KABANATA 1: FIRE

1435 Words
Alexandra NAKATITIG ako sa bahay naming na nilalamon ng apoy. Basang-basa ako ng magkahalong tubig at pawis habang pinagmamasdan na mawala sa akin ang lahat. Nagkakagulo ang mga tao at mayroon na ring mga bumbero, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naaapula ang nagbabagang apoy na unti-unting kinukuha ang lahat sa akin. “Miss, maupo ka muna rito at titingnan ko ang kondisyon mo.” May lumapit sa aking isang babae at kinausap ako, pero wala akong ibang ginawa at nanatiling nakatitig sa aming bahay. Ang bahay na pinagsaluhan namin ng magagandang alaala ng pamilya ko na siya ring pa lang magbibigay ng hindi magandang alaala sa akin. “Miss?” Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang braso ko. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. “Po?” Hinang-hina ako. Nilalamig din dahil sa simoy ng panggabing hangin na isang naging dahilan kung bakit mabilis na kumalat ang apoy. “Maupo ka muna,” sabi niya sa akin. Kalmado lang siya, hindi kagaya ko na nagwawala na ang mga emsoyon. Naupo ako sa isang silya at kinuhanan ako ng blood pressure at iba pang dapat niyang gawin. “Maayos ka naman,” sabi niya. Hindi ako maayos. Kung pwede lang, papasok ako sa loob ng bahay at hahayaang lamunin din ng apoy. “Sina Mama at Papa po?” Hindi ko na mapigilang magtanong pa. Tumingin ako sa babae. “Si Ate po?” Natahimik ang babae at nakatingin lang sa akin. Her expression is a resemblance to pity. I don’t want to see that. Hindi ganyan ang gusto kong makitang ekspresyon niya. “Hindi pa sila nakikita.” Nanginig ang labi ko. Malaki ang bahay namin at maraming pasikot-sikot. Ngayong nasusunog ito, maaari ngang nakulong sila sa kani-kanilang kuwarto at hindi nakalabas. “Kailangan ko po silang tulungan. Kailangan kong bumalik sa loob!” Tinangka kong pumunta sa bahay upang hanapin ang pamilya ko, pero pinigilan ako ng babae. “Hindi pwede,” sabi niya. “Dito ka lang.” Hindi ko na napigilan ang sarili. Umiyak na ako habang nagmamakaawa na hayaan akong hanapin ang pamilya ko. Bakit ako lang ang nakaligtas? Sana ako na lang ang nakulong sa loob. Sa huli, totoong nilamon ng apoy ang lahat mula sa akin—maging ang pamilya ko. My family was gone at the same time the fire was declared out. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Para akong sinasakal at nilulunod. Hindi ako makahinga. “Andra?! Alexandra!” Kahit kilala ko ang boses ay hindi ko magawang tumingin sa kanila. Nanghihina ako. Para rin akong nawalan ng buhay. “Andra!” May humawak sa aking balikat. Nagtaas ako ng tingin at nakita ko ang kapatid ng aking ama na si Tito Jacob. “Tito…” “You’re safe!” Niyakap ako ni Tito. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. “Thank goodness.” Muli kong naramdaman ang bigat ng aking kalooban dahil sa kanyang pagyakap. “Sina Papa…” Hindi ko magawang ituloy ang aking sasabihin dahil pakiramdam ko, kung sasabihin ko ay hindi ko magagawang ituloy. Humiwalay sa akin si Tito. “Mahahanap natin sila. Kakausapin ko lang ang mga bumbero, okay? Rito ka muna.” Umalis si Tito at may kinausap siyang isang bumbero roon. Nakatingin lang ako sa kanila at sa bahay namin. Alam ko na hindi na dapat ako umasa pero…gusto kong sabihin nila na mali ang impormasyong sinabi nila sa akin kanina. Gusto ko na malamang buhay sina Papa at Mama, pati si Ate. Kanina lamang ay kasama ko sila. Natulog lang kami ay ganito na ang nangyari. “Miss De Cordova?” May lumapit sa akin na dalawang bumbero. Nag-alis sila ng fire hat nila. “Pwede ka ba naming makausap?” Hindi ko nagawang makasagot. Nakatingin lang ako sa kanila na para bang hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila. “Mas maganda siguro na huwag na muna ngayon. Baka kailangan na rin niyang magpahinga,” sabi naman ng isang lalaki. Tumango ang kasama niya. “Ikaw na munang bahala sa kanya. May kailangan akong gawin doon, eh. Kailangan nating masigurado na wala na talagang apoy.” Tinapik nito ang balikat ng lalaki at umalis. Naiwan iyong isa. Sinikap niya na ngumiti sa akin. “May kailangan ka ba? Gusto mo ba ng tubig?” Umiling ako. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Huminga siya nang malalim. “Nasaan ang pamilya ko?” Hindi ko na mapigilan na magtanong. Kailangan kong malaman kung totoo ang sinabi kanina na…wala na sila. Naglaho ang ngiti niya at halatang kung ano mang kasagutan sa tanong ko ay ayaw niya nang sabihin sa akin. “Alex!” Napatingin ako roon nang isigaw ni Tito ang pangalan ng ama ko. Tumayo ako at sinubukan na pumunta sa kinaroroonan niya pero pinigilan ako ng lalaki. Tumingin ako sa kanya. “I advised you not to go there. Mas makakabuti kung mananatili ka rito.” Hindi ako nakinig sa kanya. Tumakbo ako papalapit doon at napatakip sa aking bibig nang makita ko ang tatlong katawan ng tao na nakasakay sa stretcher at binubuhat papasok ng isang sasakyan. “No…” Alam ko. Sa isipan ko ay alam ko kung sino ang mga ito, pero ayaw itong tanggapin ng aking puso. Panay na nire-reject ito ng aking sarili. “No!” Tinangka kong tumakbo papalapit sa mga bangkay pero pinigilan ako ng lalaki. Panay ang aking pag-iyak at paghihinagpis. Hindi ko makontrol ang luha ko kahit pakiramdam ko ay wala nang tubig ang katawan ko. “Mama!” sigaw ko. “Papa!” Napaluhod ako nang makita ko ang huling katawan. Wala na akong boses para tawagin siya. “Ate…” Maging si Tito ay hindi nakayanan ang nangyari. Napaluhod din siya at umiiyak habang nakatingin sa bangkay ng kanyang kapatid. Iyak ako nang iyak habang nakakapit ako sa lalaking humahawak at umaalalay sa akin like it’s my lifeline. Naramdaman ko ang marahan niyang pagyakap sa akin habang hinahagod ang aking likod. I leaned on him, kumukuha ng kahit kakarimpot na comfort dahil sa nangyari. Hanggang sa hindi ko namalayan ay nawalan na pala ako ng malay. Nang magising ako, nasa ospital na ako. Napabangon ako at naramdaman ang pananakit ng katawan ko. “Papa?” Umaasa ako na kapag tinawag ko sila, pupuntahan nila ako. “Ma?” Kahit anong pagtawag ko, walang kahit na sino ang nagpapakita. “Ate!” Tinangka kong umalis sa kinahihigaan ko habang dahan-dahan kong naaalala ang nangyari. Bumuhos muli ang luha ko. Nasunugan nga pala kami at tinangay ang lahat sa akin, kasama ang mga magulang ko. Panay ang pagbuhos ng luha ko, hanggang sa kusa itong tumigil. Matapos iyon, tumulala ako. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. “How are you feeling?” Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa bumbero na tumulong sa akin kanina. Tiningnan ko lamang siya at hindi sumagot. Kanina pa ba siya naandito? Hindi niya ako iniwan? “Iyong guardian mo, may mga inaasikaso lang.” Tumango ako sa kanya. “Hindi ka umalis?” Sa lahat ng pwede kong itanong sa kanya, iyon ang lumabas sa aking bibig. “I’m worried about you, Miss. Alam ko na mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon.” Huminga siya nang malalim. “So, I will stay until someone can stay with you.” Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Parang gusto ko na namang umiyak. “Thank you.” Hindi nga niya ako binigo. Nanatili siya sa tabi ko hanggang sa dumating ang guardian ko. Kinakausap sila ng doktor at habang ginagawa nila iyon ay lumapit sa akin ang lalaki. “I’ll be going now. Stay strong.” Ayoko siyang umalis, pero alam ko na hindi ko siya maaaring pigilan. “Anong pangalan mo?” Kahit man lang pangalan niya, gusto kong makuha. Ikinabigla niya ang tanong ko pero ngumiti rin. “Roux Ricalde. I’m a volunteer firefighter. How about you?” “Alexandra. Alexandra De Cordova.” Tumango siya, suot pa rin ang ngiti sa labi niya. “Take care, Alexandra. I know it’s hard for you right now, but everything will get better.” Tinalikuran niya na ako ulit pero muli akong nagsalita. “Sana magkita ulit tayo. Thank you for taking care of me.” Nilingon niya ako at ngumiti muli. “If it’s fate, we will. I’ll be going now.” Roux. Ang lalaking hindi ako iniwan simula kanina hanggang dumating muli sina Tito. Ang kahilingan na magkita kaming muli ay natupad, pero sa hindi inaasahang panahon. I met Roux Ricalde again after a few years as my cousin’s boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD