The next few weeks went soft, which was unusual. Nag iba ang turing sa 'kin ni Eigen at mas lumambot pa siya. Akala ko nga, pinaglalaruan niya lang ako. Pero kita ko naman na seryoso siya, kaya pinagbigyan ko.
I still have to learn the word he told me.
Naglalakad ako papuntang labas nang makita ko ang kinginang babae na nasa bulwagan ng kastilyo, nakaupo at pinagmamasdan ang malawak na field sa harap. Akmang aatras ako at sa likod nalang dadaan nang magsalita siya.
"Mag-usap tayo, Freya."
"Wala tayong pag-uusapan." I said coldly at pumihit na paalis nung mabunggo ako sa kan’ya.
"Stop with your bullshit and leave me alone, Khione! Tangina, pag ang pasensya ko’y mapigtas,’yang buhay mo ang pipigtasin ko.”
Lumapit pa siya sa ‘kin kaya napaatras ako . Bigla nalang siyang bumigay sa harapan ko at humagulgol.
"Freya...." She said. Tinaasan ko siya ng kilay, hindi pinapakita ang simpatya. Hindi ako naawa sa kanya. Kung ang pag-uusapan lang naman pala namin ay tungkol sa pagbabalik ko sa kanila o sa putanginang sumpa na meron ako ngayon, she should really pack her things up o ako mismo kakaladkad sa kan’ya palabas.
“Stop crying and tell the f**k you want to tell me. Kakaladkarin kita rito palabas kung iiyak ka lang pala sa harapan ko," I warned, but she never listened. Nagpatuloy siya sa pag-iyak at pagluhod sa harapan ko. Marahas akong nagpakawala ng hininga at nilingon siya.
"Kung gusto mo lamang akong ibalik sa inyo kasi sabi ng ama mong bugnutin at pag-uusapan ang sumpa, umalis ka nalang, Khione. Wala akong oras sa mga gan’yan." Giit ko.
Nang maramdaman kong wala siyang gagawin kung hindi umiyak sa harapan ko ay pumihit ako paalis.
She’s acting weird. Ano ba talaga ang sadya niya rito? Hindi ba iyon na gusto niya akong pabalikin kina Francisco?
Ilang araw na ang lumipas nang makita kong umiiyak at lumuhod si Khione sa harapan ko. May bumabagabag talaga sa 'kin. Something's off.
Habang kumakain ako mag-isa ay nilingon ko si Louen na busy sa pagmamasid sa 'kin, naghihintay ng iniuutos ko. Wala ba siyang ibang trabaho kung hindi ang sumunod sa sinasabi ko? He’s too young to be a servant, though.
Si Eigen kasi ay sobrang busy at naroroon daw siya sa Ataxia kasama si Hendrick, ‘yong si Yeugih at Larken.
"Si Khione?"
"Ma'am, I haven't seen her since Tuesday." Pormal niyang sabi at mas inayos pa ang tindig niya.
Kumunot ang noo ko. Something's really off. Ang weird naman pag ‘di siya lumalabas ng kwarto. Nagkukulong siya roon?
Hindi ko na sinagot si Louen at nagpatuloy sa pagkain at nag-isip kung bakit ‘di ko nakikita si Khione.
Alas nuebe ng gabi noong tumunog ang pintuan ko. Hindi na ako lumingon doon kasi alam ko na kung sino yun.
"Can I sleepover?" He said hoarsely, like he’s been into a really tired day. Bigla akong naawa.
Nakakapagod ba ang maging alpha?
Naamoy ko ang shaving cream niya at ang showergel na sobrang bango. Napapikit ako doon.
"Hey? You asleep?"
Umiling ako at hinarap siya.
Gano’n na ang nakagawian namin. Kung makakauwi man siya ng mga alas nuebe hanggang alas diyes, nakiki-sleepover siya. Hindi ko alam kung ano ang sadya niya o ano ang trip niya. Pinababayaan ko lang naman siya, at ayaw ko naman siya awayin dahil halatang pagod talaga siya.
Ngumisi siya nang humarap ako. Hinalikan niya ang noo ko na nakapapitlag sa 'kin. What the heck, bakit ba siya biglang nanghahalik?
Huminga siya ng malalim at nahiga sa tabi ko. Hinayaan ko siyang yakapin ako at ilagay ang kan’yang mukha sa leegan ko. Umiwas ako. Nand’yan ‘yong kahinaan ko no.
Ilang segundo pa ako naging mulat, habang siya, tulog na ata.
Unti-unti akong gumalaw para maharap siya ng maayos. At tama ako, tulog na nga siya. Sobrang pagod talaga niya.
Sa ilang linggo kong pamamalagi rito, unti-unti akong bumibigay sa kan’ya. Pansin ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga galaw niya tulad ngayon. They're all seem complicated and unreadable. But one thing is....
I felt loved. Everytime he kisses me and hugs me, I felt loved. Pero ang nakakabagabag din sa 'kin ay, hindi ako marunong magbasa ng kilos o magdefine kung ano ito. If it is sugar-coated or not. If it is all an act or not. Pero bahala na.
As long… as long as I have someone I can call my own, I don’t care about anything…
Ang alam ko lang din, may nararamdaman ako dito sa dibdib ko. Na para bang ang puso kong wasak dati, ngayo'y nabuo na. Nabuo ng isang lalaking di ko naman ganoon kilala.
Hindi ko alam kung anong oras akong natulog. Basta, pagkagising ko'y wala na si Eigen sa tabi ko.
-
"Khione?" sigaw ko habang kinakatok ang kanyang pintuan.
Kanina pa ako katok ng katok at nababanas na talaga ako.
Ngayon lang nga ako magiging mabait sa kan’ya, ‘di pa niya ako pagbubuksan ng pintuan.
"Kung hindi mo ako pagbubuksan, talagang papatayin kita! Ano ba!" Inis kong saad habang kinakalampag na ang kan’yang pintuan.
Sa lakas ng pagkalampag ko ay natanggal ito sa hamba niya. Pero isang walang laman na kwarto amg bumungad sa 'kin. Sobrang ayos pa ng kama at parang hindi man lang ito nagalaw. Nagtaka ako.
Umalis ba siya ng walang paalam?
"Freya..." Nagulat ako nang may nagsalita sa side table.
Tangina, nagsasalita ang side table!
"Alam mong iniisip mong nagsasalita ang side table, pero hindi. I left a device. Recording device para iwan sayo ang sulat ko. Sabi mo kasi, ayaw mo akong kausapin kaya umalis nalang ako," Tumawa ng pagak ang device na sinasabi ni Khione. Nakaramdam ako ng awa.
Unti-unti akong lumapit sa side table at umupo sa hulihan ng kama.
"So, here it goes..." Huminga siya ng malalim. "Makinig ka sa sasabihin ko, Freya. Para rin to sayo. First, I'm sorry. Sa lahat ng nagawa ko dati at ang magagawa ko ngayong hinaharap. Alam kong banas na banas ka pa rin sa' kin hanggang ngayon at baka iniisip mo rin na kaya ako narito ay para iuwi ka pabalik sa kina Don Francisco," Patuloy siya sa pag-sorry at pagtawa ng pagak. Ilang segundo ay sumeryoso ang tinig niya.
"Freya... Naalala mo noong unang dumating ako sa kastilyo ng Alpha ng Mayhem? Si Eigen ba ‘yon? Whatever. I tried to be a b***h so I could cover myself. I tested you. Pero tama nga ako. Your curse is lifting. I thought your wolf would be dormant pagdating ng 18th birthday mo. Pero mali ako. Mali kami. Freya, alagaan mo ang sarili mo. ‘Wag.... ‘Wag kang basta-bastang maniniwala sa mga lycan d’yan. Everyone's an enemy, tandaan mo yan. By the time you discover this, baka hinahabol na ako ng mga halfbloods."
"I treasured you, Freya, kahit bwisit ang turing ko sayo. Eh kasi, nakakainggit ka. Parang hindi ka man lang problemado sa kung anong meron ka ngayon. Para ngang okay ka lang na ganoon ang set up, eh. Ang babaw ng rason ko diba? Ang laki ng kasalanan ko sayo..." Hindi ko napansin na sumisinghot at humihikbi na ako.
"Freya, alalahanin mo ang sinabi ko sayo ha? If ever, tell Eigen to protect you.... Alam ko kasing.... Mahal na mahal ka niya. The day the curse started to wake up, he almost killed me, for the thought na ako ang gumawa no’n sa ‘yo. Uhm, one more thing."
My curse has awakened?
"In your 21st birthday, umuwi ka ng Navillera. Pumunta ka sa statue ng school natin. The school now is abandoned because it was burnt, so ‘wag kang mag-alala na may makakakita sayo roon. Pwede kang hindi sumakay ng tren dahil may daan naman papunta roon, galing ng Laythel. I know, iniiwasan mo sina Justin at Francisco. Pasama ka nalang kay Eigen o kay Hendrick para mas safe. There's a box and a piece of parchment hidden on the most back of the statue. Kunin mo iyon at sabihin ang mga salitang nasa parchment paper pagdating ng birthday mo. Trust me this time, Freya. I’m sorry. See you soon," At doon nagtapos ang kan’yang mensahe.
Ramdam na ramdam ko ang lungkot ko. Sobra akong naiyak noong sinabi niya sa huli. Mababaw man sa iba, pero sa 'kin, sobra sobra na iyon.
Umalis ako sa kwartong iyon na sumisinghot. Napagdesisyonan kong lumabas at pumunta sa lugar kung saan ako dinala ni Eigen noong pagsalakay ng halfbloods kuno dito.
Naguguluhan pa rin ako sa sinasabi niya. Don't trust anyone? Everyone's an enemy? 21st birthday ko? A box and a piece of parchment hidden in our abandon school?
Ano ba ang ibig sabihin niya? At....
Dapat ba akong magtiwala sa kan’ya?