Chapter 3

3642 Words
Tanghali na ng ginising ako ng kanilang mismong mayordoma. Di kasi ako maka tulog kaagad kagabi kahit na pagud sa naganap na celebrasyon ng kaarawan ni tita. Madaming mga kung anu-anung mga asungot na pumapasok sa utak ko. Naligo at nag ayos na muna ako bago bumaba para maka pag agahan. Mag isa lang akong kumakain, mukha naka alis narin sina tita Lourdes at tito Emanuel. "Si Samuel ate ching?" Tanong ko sa katulong na itinalaga para lang sa akin habang naka stay pa ako dito. "Nasa manokan po miss." Napa angat ang kilay ko dahil ang tinutukoy ng katulong ay ang poultry farm na pag aari ng kanyang grand parent. Ang sabi ni tita ay hindi ito nagpupunta roun. "Iyon lang? Bakit daw?" "Hindi po ko sinabihan miss, narinig ko lang habang nag uusap sila ng kanyang lolo." Paniguradong iniiwasan niya lang ako, at mas ok lang na ganito. Hindi ko naman kasi inexpect na ganito ang magiging tungo niya sakin, akala ko ay katulad lang ng dati. Yung Samuel na una kong nakita na pala ngiti at approachable ay ibang iba sa Samuel ngayon, o baka naman ay sakin lang siya ganyan. Pero hindi ko pwedeng biguin si mommy at daddy. Rejected na si ate Alexis ng nakakatandang kapatid ni Samuel at hindi pwedeng ganun din ang kakahantungan ko. I must be perfect, I must show mommy that I'm not the same as Elena, that I'm different, I must be her Ideal daughter. Hindi man arrange marriage pero alam kong ito ang gusto nila daddy. Muego empire will help us lift our company. At higit na mas importante rin ito sa akin, mas maha-highlight ang lahat ng mga magagandang bahagi ng pagkatao ko at matatabunan ang pangit na image ko sa lahat. Malaking bagay na mapasama sa isang pamilyang nirerespeto ng iba pang mga kilala at arostocratikong pamilya o mga personalidad. To be a Mrs.Muego will help me to climb up in higher social status! Umakyat ulit ako sa aking kwarto para kunin ang isang itim na bag na nag lalaman ng mga art materials ko, isang buong set na medium ng charcoal at watercolor. Iniwanan ko na ang pag o-oil painting dahil masyadong complicado ang mga materials nagagamitin at paniguradong mahahalata ni mommy. Hindi ko tuluyang maiwan ang mga bagay na kinalakihan ko na, ang pag pipinta at pag guguhit ay talagang naging parte na ng pagkatao ko. Ang kaso ay ayaw naman ni mommy ang mga bagay na may kaugnay sa taong kinamumuhian niya... At kinamumuhian ko rin. Isang floral white dress ang suot ko at strapped sandals na itim. Hinayaan kong nakalugay ang hangang bewang at natural na wavey kong buhok. Dahil wala ang parents ko ay libre akong gawin ang mga bagay na hindi ko nagagawa kapag nandyan sila. Plano kung mag watercolor painting at ang batis sa may rancho ang gusto kong subject. Pumwesto ako sa ilalim ng isang napaka laking punong mangga, nag lagay lang ako ng sapin sa damuhan at sinimulan ang pagpinta, pati ang kwadra ng mga kabayo at iilang mga kalabaw na naka tali malapit sa batis ay kasamang iginuhit ko sa aking watercolor paper. Simpleng sketch muna bago bago mag simula sa first layer ng watercolor. Hindi ko alam kung gaanu na ako katagal bago natapos. Tinignan ko ang aking cellphone at mag aala-una na ng hapun. Hindi pa tapos ang pininta ko pero mga ilang details nalang naman ang kulang at doon ko nalang tatapusin. Pinasadahan ko muna ng isang beses ang buong lugar upang memoryahin ang iilang bagay na dapat idagdag sa ipininta bago umalis. Pagka dating ko ng mansyon ay nakita ko ang sasakyan ng lolo ni Samuel, si Emanual Gustavo Muego Sr. Bahagya akong pinagpapawisan dahil may kahabaang lakaran din ang layo ng rancho sa mismong kinatitirikan ng mansyon. Nakapamulsa si Samuel na nakatayo malapit sa b****a ng pinto ng mabungaran ko. Black T-shirt na hapit sa kanyang katawan, faded jeans at black boots ang sout samahan pa ng matikas niyang pustora ay alam mo kaagad ang rason kong bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Tinaasan niya ako ng isang kilay ng malingunan niya ko saka ay ngumiwi ang mukha sa pagka irita. Binaliwala ko na lang iyon saka bahagyang ngumiti sa kanya at nag tuloy na papasok, pagud ako para harapin ang kung anu nanamang sintemyento niya sa akin. Binaba ko ang aking black shoulder bag sa sofang nasa tanggapan at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig at maka kain narin. Agad na tumalima si ate Ching, ang katulong na naka toka sa akin. Trinta'e dos na ito pero wala pang asawa at nobyo may nobyo naman, matankad ako at siya naman ay may kaliitan, makulit din itong kasama at madaldal lalo na kapag kami lang dalawa ang mag kasama. Agad niya pinag tatanggal ang mga takip ng ulam na nasa mesa at nag lapag ng plato at kutsara para sakin. "Ba't kaba natagalan miss? Anung oras na. Dapat pala ay sinamahan na kita, saan kaba galing? Di ka nag sabi kung saan ka pupunta, hinanap ka ng Sr. sa akin." "Sa may rancho lang manang nag pinta. Saka mas maganda mag pinta kapag tahimik ang paligid." Sabay tawa ko kanya ng makita naka usyamid niyang mukha pero nangiti na rin naman. "Kumain na ang Sr. Gustavo, ikaw at si..." Nahinto sa pagsasalita si ate Ching ng pumasok si Samuel sa kusina. Kumuha ito ng plato at nag kusang kumuha ng sariling pagkain. "N-naku po sir! Dito na po kayo, ako na diyan, nandito na sa mesa ang ulam, umupo nalang po kayo." Natatarantang lalapit pa sana si ate Ching kay samuel pero nag angat lang ito ng isang kamay kay ate. "Ako na po, ok lang." Tahimik na kaming pareho ni ate ng umupo siya sa kabilang kabisera ng mesa, alam din ni ate Ching kung gaanu ako kinaiinisan no Samuel, pati na ang iba pang mga katulong maliban nalang sa mga parents namin dahil pormal o casual naman siya sakin kapag nandyan sila. Naiinggit nga ako sa atensyong binibigay niya kay ate Alexis, well... Noon paman ay naiinggit na ako sa lahat ng meron siya, confidence niya, respito ng mga tao at paghanga nila para dito, atensyon nilang lahat, maganda, matalino, maraming kaibigan. Lahat ng mga bagay na gusto ko nasa kanya. Pero noon yun, dahil nasa akin na ang mga bagay na minsang meron siya, maliban sa kay Samuel. Oo nga at ako ang pilit na ipinapares sa kanya pero kapag ayaw niya hindi naman siya pipilitin. Hindi niya ako gusto dahil may ibang babae na siyang gusto. Pero si ate Alexis naman, ang gusto niya ay ang kapatid ni Samuel. Ewan ko kung anung meron dun na talagang siya pa ang nag mungkahi kina mommy na ako nalang ang ireto sa kay Samuel, pero ok na rin sakin at least mag kakachance akong mapalapit kay Samuel. Kaya lang ay siya naman itong iwas na iwas sa akin, yung ekspresyon ng mukha niya minsan na talagang nasusuklam sakin, na para bang may nakakahawa akung sakit. Naalala ko ang unang beses na maramdaman ang importansya ko bilang isang Dela Costa. Excited akung umuwi para ipakita kina mommy ang report card ko na may average score na ninety one na average score, mataas na para sakin kumpara sa dating eighty to eighty three na marka. Pinagsikapan ko yun dahil gusto kong patinayan kay mommy na kaya kong gawin ang mga bagay na gusto niya para sakin, patunayan na hindi ako isang kabiguan. Akala ko ay ok na pero dismayadong ekspresyon lang ang gumuhit sa sopistikadang mukha ni mommy. Dinner ng magkaroon ako ng pagkakataong ipagmayabang ang nakuhang marka. Kaya lang ay umiiling na bumaling siya sakin, si daddy naman na nasa tabi niya ay sinulyapan ang report card ko at natawa. "Really El? You feel proud for this?" Si mommy sabay kumpay sa card kong hawak niya. "You know what Eli? Your ate Alexis average score when she's at your age? Ninety five up! At hindi yun bababa dun!" Gatong naman ni daddy. Ramdam ko ang galit at panibugho sa mga sinabi nila, pero pinanatili ko ang maamong tupa kong ekspresyon. "I'm sorry mom, dad, I'll do better next time." Matapos ang hapunan ng makatagpo ko ang ate Alexis sa kalagitnaan ng hagdan. Hinaharangan niya ako at bakas sa mukha ang pangaasar at pagka arogante, naiirita ako sa mukha niya sa totoo lang pero hindi ko pinahalata. Ayaw kung mas mapalala kina mommy at daddy. "Nakakatawa ka alam mo yun? Talagang sinusubukan mong magpasipsip kina mom at dad." Kumukulo na ang dugo ko sa mga pinag sasabi niya at kunti nalang talaga kakalmutin ko na siya. Nanatili akong tahimik dahil ayaw kong mapasama, paniguradong kakampihan lang siya ng lahat at ako ang mag mumukhang masama. "Wala kang kwenta, sa totoo lang ah, para kang linta, hep! Wag kang magalit, real talk lang yun, kasi naman eh. Napapansin ko nitong nakaraan lagi kang nag papabida kay mommy, nag papasipsip, kaso nga lang hinding hindi mo ko mahihigitan." "Walang silbi? Makikita mo, kukunin ko ang lahat ng sayo. Ako na isang linta para sayo ay sisipsipin ang lahat ng meron ka, makikita mo, maaagaw ko ang pwesto mo." Nag taas lang siya ng isang kilay at nagkibit balikat, nagpatuloy siya sa pag baba at lalagpasan na ako. Umabot na ako sa aking sukdulan at hindi na naka pag timpi pa. Hinila ko ang buhok niya at umiiyak na nag sisigaw sa sobrang galit. Magkasing tangkad lang kami ni ate Alexis kaya abot na abot ko ang kanyang ulo. Tinanggal niya ang kamya ko at malakas niya akong itinulak dahilan ng pagkaka out balance ko pero naka hawak ako sa barandilya ng haggdan pero bumitaw din para sadyang mahulog. Napasalampak ako sa sahig at ininda ang sakit ng pagkaka bagsak, mga apat na baitang ang inihulig ko pero dahil kalkolado ko ang pagbagsak ay hindi ganoon ka sakit. Nanlalaki ang mga mata kong nag angat ng tingin kay ate at kitang kita ko ang pagkakagulat, takot at pag aalala niya sa nangyari. Alam kong hindi niya sinadya pero kasalanan niya parin, sinadya ko iyon pero kasalanan niya parin! Siya ang may gawa nito. Sinabunutan ko ang sariling buhok at ginulo iyon sabay isang malakas na iyak. Umiiyak ako hindi dahil sa pagkahulog at pisikal na sakit, kundi dahil sa sobrang galit, selos, pagkahiya at takot sa maaaring maging reaksyon nina mommy pag nalaman nila ang nangyari, kelangang mag mukhang totoo. Natatakot ako dahil malaki ang posibilidad na sakin parin ibunton ang sisi at ako uli ang masama. Nagkakagulong lumapit ang mga katulong at doon mas lumakas ang hagulhul ko, sinapo ko ang aking braso at bumaluktot na para bang sobra ang iniindang sakit. "Anung nangyari! Anung kaguluhan to!" Dumating sina mommy at daddy pati na ang mga bisitang kadarating lang at inaasikaso nila. Totoo ang maraming luha na lumadas sa pisngi ko, lahat ng iyon ay bunga ng inggit at galit. Pulang pula ang mukha ko sa kakaiyak. Pilit na ipinapaupo ako ng mga katulong. " H-hindi ko sinasadya!" Maang na sambit ni ate Alex, hindi ako sigurado kong nahalata ba niya ang pamimeke ko sa pagkahulog ko. "She's just acting! Hindi yan totoo!" Oh well... Alam niya! But there's no turning back here. Hindi ko hahayaang sa kanya nanaman papabor ang lahat! Isa pa, sa kanya ko rin naman nakuha ang ideyang ito, noong hinaras niya ako sa kwarto ko. "Ate! Tanggap ko na kahit na kelan ay hinding hindi mo ko matatanggap. Pero ang hindi ko maintindihan ay kong bakit moko laging sinasaktan!" Totoo namang pinipisikal niya ko dati, pero ni minsan noon ay hindi ako umangal, takot akong e-voice out kina mom at dad ang mga hinaing ko. "Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para lang magustuhan mo ko ate." Sumisinok pa akong umiiyak habang umiiling si ate at halos hindi maka pag salita at hindi alam ang idadahilan. "Alexis! Anu to!?" Si mommy na gulat at hindi maka paniwala. "Hindi my! Hindi ko sinadya! Natulak ko lang siya kasi sinasabunotan niya ako!" "Alam n-niyong hindi ko kayang gawin yan, ni minsan h-hindi ko inisip na saktan ka ate dahil noon paman hinahangaan na kita. Pero bat ako ang pinagmumukha mong sinungaling?" "Ako ang pinagmumukha mong sinungaling! At ang sabi mo pa nga e kukunin mo lahat sa akin!" "A-ate totoong sinabihan kitang gusto kong maging katulad mo! Pero hindi ko sinsabing aagawan kita! Iniidolo kita at hinahangaan ate gusto kung tumulad sayo pero kung ayaw mo talaga sakin sana sinabi mo nalang-" "Sinungaling! Hindi totoo yan, ikaw ang na-" "Alexis!" Sigaw ni daddy. "Hindi na kayo nahiya! May bisita tayo at ganitong eksena ang madadatnan namin?" Nagpatuloy ako sa kakaiyak at naka upo parin sa sahig habang hinihimas ng katulong ang likod ko, marahil ay naaawa sa akin. "S-sorry dad, na eskandalo kayo dahil sakin." At lalong humikbi at mas umiyak pero hininaan na, tinakpan ko ng aking mga palad ang aking bibig upang kunway pinipigilan ang pagiyak. Nagbuntong hininga si daddy habang nakatingin sa akin. Lumapit siya hinawakan ako sa magkabilang balikat, sinuri niya niya ko saka ako tinignan sa mga mata sa isang malambot na ekspresyon. "Asan bang masakit? Mabuti pa ay mag tingin ka sa doctor. Magtatawag ako ngayon kaya doon ka muna sa kwarto mo, ok?" "I-I'm sorry dad-" "My ghad! Pavictim nakakairita-" "Alexis!" Putol ni mommy kay ate. "Bakit kaba nagkaka ganyan!? Anu bang nangyayari sayo? Ikaw ang ate Alex! Dapat isa kang mabuting ihemplo sa kapatid mo! Hindi ko akalaing magagawa mo to!" "Mom! No! Hindi ko-" "Pwede? Wag kana munang mag salita Alexis?" Ani mommy ng naka taas ang isang kamay at pinapatahimik si ate. "Sumunod ka sakin sa opisina, may paguusapan tayo." Saka akyat si mommy sa hagdan. Hindi agad sumunod si ate kay at inarok muna ako ng matalim niyang titig. "Pretentious b***h-" "Anu ba Alex!" Halatang nauubusan na ng pasensya si mommy. Galit na galit niya tinignan si ate. Nagpatuloy ako sa pag iyak, maybe its not just about my anger, lahat din ng hinanakit ko inilalabas ko kaya kahit papanu ay totoo ang parteng iyon. Inalalayan ako ng mga katuling sa pagtayo at naka agapay din si dad. "I'm trying my best dad, kaya ko ginagawa ang lahat ng gusto ni mommy kahit nahihirapan ako, dahil gusto kong rin naman maramdamang parte ako sa pamilyang to, kasi kong hindi naman, sana pala hinayaan niyo nalang ako kay mama diba? Di ko naman hininging buhayin ako." Hinarap ko si dad, nakita ko rin ang mga bisita niya sa may likuran at parents iyon ni Samuel that time. May pagaalala sa mga mukha nila. "Gusto kong mardamang kahit papanu tanggap ako dad, boung buhay ko nalang ba ganito palagi? Lahat nalang ayaw sakin?" Hindi ko alam kung nagkukuwari paba ako dahil damangdama ko ang parteng iyon. I've been so insecure about my self, they made me insecure. Ayaw ako ng mga tao, kahit pamilya ko ayaw sakin, si mama na pinaka importante sakin ay bigla nalang nawala. Kuya Felix? Kahit papanu may isang taong nagpapahalaga sakin kaya lang palagi namang wala. At least ngayon kahit papanu nakikita kong nag aalala sila sa kalagayan ko. Kinausap ako ni dad pagkatapos ng kadramahan kong yon. Marami siyang sinabi na kung anu anu like hindi naman daw nila ako binabaliwala, that he's sorry if they made me feel like that. Talaga lang, ah? Sa sumunod na araw doon ko nalaman ang naging usapan nila mommy at ate, sinusobukan ni mommy na kombensihin si ate na pumayag na si Samuel nalang. Ate refused kasi nga yung isang Muego o kapatid ni Samuel ang gusto niya, kaya nagalit si mommy at hindi niya rin naman ito mapilit. Feel ko parang disappointed si mommy kay ate dahil walang imik si mommy kay ate Alexis. Nag excel ako sa school at naging active sa lahat ng school activities, I made lots of friends. Na realize ko na hindi naman pala mahirap kung talagang gugustohin, masyado lang talaga akong nabaon sa mga insecurities ko, na hindi ko pa man sinusubokan nasasabi ko ng mahirap saka ay susuko nalang. Masyado akong nag seself-pity when in fact I am more fortunate kompara sa iba diyan na mas naghihirap o may mas grabeng pinagdadaanan. Of course I successfully got closer to mom. At syempre mas nagalit si ate Alexis sa mga pinagagawa ko. Oh well, she's actually doing a favor for me, the more na galit at nang gigigil siya sakin? the more she made mistakes! And then all I have to do is to fckng play victim. Nandyan yung isusumbong ko siya kapag may ginagawa siya sa school, and I even followed her one time on her so called group study. Group study nga, kaya lang kagroup niya jowa niya. Nakunan ko pa ng video ang make out session niya with her boyfriend. At syempre sinumbung ko kay mommy, and my reason? Na nag aalala lang ako sa kanya dahil na papansin ko sa school na kasa-kasama niya yung lalaking yun at gumawa ako ng kwento na nakita kong may kasama itong ibang babae habang nagyoyosi. Concern lang ako! Lol. It worked actually, disappointed si mommy at daddy. Sinong mag a-akala na ganitong ka-ugalian ang pinag kakagawa ng ideal daughter nila. Well, ideal daughter no more! Mas naging active din ako sa social gatherings, at iba pang mga occasion. I made sure to make a good impression to my parents close friends, business partners at sa iba pang may mga malalaking pangalan. "I'm not Cecile ija, si Cecile ay anak ko, by the way ang ganda mo na ija, last time ang liit mo pa nung makita kita." "Thank you po ma'am, sorry akala ko kayo yung anak niyo, you look younger than your age ma'am." "Oh! Really?" Tumawa sa galak ang ginang. One thing that most of the rich people have in common? Gusto nilang napupuri sila. Hindi mahirap sakin yun, I'm aware of how I look so innocent with my soft facial features. Ang downturn kong mata, manipis na labi, matangos at maliit na ilong. Titignan ko pa sa salamin ang pag ngiti ko and I'm sure I look so genuine right now. "Thank you ija, by the way balita ko sa mommy mo nagsisimula ka nang magka interes sa negosyo at may mga ideya kana sa pagpapatayo ng business? ang swerte ni Xandria sayo ija, I'm sure they're proud of you." "Salamat po, ako po ang maswerte sa kanila, the lessons they taught me really helps me a lot ma'am. Nakaka inspire din lahat ng mga accomplishments nila." I'm trying to exert a light and friendly vibes towards other people. I'm trying my best to be different with mama. She's quite at may mababang self esteem noong kapanahunan niya, clumsy at madaling utuin ng kahit sino, at tulad ng sabi ni mommy, siya ang palaging kasama nito para tumulong. Laging siya ang sumusuway dito kapag may mga taong sinusubukang gamitin o lokohin siya. I want to be different, I want be confident, smart, friendly, active, and clever. Sa sumunod na taon bago ang araw ng kaarawan ko ay kinausap ako ni mommy, gusto niyang ako naman ang ireto kay Samuel. Pinakita niya sakin ang mga litrato ni Samuel na nasa phone niya at nagulat ako, siya yung lalaking nakilala ko doon sa beach house two years ago! Pumayag ako at natuwa naman si mommy. Kinabukasan sa birthday ko ay imbitado si Samuel at ang boung pamilya nila kaya lang ay hindi sumama ang naka katandang kapatid nito. Nakita ko pa ang dismaya sa mukha ni ate Alexis. Hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi, tinablan ako bigla ng hiya. Pero napansin ko ang malamig nitong tungo sa akin, hindi ko alam kong namamalik mata ba ako o anu pero parang lumiit ang hubog ng katawan niya. Pero ang mata niya, ilong labi at gupit ng buhok ay walang kaibahan sa dati. Hindi ko na rin naman pinagtounan pa ng pansin ang ilang maliliit pang mga detalye na nagbabago sa anyo niya. Isa pa dalawang taon rin ang lumipas kaya natural lang na manibago ako. Simula noon ay laging siya ang pinapasundo sakin sa school tuwing gamit nina mommy ang sasakyan at driver namin. Umiikot lang sa school, bahay, at bahay nila ang destinasyon ko. Lagi kasing nag rirequest si tita Lourdes na samahan siya at doon mag stay minsan lalo na kung holiday or walang pasok. Pansin ko rin na silang tatlo lang nina Samuel at tito ang naninirahan sa bahay nila, hindi ko nakikita ang kapatid niya. Nakikita ko ang iilang childhood picture nila at masasabi ko talagang sobrang hawig nila. Ang sabi ay sa abroad ito namamalagi at doon nag aaral. Napaka dalang nitong bumisita ng pinas. Ito raw kasi ang paboritong apo ng kanilang lolo kaya ng kinailangan nito ng medication from abroad ay isinama ito. Halatang lolo's boy ito. Naiintriga din talaga ako dun, I can feel familiarity kahit sa picture ko lang siya nakikita. Sabagay ay magka hawig nga naman talaga sila, pero mag dududa akong baka siya yun? Na hindi si Samuel? Pero ng makita ko ang latest pictures ng kuya ni Samuel na Pennimuel Jace ang tunay na pangalan, ay mas nakikita ko ang kaibahan nila. Mas mukha ito mapanganib at kuhang kuha ang lahat ng facial features ni tito Emanuel, di katulad ni Samuel na may ilang soft features na nakuha kay tita Lourdes. Ang ilang mga litrato nito noong bata-bata pa ay talaga hawig sila ni Sam kaso iba na pag dating sa mga latest pictures. That made me think that it's Samuel, the first guy I ever liked more than just a teenage crush.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD