyang tugon. Kumunot ang noo ko. Half bloods? Kalahati ang dugo? Sa harry potter ba 'yun? Yun ba yung half-muggle ka tas wizard ka rin? May gano’n din ba dito? "If you're thinking stupid things again, Freya, stop it," anito at bumalik sa kakapikit ng mata. Inis ko siyang tinutukan, kahit alam ko naman na hindi niya nakikita. "Sagutin mo kasi ako!" "Sinagot na kita." He murmured at talagang hindi ko pa narinig ng maayos ang sinabi niya. Inangat ko ang kamay ko at piningot ang kan’yang ilong. Pilit niyang magpumiglas pero ayaw kong bitawan. Kusa niyang tinanggal ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. "What the is your problem?!" "What the f**k is my problem? Kung magtatanong ako, sagutin mo ng maayos, gago 'to!" Singhal ko at nagmadaling tumayo. Ang hirap basahin nang mga lalaki! Gaya nalang ng isang halimaw na 'to, ang hirap basahin! "D’yan ka na! Mamatay ka sana!" Tinapon ko sa mukha niya ang comforter at umalis. I almost touch the doorknob when he shouted. "Don’t leave me heree, please…" Pagsusumamo niya na ikinagulat ko. Siya? Did I hear him say, please? As in please? Hindi ko siya nilingon. "The time Yeugih left you here, the conflict between my pack and his group started. Lima lang kami, at sila halos kalahati ng populasyn ng Laythel. There were some deltas, of course, but we're outnumbered. Buti nalang ang dumating ang karatig distrito para tulungan kami. At least, I'm alive. I can still hold you, Freya. That’s what matters for me now. So please, come back here and cuddle with me. I need you to heal faster." Hindi ako nakagalaw sa lintanya niya. Halos takasan ako ng ulirat at kulang nalang ay mabuwal na talaga ako kung hindi ko lang naramdaman ang braso niya sa bewang ko. "Let's get back to bed. I'm effin tired, Freya," He softly whispered bago ako iginaya pabalik sa kama na puno pa rin ng kan’yang dugo. Una siyang umupo sa kama bago niya ako pinaupo sa kanyang kandungan. Napapitlag ako sa sensasyong naramdaman. s**t, anong nangyayari? Kailangan kong matakasan siya! "Uhm, Eigen, kukuha lang ako ng damit mo doon sa itaas. Kailangan mong magbihis at malinisan. M-maiinfect ang sugat mo pag h-hindi ka pa m-magbibihis." Kanda-utal ko. Minura ko ang sarili ko sa isipan. "Nah, I'm completely healed." "You're--what?!" Pinaharap niya ako sa kanya. He's staring at me like saying, 'check me.' Nakita kong mas maraming dugo doon sa kanyang dibdib kaya doon ako nagtungo. Agad kong pinunit ang kanyang longsleeve at pinakiramdaman ang kan’yang dibdib. At punyeta, imbes na icheck up ko siya, parang pagnanasaan ko lang siya eh! Ang tigas ng dibdib! "So.... Is there any wounds, doctor?" He said mockingly. Sinuntok ko ang kanyang dibdib kaya nabitawan niya ako. I took that as an escape pero hindi siya nagpatinag. Hinuli niya parin ang palapustahan ko at pinaupo ulit sa kandungan niya. "Ipapakuha ko nalang kay Louen ang damit ko. Dito ka lang sa tabi ko." - Naalimpungatan uli ako sa ingay ng katok. Napamura ako ng wala sa oras. Tatayo na sana ako nung makaramdam akong may nakadagan pala sa 'kin. Tinignan ko ang ilalim ng comforter, at ‘di na ako nagulat pa. Kanina, gusto ko na talaga takasan si Eigen, kaso galit ata ang tadhana sa 'kin. Ayaw akong patakasin sa kan’ya. I shifted my gaze so that I would see him, pero halata ngang nagkamali ako. Ramdam na ramdan ko ang hininga niya sa ilong ko. Alam kong pagod na pagod siya dahil sa sobrang lalim ng hininga niya. At some point, nasiyahan ako na ganito kami kalapit. My wolf purred at my thought. His fleeky eyelashes, his pointed but a little bit crooked nose, his well-defined jaw, his high cheek bones, his disheveled hair. You can tell, he's an epitome of perfection. Pinaglihi nga lang sa sama ng loob. I don't know, pero pakiramdam ko, may namuo sa sistema ko. Hindi ko lang alam kung ano ‘yon. My wolf is saying something in my system, but I don't know what was it. Muli kong narinig ang katok kaya maingat kong inalis ang braso at paa niya. Napahinga naman ako ng maluwag nang matagumpay ko iyong naalis. Agad kong hinanap ang tsinelas ko at nilingon siya. "Ang gwapo pag tulog. Pag gising, demonyo na ulit. Hay, bakit ka ba ganyan?" I murmured to myself at dumiretso na sa pinto. Baka ano pa gawin ko sa kan’ya. Pagpihit ko sa doorknob, si Louen agad ang sumalubong sa 'kin. Cold air entered the room, that made me shiver. Halos makalimutan ko nang nandito pala ako sa basement ng kanilang kastilyo. "Lady, pwede ka bang maanyahan papunta sa itaas? May naghahanap po kasi sayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi naman siguro sinabi ni Eigen kina Francisco na nandito ako, diba? "Her name is Aren." Singit niya uli. Aren? As far as I know, wala akong kakilalang Aren ang pangalan. Nakabusangot akong lumabas sa kwarto at una nang lumabas sa basement ng kastilyo. Muli akong sinalubong ng malamig na hangin nang makaraan kami sa isang nakaawang na bintana. It's raining outside. Sobrang dilim ng kalangitan na para bang kay bigat ng pakiramdam nito. "Nando’n po siya, madame," Turo niya sa sala. Tumango ako't dumiretso na roon para makilala kung sino si Aren na tinutukoy niya. "Aren?" I almost stumble the time she rose up and smiled at me, evilly. "Long time no see, Clarity," She said. I looked at her intently. "Khione...." Mariin kong sambit. Agad kong naikuyom ang aking mga kamao dahil sa galit at takot na naramdaman. Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD