Chapter 2

3432 Words
Medyo dumidilim na ng nasa tapat na ako ng bahay. Mag aayos lang ako ng kaunti bago ako pumuntang resort para dumalo. Napa hinto ako ng papasok na sa pinto. Isang lalaking naka talikod ang nadatnan ko. Naka swimming trunks ito at basang basa ang buong katawan, basa rin ang sahig na nilalakaran nito at may tuwalyang naka sabit sa balikat. Nalilito ako kong bakit may ibang tao dito, impossible naman atang akyat bahay ang isang to dahil bakas sa postora nito ang pagiging may kaya sa buhay. Napaka ganda rin ng hubog ng kanyang katawan na laling nadedepina ng kanyang katangkaran. Pinilig ko ang ulo, dapat ay nag hihysteria ako kong bakit may ibang taong naka pasok dito at hindi para mamangha. Bago paman ako maka pagsalita ay lumingun na ito sa kanyang likuran kong nasan ako. Mas lalo akong naistatwa at tuloyang natameme. He looks like an ancient warrior with his handsome face, not like any typical pretty boy I usually see, he's different, and dangerous... Hinarap niya ako saka tinignan mula paa hanggang ulo sabay nguso. Napahakbang naman ako paatras. "I Ah..." "Hello young miss, Elisha right?." Saka ngumiti sa akin. Napa kurap ako, bahagyang nabawasan ang kabang naramdaman. His warm and welcoming smile makes me feel comfortable some how, kahit mukhang masungit ang gwapo niyang mukha ay natabunan iyon ng kanyang ngiti. Thick lashes and eyebrows, perfect angled jawlines, thin lips, at lalo na ang matangos niyang ilong. "Bakit po? Sino ka ba?" "Can you wait for me young miss? we will go there together, mag bibihis lang muna ako." He didn't bother to answer me, tumalikod lang at umakyat sa hagdan. Wait, kakilala ba siya ng pamilya namin? Mukhang feeling welcome na welcome siya dito. Hindi ko naman kasi inabala pa ang sariling kilalanin ang mga kaibigan o kasosyo nina dad. Kilala niya ko kaya maaring kakilala lang nina dad, sa itsura ng isang yun malabong akyat bahay o kung sino lang dyan. Ipinag kibit balikat ko nalang iyon at sumunod narin sa ikalawang palapag para kunin ang purse ko at maka pag ayos ng kunti. Di rin ako nag tagal at bumaba rin kaagad. Hindi ko alam kong hihintayin ko siya tulad ng sabi niya o anu. Naka tayo lang ako malapit sa may pinto nag dadalawan isip parin. Nakita ko siyang pababa narin, naka formal long sleeves at hawak sa isang kamay ang coat habang inaayos ang gusot sa may kwelyuhan. Kahit sa murang edad ay di ko maiwasan ang mamangha sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko habang tinitingala siya, napahawak ako sa aking pisngi sabay iwas ng tingin. Hindi ako sigurado pero mukha mag kasing edad lang sila ni kuya Felix o baka naman nanlilinlang lamang ang kanyang tangkad at hubog ng katawan. Kuya Felix is already nineteen years old at palagay ko ay magkasing edad lang sila. Mag kukuya ba ako sa kanya? Di niya sinabi ang pangalan niya. Inaamin ko sa sarili ko na crush ko ang isang to pero... Mag kukuya ba ako sa kanya? Di naman niya kasi sinabi ang pangalan niya. Ngiting ngiti siya sa akin ng makalapit na. "So you really waited for me little lady, I really thought you left me, so I hurried." Sabay tagilid ng kanyang ulo at mas lalong tinitigan ako. Iniiwas ko naman ang aking mukha at palagay ko'y pulang pula na ako. Tumuwid siya ng tayo saka sinout ang kanyang suit. Ultimo pag susuot niya ng kanyang suit ay parang modeling nag eendorso. Matikas na katawan pero swabe lang ang galaw, parang hari na mandirigma na pinagsama, tsk. Ang aga ko naman yatang maglandi pambihira. "Let's go, shall we?" Sabay lahad niya ng kanya braso sa akin. Nag dalawang isip ako pero kinuha rin niya ang isang kamay ko at ikinapit sa kanyang braso, muli siyang ngumiti sa akin bago ako iginiya sa dapat na paroruonan. Ako naman ay tahimik lang na nagpatianod. Ito ang kauna unahan sa tanang buhay ko na may ibang tao na ganito ang tungo sa akin bukod kay kuya at mama. Pero maaring hindi niya alam ang buong pagkatao ko kaya siya ganito makitungo. Nakaramdam ako ng pait ng maisip ang posibilidad. Pag alam ba niya wala din siyang pagkakaiba sa magiging pakikitungo niya sa akin? Nagsisimula na ang program ng makarating kami. "Mr.Muego." Tawag ng isang ginang sa lalaking kasama ko. Napa tingin din ito sa gawi ko at nag taas lang ito ng kilay. Pamilyar sa akin ang babae kaya maaring kakilala ito nina mom at dad, halata naman sa naging asta nito sa akin. "Yes madame?" Magalang at naka ngiti nitong tugon sa ginang. "Gusto kang makilala ng pamangkin ko, pwede ba kitang hiramin kahit saglit lang ijo?" Biro nito at bahagyang tumawa. "Sure po Mrs.Fajardo, ihahatid ko lang muna itong munting binibini ng mga Dela Costa, pupuntahan nalang kita sa inyong mesa maari po ba?" "Oo naman ijo. I'll be expecting you there, ok?" Pagkaalis ng babae ay binalingan naman niya ako, naka ngiti parin. "Let's go? Pasensya kana, I can't spend much time with you, mukhang magiging abala ako nito." Ibig sabihin ba ay kong hindi siya busy ay ilalaan niya sa akin ang oras niya? Napa nguao ako sa naisip. Bakit parang iba ang dating sakin ng mga sinasabi niya. Binibigyan ko ng mga kahulugan na siguro ay wala lang sa kanya. Lagi din kasi siyang naka ngiti, iba din ang dating sakin sa tuwing tinitignan niya ako ng diritso sa mga mata at ngingitian, nahihibang nanga yata ako. Saka pala ngiti talaga siya ah, hindi ba siya nangangawit kakangiti? Pinag hila niya pa ako ng upuan pagka rating namin sa mesa na para sa pamilya ko. "Baka nasa paligid lang sila, sasabihin kong nandito ka na at walang kasama." Wika niya na ang tinutukoy ay ang pagigingbakante ng upuan nina daddy, mommy at ate Alex. Tumango lang ako, gusto kung itanong ang pangalan niya pero nahihiya ako, baka ay isipin pang interesado ako sa kanya. Well, oo nga at interesado nga talaga ako sa kanya pero di naman kasi maipagkakaila na masyado akong bata para sa kanya. Halos sa boung panahon ng event akong naroon lang sa kina uupuan, at muli kong aaminin na nag expect ako na babalik ulit siya para maka halubilo ako, pero mikha totoong abala siya. Pero panu naman kong hindi? Bat naman niya ako pag aaksayahan ng oras? Dahil sa isiping iyon ay nahinto ako sa katitingin sa paligid. Kanina ko pa pasimpleng hinahanap ang presensya niya sa mga naka kalat na mga taong nakikisocialize. Pinuno ko ng hangin ang baga, dismayado at nawalan na ng gana. Siguro ay dapat mauna nalang akong umuwi. Wala din naman silbi na isinaman pa ako dito, sa pag sisimula ng mga pagtitipon na katulad nito ay dapat isa isang nag papakilala ang mga taong inimbitahan ng pamilyang nag hohost ng mga ganitong occasion. Di ako kasali kaya nga ako nag pahuli kanina, nakakahiyang ipangalandakan sa lahat ang pagiging bunga ng isang eskandalo. Natuwa lang ako ng dumating na si kuya Felix at tulad nga ng inaasahan ay late na siya. "Oh bunso! Ikaw lang mag isa?" Hinalika niya ako noo saka umupo sa tabi ko. "Asan sina mommy?" Aniya at iginala ang tingin sa paligid. "Ewan, pag dating ko dito ay wala na sila." "Huh? Kanina ka pang mag isa dito?" Sasagutin ko sana siya ng may naging komosyon sa kabilang bahagi ng lugar, kasabay noon ang pagkakita ko sa lalaking naka sama ko kanina. Mabilis itong naglalakad at kunot na ang noo, nagsihawian pa ang mga taong nasa paligid, nakakatakot siyang tignan dahil sa nag uumalpas niyang presensya. Niluluwangan nito ang suot na necktie at dirediretso lang ang lakad palabas ng bulwagan. Parehong naka sunod ang tingin namin ni kuya Felix sa kanya. "Teka, diba't si... Sandali lang Eli ah, dito ka muna, pupuntahan ko lang sina Alex, babalik din ako agad." Saad niya habang tumatayo na paalis. Gusto ko sanang maki usyoso, at kakilala bayon ni kuya? Kani kanina lang ay ngiti siya ng ngiti tapos biglang naka simangot naman. Gusto ko sana siyang sundan pero nahihiya ako at isa pa ay mukhang di rin maganda ang timpla niya. Nahagip ko na ang kuya Felix na nag lalakad pabalik at parehong nasa balakang ang magkabilang kamay, umiiling ito at di narin maganda ang timpla nito kahit na wala itong ipinapakitang emosyon, alam ko dahil sobrang seryoso niya. "Halika na El, umuwi na tayo." Diritso lang itong nag lakad habang sinasabi iyon. Tumayo kaaga ako at sumunod sa kanya. Alam kung may mga nakakaalam sa pagiging anak ko sa labas pero di naman ganun karami at mas marami parin naman walang pake pero bat kami pinagtitinginan ng mga tao? "Kuya, anung nangyari? Saka sina mommy at daddy, asan sila? Iiwan natin sila?" Bahagyang bumagal si kuya para makalapit ako at saka inakbayan, muling bumilis ang lakad niya kaya napa bilis din ako sa paglalakad. "Hindi Eli, sa likod sila dadaan, hindi naging maganda ang nang yaring pagkakasundo ng ate Alexis mo sa eldest son ng mga Muego." "Bakit naman? Di po ba ang aga pa para ipag kasundo si ate sa ganyan? Seventeen? She's still minor kuya." Palabas na kami at sa front gate kami dadaan, palinga linga ako at hinahanap yung lalaking nag hatid sakin dito kanina, yung lalaking laging naka ngiti. Mr.smile... Tama! Iyon ang itatawag ko sa kanya total ay di ko alam ang pangalan niya. "Hindi naman kasalan agad Eli, ipakikilala o ipaglalapit lang saka choice parin naman nila kung papayag sila. Hindi ito sapilitan." Ng makarating kami sa vacation house ay agad na kaming nag bihis ni kuya, siya raw ang mag hahanda ng aming hapunan. Pagka baba ko ay sumalubong sakin ang lumuluhang si ate Alex, bumagal ang pag lalakad ko. Nasa sofa sila mommy at ate, hinihimas niya ang likod ni ate para patahanin. Si dad naman ay di mapakaling pabalikbalik sa nilalakaran. Dumiretso naman ako sa kusina kungnasan si kuya at nag luluto ng ulam. Gusto ko pa sanang maki usyoso pero siguradong sisitahin at pagagalitan lang ako ni mommy kaya umiwas na ako. Kinabukasan ay umuwi rin kami agad. Sa mga sumunod na buwan ay napapansin kong mas nagiging masungit sa akin ang ate Alexis. Kahit malayo lang ang distansya ko sa kanya ay napupuna niya parin ako, noon naman ay di niya ako pinapansin wag lang mag cross ang landas naming dalawa at walang magiging problema. Dahil sa takot kong makita si ate Alexis ay sa kwarto nalang ako nag lalagi. Isang araw ay nagulat nalang akong pumasok siya sa kwarto ko at kasama ang iilang mga katulong. "Halughugin niyo lahat." Utos niya sa mga katulong. Napatayo ako agad at kinabahan, anu nanaman ang gagawin niya? Pinag gagalaw ng mga katulong ang mga gamit ko, walk in closet, lagayan ng mga art materials ko, paintings pero kahit papanu ay maingat naman sila. "Napaka lamya ng galaw niyo, anu ba! Bilis!" Nag lakad siya palapit sa mga paintings ko at padarag na isinantabi ang mga ito kaya natumba. Nag aalala akong lumapit pero di ko magawang pigilan siya, natatakot ako, matangkad ako pero mas malaki parin ang ate, malayo pa ang agwat ng edad. "A-ate! Anu bang hinahanap niyo? P-please ate b-baka masira." Naka angat ang mga kamay ko sa ere, nag tatangkang hawakan siya para pigilan pero di ko magawa, yung mga painting materials ko galing kay mama. Nanlaki nalang ang mga mata ko ng nahulog ang isang bote ng mineral spirit sa isa sa mga painting ko, may tuyo na ang painting pero dahil mineral spirit iyon at may kalakasan ang impact ay nag smudge ang bahaging natamaan. May iilan pang mga nahulog tulad ng pintura, isang case ng oil paints, isang jar na lagayan ko ng tubig para sa watercolor ko at halata namang sinadya niya yun. Naitulak ko siya sa galit ko, at agad na dinaluhan ang painting na nabasa ng mineral spirit. Pinag tatanggal ko ang mga bubug doon. Dahil nanginginig ang kamay sa galit at di na maka pag isip ng maayos sa taranta ay nasugatan ako. "Nako ija! Ako na dyan! Kunin niyo si Eli gamutin niyo." Hinihila na ako ng mga katulong paalis. Natigil lang ng sumigaw ang ate, pinag halong galit at iyak. Nang lingunin ko ay may dugo din ang kamay niyang naipang tukod niya ata ng bumagsak siya. Bigla naman bumukas ang pintuan at siyang nadatnan ni mommy sa pag pasok niya. "Alexis!" Agad na dinaluhan ni mommy si ate na umiiyak at nanatiling naka salampak sa sahig. "Alex! Anung nangyari! Ang kamay mo anak!" "My, I just want to help, pinahanap ko sa mga katulong ang nawawala mong wedding ring, tapos na ako sa kwarto ni kuya kaya dito naman ako sa kwarto ni Eli! Tumulong din ako sa paghahanap pero nang hawakan ko ang mga gamit niya ay bigla nalang niya kong tinulak, galit na galit siya sakin." "Hindi mo lang bastang hinawakan! Sinadya mong ipaghuhulog ang mga gamit ko!" Di ko na mapigilan ang galit ko, sinungaling talaga! Nanahimik ako dito sa loob ng kwarto ko pero talagang hahanap siya ng paraan para guluhin ako! "Ilabas niyo si Alexis pati na kayong lahat, mag tawag din kayo ng doctor para matingnan ang sugat niya." Utos ni mommy ng di inaalis ang nanlilisik niyang mga mata sa akin. Tumayo siya habang nag mamadaling lumabas ang lahat, humihikbi parin si ate Alexis at inaalalayan ng mga katulong. Hinila ni mommy ang buhok ko at binitbit sa gilid. "Aray my! Sorry my please!" Humagulhol ako sa sakit ng pagkakahawak niya, nag makaawa ako habang pilit kong tinatanggal ang bawat daliri sa buhok ko. Binalibag niya ako sa tabi at binalikan ang ang mga art materials ko. "Alin? Ito ba?!" Sabay isahang tulak niya sa lahat ng laman ng istanteng pinag lalagyan ng mga art materials ko. Nagsi basagan ang jar na lagayan ng mga brushes at thinner na para sa pintura. "Wag my! Please, mommy please." Tumakbo ako at niyakap ang likod niya para sana pigilan siya pero isang tulak niya lang halos tumilapun ako. Pinag aapak niya ang mga acrylic, oil paints at mga cases ng guoshe at watercolor pans ko. Pati mga paintings ko ay pinulot niya at inihampas sa ilan pang kagamitan kong naroon. Tinulak niya ang may kaliitang aparador kong saan naka lagay ang iilan ko pang artist grade collection na mga art materials. Hindi na ako nag tangkang pigilan siya ulit, pinulot ko nalang ang isang sketchbook na plain black lang saka mahigpit na niyakap habang umuusod paatras habang naka salampak parin sa sahig. Wala ding silbi na pigilan siya dahil sa agwat ng laku namin ay di ko kaya at isa pa, wala ng maisasalba. Sana lang ay may matira pa. Sinira niya ang mga bagay na tanging nag uugnay sa akin sa mga ala ala ng aking mama. Iniingatan ko ang lahat ng iyon sa pagnanais na muli ko siyang makita. Hindi ko na mapigil ang pag sinok, hirap na hirap ako sa pag hinga. Ng mapagud si mommy ay muli niya akong nilapitan. Dumungaw sa akin at hinaklit ulit ang buhok ko sabay dinuro ako sa mukha. "Ingrata ka! Wag kang umastang kong sino dito sa pamamahay ko! Pasalamat ka at kinupkop pa kita. Yung nanay mong p****k, di kana babalikan nun! Kaya wag kanang umasa-" "Hindi totoo yan! Babalik si mama! Babalikan niya ko! Ang sabihin niyo ay itinaboy niyo siya kaya di siya maka punta dito!" "Itinaboy? Ha! Pagtataboy ba ang tawag sa ginawa ko na pinapili siya sa limang milyon kapalit ang paglayo sa pamilya ko?" Natahimik ako at tanging sinok lang na siyang bakas ng labis kong pag iyak kanina ang lumalabas sa aking bibig. "And guess what? Pinili niya ang Limang milyon! Hindi ka niya mahal! Ginagamit ka lang niya para mapalapit kay Federico! Pasalamat ka nga at di kita pinadala sa kanya! Dahil kahit papanu ay iniisip ko ang kinabukasan mo! Anung kalseng buhay ang kaya niyang ibigay sayo huh? Lahat ng nakakakilala sa kanya ay imoral ang tingin! At anu sa palagay mo ang magiging kahinatnan mo?" Parehong nasa mga balikat ko na ang mga kamay niya at niyuyogyog ako. Sunod sunod na muling tumulo ang mga luha ko, hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi niya. Nangako sa akin ang mama na babalikan niya ako at di titigil hanggang sa tuluyan na kaming magkasama! Umasa ako! Araw araw umaasa akong magpapakita siya sa akin! "Ang dami kong ginawa para sayo! Nilunok ko ang pride ko para sa isang inosenteng sanggol na bunga ng kataksilan Elisha! Ikaw yun! Oo at maraming pagkakataon na sa tuwing nakikita ka ay di ko mapigilan ang sarili ko na mairita sayo! Dahil bukod sa hawig na hawig mo ang nanay mong p****k ay pati paguugali ay kuhangkuha mo!" Pati si mommy ay lumuluha narin. "Hindi mo alam kong ganu kasakit ang dinanas ko dahil sa nanay mo! Galit na galit ako sa kanilang dalawa! Pareho silang mga imoral! Naging mabait ako sa kanya, kinaibigan ko siya at ni minsan ay di ko siya pinag isipan ng masama Eli! Pero panung nagawa niya sa akin ang lahat ng yun?! Oo, minsan kong naging kaibigan ang iyong ina!" Hindi ko alam ang bahagi ng kwentong iyon, hindi sinabi sa akin ng mama. Tila lason na kumalat sa systema ko ang lahat ng narinig ko. Mali ba ako ng pagkakakilala sa sariling ina? "Lahat ng iyon tiniis ko! Tinanggap ko ulit si Federico dahil mahal ko siya, humingi ng tawad sa akin si Elena, pinatawad ko siya pero di ko makalimutan ang ginawa niya! Lumuhod siya sa harapan ko at nakiusap na tulungan siya habang pinagbubuntis ka, galit ako pero ginawa ko parin! Pati ang pag kupkop sayo ginawa ko dahil alam kong wala siyang kakayahan na mapalaki ka ng maayos!" Hindi ko alam kong bakit napapailing ako sa lahat sa nga sinabi niya, dahil ba sa hindi ko kayang maniwala o dahil sa nadidismaya ako sa lahat ng natuklasan ko, at aaminin ko na untiunti kong mas naintindihan ang mommy Alexandria, ang paghihirap niya. "Kaya please lang! Please lang! Wag na wag kang mag pakita ng kahit anung bakas ni Elena sa harap ko Elisha! Maawa ka!" At tuluyan siyang humagulhol sa harap ko. "I've been nice to her back then! Ang dali kong nauto! At lahat ng iyon ay pinag sisihan ko!" Nawalan ng lakas ang mga braso ko kaya nakalas ang pagkakayakap ko sa sketchbook ng aking mama Elena. "Im... S-sorry mommy. Im sorry." Naka yuko kong sabi. Umiling siya at pinunasan ang mga bakas ng luha sa kanyang pisngi. "Hindi mo naman kasalanan Elisha pero please, kalimutan mo siya at ipakita mo sakin na naiiba ka sa kanya, kahit papanu ay tinuring kitang sariling akin. Paintings? Drawings? Mga hilig ng nanay mong wala namang silbi! Wala kang mapapala diyan, walang magandang idudulot sayo ang impluwensya ni Elena!" Tanging tango nalang ang ginawa ko. Pilit niyang sinisilip ang aking mukha dahil naka yuko ako. "Pangako ko sayong mas magkakaroon ka ng magandang kinabukasan sumunod kalang sa mga payo ko, sa mga sasabihin ko, maliwanag ba? Para lang din sayo ang lahat ng ito Elisha." Gumuho ang lahat ng paniniwalan ko sa aking mama, hindi ko alam kong paniniwalaan ko ba si mommy, pero... Pero tama siya, kong totoong pinapili niya ang mama ng pera, bakit pera ang pinili sa halip na piliin ang makasama ako? Ganun ba kahalaga ang pera na iiwanan niya nalang ako at basta nalang lumayo? Hindi niya ba ako inisip? Hindi niya ba ako na mimiss? O kahit mag bago man lang ang isip niya, kahit panlumipas ang ilang taon mapapatawad ko siya. Alam kong may kasalanan ang mama Elena sa kay mommy pero di ko maiwasang mangulila sa tunay kong ina. Masusumbatan man kong sakali pero mahal ko parin siya syempre ina ko yun eh. Pero wala, napaka habang panahon ang lumipas at walang Elena ang nag pakita! Inaabanduna niya na ba ako? Kinuha ni mommy ang mga kamay ko. "May sugat ka, lumabas na muna tayo at hayaan na nating ang mga katulong na iligpit ang lahat ng mga basura dito." Ultimo sugat ko ay nakalimutan ko na, hndi man sobrang laki ng sugat ay malakas ang agos ng pagdudugo nito. Hinila niya ako at hinayaan ko ang sariling mag pahila. Nalulungkot ako, at lalong kinakain ng galit at pout ang kalooban ko, hindi para kay mommy o ate Alexis kundi para sa sariling ina... Kay Elena Rae Del Junco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD