Sa loob ng isang linggo'ng lumipas ay walang interesanteng bagay ang nangyayari, nag secellphone o di kaya'y nag pipinta.
Kung dati siguro ay kanina pa ako mang uusyoso sa mga pinagagawa ni Samuel pero ngayon hindi na muna talaga.
Syempre nainsulto niya ako at may pride din naman ako, isa pa ay hindi parin talaga homuhupa yung galit ko sa kanya.
At naman talagang na uunsyami na siya sa kakadikit ko sa kanya.
Lalo niya lang akong aayawan kapag nakikita niyang masyado akong submissive.
Simula ng makita ko siya ay di ko na nakitang ngumiti siya sakin, kong ngingiti man ay halatang napipilitan.
Laging napipilitan siyang pakesamahan ako sa tuwing nandyan ang parents namin, kapag wala ay balik sa pagiging snob at kung se-swertehin ay may pabaon pang insulto.
Kung ayaw niya sakin ay di ko naman siya pipilitin no... Tsk, oo nga pala, panu sina mommy?
Gusto nilang maging parte ng mga Muego! Alam din nilang may gusto ako kay Samuel.
Hindi pwedeng paiiralin ko palagi ang pride ko, lalo na at nag e-expect silang magkakaroon na ng improvements sa amin ni Samuel, nag e-expect silang magagawa ko ito.
Madidismaya sila kapag nalaman nila kung paanu ako iniinsulto lang ni Samuel, na kung gaanu ka baba ang tingin niya sakin.
Minsan gusto kong sabihin kina mommy na hindi maganda ang tungo sakin ni Samuel at pinipisikal niya ko para hindi narin matuloy.
Kaya lang parang na patunayan ko rin kay Samuel ang lahat ng mga binabato niyang assumptions sakin, kahit sabihin nating totoo naman talaga ang mga sinasabi niya sakin.
At isa pa, tulad ng sabi ko, mabibigo ko lang ulit si mommy at daddy, at iyon nga ang gusto ni ate Alexis, kaya nga niya sinu-solsolan si Samuel diba? Para pumalpak ako.
Alam niyang gusto siya ni Samuel at matagal tagal narin silang mag kalapit na kaibigan kaya tini-take advantage niya yun.
Tinanghali ulit ako ng gising at pagka baba ko ay na datnan ko si Samuel na kapapasok palang.
Naka white sleeveless at fitted rough jeans na itim at naka brown boots, bahagyan putikan ang ibabang parte ng katawan.
"Wow, naka baba narin ang mahal na princessa." Mapang asar itong naka ngiti.
Mga tingin niyang nang mamaliit, mas gusto kong tahimik siya.
Pumunta akong kusina para kumuha ng snacks na dadalhin ko mamaya.
Naka pag breakfast in bed narin ako kanina.
"Na a-alibadbaran talaga akong makita ang mukha mo."
Naka sunod pala siya sa kusina, binobuksan ko ang ref kaya lang ay nasa likod ko siya kaya tumabi din ako para makuha niya ang gusto niya.
Tinulak niya ako kaya napa tukod ako estanteng nasa tabi lang ng ref, kung nagka taon baka nasubsub na ako.
Marahas akong napalingun sa kanya, nakaka irita na.
Nag salin siya ng tubig sa kanyang baso at ininom yun, ang mga mata niya ay sakin na naka toun.
Ng maubos ang lahat ng laman sa baso ay hinarap niya ko.
"Gustong gusto ko talagang na uubos ang pasensya mo, lumalabas kasi ang totoong kulay mo." Saka ay tumalikod at nilagay ang baso sa sink.
Matalim ang mga tingin kong sinundan siya hanggang tuluyan ng maka labas ng kusina.
Kinakalma ko ang sarili at baka pumalpak pa ko pag nag padala ako sa galit.
Simpleng pang aasar lang yun Eli. Saka ko lang din napagtanto ang higpit ng pagkakakuyom ng mga kamao ko.
Pagka labas ko ng kusina ay nakita kong nagkaka g**o sa labas.
Lumapit din ako para maki usyoso, isang itim na mukhang mamahaling sasakyan ang pumarada, may naka sunod din na sasakyan sa likuran nito.
Bumilog ang mga mata ko ng marecognisa ang sasakyang naka sunod sa likuran, kay ate Alexis iyon!
Bumukas ang pinto ng naunang sasakyan.
Namangha ako sa lalaking bumaba mula doon, polo shirt na itim ito at bukas ang naunang dalawang butones, hapit na hapit ito sa katawan niya at naka shades din na itim, khake shorts at naka puting sapatos.
Kuya ito ni Samuel! Si Pennimuel, mas matangkad ito ng kaunti at di hamak na mas malaki ang pigura. Parang alam mo kagad na aktibo ito sa mga sports o anu.
May magandang pangangatawan din naman si Samuel kaya lang ang isang ito ay parang nasa sukdulan na.
Sumunod naman ang sasakyan na nasa likuran, at tulad ng inaasahan ko ay su ate Alexis iyon.
Napa ikot naman ang mata ko ng makita ang ngiting pusa niya.
Lumapit si Samuel sa kuya niya at tinapik ito sa likuran, ganun din ang ginawa nito saka nag tanggal ng shades at nag kamustahan na.
Parehong gwapo at malakas ang hatak ng dalawa pero ramdam kong kakaiba ang taong kararating lang.
"San si lolo?"
"Umalis pero saglit lang yun, nag pasama kay tito Noel sa munisipyo. Ngayon ka lang ah." Nakita ko ang pa simple sulyap ni Samuel kay ate Alexis na nasa likuran lang ng dalawa.
Si ate naman ay halatang gustong gusto dumikit sa kuya ni Samuel kaso parang nag dadalawang isip. Tss.
Sa bagay, na reject na siya nito minsan.
Bigla namang may kapilyohang pumasok sa utak ko. Napangiti ako at nag simulang mag lakad palapit sa pwesto nila.
Halos mag kasing tangkad lang kami ni ate kaya di gaanong halata na 17 palang ako. Pero kung mukha ko lang pagbabasihan ay mahahalata naman.
Agad na napadpad sakin ang mga tingin noong Pennimuel.
"Hi." Bati ko ng maka lapit na sa kanilang pwesto, saka palang ako napansin ni Samuel.
"You must be Pennimuel, ako nga pala si Elisha."
Nag lahad ako ng isang kamay sa kanya.
Nawala ang ngiti sa labi noong Pennimuel, akala ko hindi niya na tatanggapin ang kamay ko, ilang segundo narin ang lumipas at sinusuri niya lang ako mula ulo hanggang paa, tinignan ang kamay kong naka lahad.
Tinanggap niya ang naka lahad kong kamay bago ko pa man tuluyang maibaba yun.
"It's Jace for you young miss." Saka muling ngumiti sakin.
Nagulat ako sa narinig ko, nanlaki ang mga mata ko at mas tinitigan ang mga mata niya.
Anu ulit ang tinawag niya sakin? Napa awang ang bibig ko at patuloy na sinuri ang bawat hulma ng mukha niya.
Maraming kaibahan ang mukhang nasa aking ala-ala.
Oo at magka hawig sila ni Samuel pero mas na aangkop ang itsura at pigura ni Samuel sa lalaking nakilala ko noon, at isa pa mas naging malagum o malalim ang boses niya kompara noong una.
Pero possible rin na, nag mature lang din ang physical appearance niya.
Bahagyang humilig ang ulo Jace at mas lalong lumawak ang ngiti.
"I think you remember me now, huh?"
"Jace." Lumapit si ate Alexis at isinukbit ang isang braso kay Jace na naka hawak sa kamay ko.
Kumurap ako at bumitaw na, mas itinuwid niya rin ang pagkakatayo niya at ipinasok sa bulsa ang dalawang kamay, hindi niya parin inaalis ang mga mata sakin.
It was him!
Hindi si Samuel!
Nilingun ko si ate Alexis na naka ngiti ng hilaw, si Samuel naman ay magka dikit na ang mga kilay.
Ngiti ulit ako and this time, mas matamis at malambing.
"Can I call you Pen instead?"
"What?" Nagulat siya at saglit na kumunot ang noo pero humalakhak din.
"Ang pangit naman." Sabay pasada niya ng buhok niya gamit ang brasong kinakapitan ni ate kaya nabitawan niya ito.
"No, it's cute and unique din."
Narinig kung tumikhim si Samuel sa gilid ko.
Yeah, alam kong harap-harapan na akong duma-the-moves dito. Naisipan ko lang na asarin si ate Alexis, pero may kaunting pagbabago sa plano ko.
"Sorry pero pangit, mas gusto ko ng Jace."
"Please Pen, ako lang naman eh."
"Well-"
"How about you call him kuya. Masyado kang bata sa kanya para mag first name bases kayo. Paggalang ang tawag dun." Sabat naman ni Samuel sa usapan.
Nakita kong nag heads up pa si ate at tinaasan ako ng kilay.
"Hey bro, ang K.J. mo, saka parang pinapahiwatig mong matanda na talaga ako." Saka ay muli akong binalingan.
"Fine, you may call me that, pero ikaw lang, wag kanang mag imbita ng iba ok? Pag ginamit nilang pang asar sakin yan hindi na kita papayagan." He joked and chuckled afterwards, marahan niya ring tinapik ang ulo ko.
Bumilis ang t***k ng puso, at nagsi sayawan ang mga paru-paru sa tiyan.
"Sige na kuya, pumasok na tayo para maka pag pahinga ka." Inakay na ni Samuel si Pen papasok at bahagya pa akong nakabig pagilid.
Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan kong ngumiti at binalingan si ate na ang sama ng tingin sakin.
Ko
"Wag mo sabihing pinagkasundo kayo ulit ate? Wag mong ipagsiksikan yung sarili mo, maawa ka naman dun sa tao, halatang naririndi na sayo, oh." Hininaan ko ang boses ko para hindi kami marinig ng dalawang nauna.
Nanlaki ang mga mata niya, galit na lumapit sakin at nag angat ng kamay para sampalin ako o kalmutin, napa pikit ako at handa na sa anu mang parating, kaya lang ay wala kaya unti-unti kong binuksan ang mata ko.
Nakita kong hawak ni Samuel ang kamay ni ate at matalim ang tingin sakin.
"Wag mo ng pag aksayahan ng lakas mo ang tulad niya Alex, bata lang yan na ng aasar." Aniya ng hindi tinatanggal ang mga mata sakin.
"Akala mo kung sino Sam eh! Nakaka lilitse!"
"Sa tuwing nagpapadala ka sa galit ay nahuhulog ka sa bitag niya, alam mo yan. Gusto niya lang gumawa ka ng eksena kaya dapat alam mong umiwas ka."
"Oh, so the young fine lady I've known before is now naughty one huh?" Sabi ng isang baritonong boses sa may likuran ko.
Na pabaling ako sa kanya at nakita ko ang seryoso niyang mukha.
Kahit anung ekspresyon gwapo siyang tignan, pero kapag ganitong seryoso ay nakakatakot, mas higit na nakakatakot kesa kay Samuel. Ang makakapal niyang kilay at malalantik na piloka, ang mga pangang nasa perpektong angulo.
Lahat sa kanya ay nag susumugaw ng panganid pero kaakit-akit para sakin.
Ang mga matang ngayon ay tumititig sakin ay tunay ngang pamilyar sakin.
Napa yuko ako sa hiya, hindi na ako sigurado kong narinig ba nila ang sinabi ko, sana hindi.
"Anu palang nang yari?" Hindi ko alam kong para kaninu yung tanong, pero ayaw kong sagutin yun.
"That brat is throwing insults to Alexis kuya, ito namang si Alexis eh pikunin kaya pag nasaktan ni Alex eh mag dadrama, kunyari aping-api."
Nanlamig ako, bumaliktad ang plano ko.
Kong hindi nag papakabayani itong si Samuel, magagawa ko sana ng maayos, o dapat yata hindi ko nalang ginawa gayong nasa paligid lang si Samuel diba?
"Totoo ba?" Boses ni Pen iyon kahit di ko na alamin, mas malalim ang baritonong boses.
Ayaw kong tignan siya, natatakot ako.
"Ok lang, sanay na ako sa kanyang mga pakulo para maka kuha ng sympatya sa ibang tao. Lage nga yang nag papabida kina mommy eh." Sulsul naman ni ate.
"Sanay? Kong ganun bakit umakto kang sasaktan siya?" Tuloyan na akong napa angat ng tingin kay Pen.
"Ikaw ang mas naka katanda kaya dapat ikaw ang mas may mahaba pasensya, at ikaw naman babae." Saka binalik ulit sakin ang tingin.
Agad akong napa yuko, akala ko kakampihan na talaga ako, sisermonan din pala yata ako.
"Naririnig mo ba ang mga pinagsasabi mo kanina? Nag ko-contradict ang pag uugali mo sa maamo at innocenteng mong mukha, saka anu ka? Isang batang paslit na attention seeker? Napaka immature ng mga ginagawa mo alam mo ba?" So narinig niya naman pala.
May mga luhang namumuo sa mga mata ko, napa hiya ako, sa pag kakataong ito ay maraming mga katulong ang naka tingin, pero hindi ako naka ramdam ng galit sa kanya, naiinis ako sa sarili ko.
Ito ang kauna unahang naka ramdam ako ng hiya at guilt sa mga pinagkakagawa ko. At nahihiya rin ako sa kanya, na ito pa talaga ang magiging unang impression niya sakin sa muling pagkikita namin.
"Sorry." Parang automatikong lumabas iyon sa bibig ko at bahagya pa kong nagulat sa sarili.
Seriously? Kelan pa ko nag sorry sa kahit sino man? Ni hindi nga ako humingi ng sorry kay ate na siya itong binibwisit ko, o kay Samuel na palaging isinusumbat sakin ang mga pinagkakagawa ko.
Yung pakiramdam na isa siya sa mga taong ayaw kong biguin o madismaya sakin.
"Sakin mo ba dapat sabihin yan?" Aniya't sabay pinag cross sa dibdib ang mga braso.
Biglang nanuyo ang lalamunan ko, hindi kaagad ako naka kibo.
Bahagya akong humarap kay ate pero naka yuko parin.
"S-sorry." Para sakin ay malaking bahagi ng pride ko ang nilulunok ko.
Wala akong anu mang narinig mula kay ate, pero may pakiramdam akong naka ngiting tagumpay siya ngayon.
"Ok, that's enough." Saka ay tumalikod siya at nauna ng pumasok.
Sumunod na sina ate at Samuel. Saka lang ako naka hinga ng maayos noong tuluyan na silang mawala.
Saka ko lang din naramdaman ang mga luhang kanina pa pala lumandas sa pisngi ko.
Ewan ko din ba sa sarili, kay Samuel ay hindi naman ako ganito.
Nag simula narin akong humakbang papasok at nilapitan ni ate Ching.
Hinihimas niya ang likod ko at hina hawi ang buhok na dumidikit sa basa kong pisngi.
"Naku naman kasi! Ba't mo ba kasi ginawa yun? Yan tuloy, napagalitan ka."
Inakay na ako ni ate Ching papasok, dumiretso naman ako sa kwarto at nag kulong, hindi ko feel ituloy ang pamamasyal, kahit ang mag pinta o anu ay nawalan ako ng gana.
Bakit nga ba kasi nag punta pa dito si ate Alexis! At talagang nag te-team up pa silang dalawa ni Samuel ah. Kainis!
Lagpas tanghalian na ay nasa kwarto parin ako. Ayaw kong bumaba at mas lalong ayaw kong maka sabay kumain yung dalawang talipandas na yun.
Kanina pa kumakatok si ate Ching at pinapababa ako para kumain, sinabihan ko lang na dalhan nalang ako ng pagkain dito, kaya lang bumalik ulit para lang sabihin na pinapababa ako ng tukmol na Samuel.
"Mamaya nalang ako bababa pag tapos na sila ate."
"Pero miss, sabi ni sir Jace di raw siya kakain kapag di kompleto ang lahat."
Peste naman yan oh. Padabog bumaba ng kama at lakad. Naka simangot akong binuksan ang pinto at padarag na sinarado yun.
Totoong hindi pa nga nagagalaw ang pagkain ni Pen na nasa plato niya, pero si Samuel eh parang sira ulong pinag papasak ang pagkain sa bibig niya habang busangot ang mukha, parang pinapamukha niyang kakain siya kahit wala ako, at ang loko inirapan pa ko!
Busalan ko yang bibig niya ng french bread eh.
Hinila ni Pen ang bangko na nasa tabi niya kaya doon na ako lumapit.
Nung paupo na ko todo titig naman ng naka kamatay si ate.
Aba't talagang bagay nga silang dalawa.
"Bakit ayaw mong bumaba?" Napa baling ako sa lalaking katabi ko pero agad ding napayuko. Pagagalitan nanaman ulit ako.
"Nag tatampo ka?" Tuloy niya nung di ako umimik.
"Galit ka sakin." Sabi ko sa isang maliit at mahinang boses kaya inilapit niya ang mukha sakin para marinig ako.
"Anu?" Kunot na kunot pa ang noo at pilit sinisilip ang mukha ko.
"Anong sabi mo? Galit? Sinong galit? Nag sorry ka naman na diba? Kaya wag munang isipin yun, wag mo lang gagawin ulit."
Saka lang ulit napa angat ang mukha ko nung nakita kong nilalagyan niya ko ng kanin sa pinggan. Tinignan ko ang mukha niya at normal lang naman, yung parang wala lang sa kanya yung ginagawa niya
Parang gusto kong man lambot sa kinaka-upuan.
"Lage mo bang ginagawa yung ganun? Saan mo ba natutunan na ganyanin ang ibang tao? Isa pa, dapat gumalang ka sa mas naka katanda sayo." Kalmado lang nag baritonong boses niya kaya kahit sinesermonan niya nako ay parang mas kumakalma pa ako.
Pinagpapatuloy niya parin ang paglalagay ng ulam sa plato ko.
"Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa munting binibini noon, ang sabi sakin ay lage mo na raw ginagawa yan pati sa school niyo ay ginaganyan mo. Oh, kumain kana." Aniya saka inilapit pa lalo sakin ang plato ko.
Parang dati na kaming close kung umasta siya, pero dati paman ay pasin ko na talagang ganyan siya makitungo kahit nung una at isang beses naming pagkakakilala.
"Ang mang apak ng tao para umangat ka ay di kailan man naging mabuti kahit sa anu pamang dahilan Eli. Hindi ako sigurado sa magiginf reaksyon ni Felix pag nalaman niya to, hindi yun maniniwala."
"Yeah, sinasabi ko nga kay kuya at totoong hindi siya naniniwala, ako pa ang inaway! Kesyo raw baka ako ang nauna." Sabat naman ni ate sa usapan ng may usapan, inirapan ko nga, hmp.
"Bibisita kami sa bahay ni tito Neol, mag ayos kana kong gusto mong sumama." Hindi niya binigyang pansin ang litanya ni ate, nakita ko rin ang biglaang pag angat ng mukha ni Samuel kay Pen saka lumipat sakin, mula sa isang iritadong mukha ay matalim na titig ang ipinupukol naman sakin.
Nag iwas ako ng tingin, ang sungit ng mukha ng damuho.
Nag simula na akong kumain, at hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa patuloy na ginagawa ni Pen, habang kuma kain siya ay nag lalagay siya ng kung anu-anung ulam sa plato ko, pinag lagyan niya pa ako ng juice sa baso.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka paniwalang pinagkamali kong si Samuel ang lalaking napaka maginoong nakilala ko noon.
Mas arogante, masungit, stern o hard ang facial features ni Pen pero siya pa itong approachable at friendly, mas na define lang talaga ang facial features ni Pen pero mas gumwapo rin.
Hindi na ako mag tataka kong maraming kababaehan ang nagkakandarapa sa kanya, isang halimbawa na dyan si ang ate Alexis na kulang nalang kainin akung buhay sa mga titig niya ngayon.
Habang parehong masama akong tinititigan ng dalawa, parang tumatagal nag kakamukha na sila.
Wait, mairapan nga.
Tinignan ko sila and inirapan ko, feel ko kasi wala silang magagawa habang nasa harap nila si Pen, napaka behave nila kahit na halos pumutok na ang mga ugat ng dalawa sa inis sa akin, napa hagikhik nalang ako.
Tumikhim si Pen sa gilid kaya napa tigil ako at tumingin sa kanya, naka angat ang isang kilay niya at striktong naka titig sakin. Opss, pagagalitan ba ulit ako?
Kumurap kurap ako at nag pout.
"Hindi mo ko madadala sa ganyan mo little girl." Seryoso ang baritonong boses nito at umiiling pa na tila dismayado sa akin.
"I won't tolerate such childish behavior, oh wait, bata ka nga pala." Sabay eksasperadong suminghap.
"Sorry, ang sama kasi nilang tumingin eh."
Napa yuko nalang ako, parang nadidismaya narin ako sa sarili, hindi ko gustong ma offend siya sakin.
Immature...
Childish...
Bata...
Parang ang baba ko para sa kanya, na parang hindi ako kelan man papantay sa kanya.
Ngayon ko lang naramdaman na pang isip bata at napaka walang kwenta ng mga ginagawa ko.
Nitong mga nag daan na taon, naramdaman kong maraming humanga sakin, naramdaman kong napaka halaga ko, maraming gustong maki-pagkaibigan ay kinaiinggitan.
Maraming humahanga sa maamo kong mukha, ako palagi ang bida sa mga patimpalak, sa school namin hindi ako nahihirapang ibagsak ang kahit sino man na gusto lumagpas o pumantay lang sakin.
Pero wala ang lahat ng iyon kong ipaghahambing sa taong katabi ko ngayon.
Napa sulyap ako kay Samuel na kunot ang noo at strikto kong titignan.
Napaka gwapo niya, natural yun dahil kawangis niya ang kuya, magkapatid sila, pero simula noong araw na inisip kong siya si Pen, hindi ko minsan naisip na patunayan ang sarili ko.
Ipinagsawalang bahala ko kung anu man ang isipin niya sakin, wala akong pake kong masamang tao ako para sa kanya, kahit na isipin niyang isa lamang akong sampid sa pamilya ng mahal niyang Alexis, na isang pabidang spoiled brat na nag kukunwaring mabait.
Sa halip ay itinataas ko pa ang pride ko. Anu ngayon kong iyon ang iniisip niya sakin? Totoo naman! Ganun ako at proud ako din dahil napapamukha ko kay ate na higit pa ako sa kanya! Na lamang na lamang ako sa kanya!
Pero bakit kay Pen, gusto kong itanggi na ganun ako?
Gusto kong patunayan ang sarili ko, gusto kong makita niya ang magagandang katangian ko, na patunayan ang sarili ko sa kanya pero ngayon... Sa tamang paraan.
Hindi ang Elisha na gumagamit ng pandadaya para lang mas umangat sa kalaban, na mahusay ako sa lahat ng hindi nagsisinungaling kahit nino man, na walang pag kukunwari sa pagkatao ko tulad ng isang tipikal na babaeng babagay sa isang Pennimuel Jace Muego.
Isang babaeng may dignidad marangal at puro, matalino, magaling, mala modelo ang katawan, may paninindigan, karespe-respeto, ganoong klaseng tao lamang ang babagay sa kanya.
Gusto kong ipakitang ganun ako at hindi ang isang Evil Eli kong tawagin ng ate at ni Samuel. Na hindi ako isang bata, immature o spoiled brat na attention seeker lang.
That I, Elisha Quinn Dela Costa is the ideal girl for him! That I am the perfect fit for him.
But... I'm not.
Behind every perfection I have made is a pretentious little b***h trying to hide all of her flaws.