bc

The Unloved Wife

book_age18+
252
FOLLOW
2.6K
READ
billionaire
dark
age gap
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
bxg
mystery
like
intro-logo
Blurb

DEADLY SINS SERIES: SIN OF SLOTH

BLURB:

Naulila si Alexandra Mireia De Cordova nang may trahedyang naganap sa kanyang pamilya. Walang itinira ito sa kanya at iniwan siyang mag-isa.

Kinupkop siya ng kanyang tiyuhin at hindi itinuring na iba. Lumaki rin siyang kasama ang kanyang pinsan na siyang itinuring niya namang nakakatandang kapatid.

Ang tila masayang buhay ni Andra kasama ang kanyang bagong pamilya ay dahan-dahan na magbabago, lalo na nang makilala niya ang boyfriend ng kanyang pinsan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ito sa binata.

Si Roux Acheron Ricalde, isa sa Ricalde brothers at tagapagmana ng Ricalde Aviation.

Alam niyang hindi pwede, pero paano kung tila ayaw magpaawat ng kanyang nararamdaman? Kahit na at tila nakababatang kapatid lang din ang trato ni Roux sa kanya.

Nang akala ni Andra na hindi aayon sa kanya ang tadhana at tuluyan nang walang pag-asa na makuha niya si Roux, isang aksidente ang nangyari kung saan nasawi ang kanyang pinsan.

Andra was forced to replace her cousin and marry the firstborn Ricalde.

Ngunit sa kasal na tila ba nabuo lamang ng biglaang desisyon, mararamdaman ni Andra ang hindi mahalin.

Paano nga ba uusbong ang pagmamahalan nila, kung tila ba ang puso at pagmamahal ni Roux ay isinama sa hukay ng babaeng tunay nitong iniibig?

Alexandra Mireia De Cordova became a Ricalde and married the man she longed for. She became the wife of Captain Roux Ricalde, but also just a replacement and an unloved wife.

Warning: This is a dark billionaire romance. It may contain themes that are disturbing and not suitable for some readers and young audiences. Reader discretion is highly advised.

chap-preview
Free preview
SIMULA
“CONGRATULATIONS!” Panay ang pagbati sa akin ng mga kakilala ko. Lahat sila ay masayang-masaya sa akin, ako lamang ata ang hindi. Gusto ko ring maging masaya pero… Pilit akong ngumiti sa mga lumalapit sa akin. Pinupuntahan ako ng ibang relatives namin sa room ko bago magsimula ang seremonyas. “Alexandra, you look stunning, apo!” Napatingin ako kay Grandma. Lalo kong pinagbutihan ang pagngiti ko nang pilit dahil ayokong makita niya ang lungkot sa ekspresyon ko. “Thank you, Grandma.” Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang braso ko bago siya makipag-usap sa mga relatives pa namin. “Andra…” Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Tito Jacob. Ngumiti siya sa akin pero walang emosyon ang mga mata niya. Ganito na siya simula nang mangyari ang trahedya. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay ganoon din…maging siya. “Sigurado ka na ba rito, hija? Hindi mo kailangang gawin ito para sa amin.” Huminga ako nang malalim. “Sigurado po.” “Anak…” Parang gusto kong umiyak nang tawagin niya ako nito. Hindi ko siya tunay na ama at kapatid siya ni Papa, pero simula nang mawalan ako ng pamilya ay hindi niya ako itinuring na iba. “Pwede ka pang umatras kung hindi mo ito gusto. Let us, the adults, handle the problem.” Umiling ako kay Tito. Sa totoo lang, gusto ko itong mangyari. Ang problema lang, alam ko na siya ang napipilitan lamang dito dahil napagkasunduan na. Ang siya na tinutukoy ko ay hindi si Tito Jacob. “Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Tito. This is the only way to repay everything. Okay lang po ako. Para na rin po ito sa pamilya natin.” Malalim ang naging pagbuntong-hininga ni Tito. “Kung iyan ang desisyon mo, Andra.” Ngumiti ako sa kanya. Niyakap ako ni Tito. Sinabihan kami na maghanda na dahil malapit nang magsimula ang kasal. It’s my wedding day. Unfortunately, hindi ko magawang maging masaya. Dapat masaya ako. Dapat ay may ngiti ako sa labi, pero kahit anong gawin ko ay bigat ng kalooban lamang ang nararamdaman ko. Kahit gaano ko kagustong matuwa sa mga nangyayari, dulot ng mga trahedya bago kami makarating dito, nananatili ang lungkot sa puso ko. Naghanda na kami. Si Tito ang maghahatid sa akin sa altar. “Kung naandito lamang sana si Victorina, matutuwa iyong makita kang magpakasal.” Naging mapait ang aking paglunok, like there’s a bile in my throat. Kung nabubuhay siya, hindi ako ang magpapakasal ngayon. “Tito, kung buhay si Vicky, siya ang naka-wedding gown ngayon. I am only a replacement.” Nawala ang ngiti ni Tito. Nag-iwas ako ng tingin upang hindi niya mapansin ang ekspresyon ng mukha ko. Sinenyasan na kami ng coordinator kaya’t hindi na rin nagsalita si Tito. Alam ko na masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari. “I’m sorry, Tito…” Hindi ko mapigilan ang sarili na sabihin iyon. “I’m sorry.” “It’s not your fault, Andra.” Tinapik niya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso. “Aksidente ang nangyari.” Pinigilan ko ang maluha kapag naaalala kung ano ang malagim na nangyari noong araw na iyon at kung bakit ako napunta sa posisyon ko ngayon. Huminga ako nang malalim at nag-isip na lamang ng ibang bagay. I distract myself thinking about the wedding that’s happening today. Nagsimula na ang napili kong musika para sa kasal na ito at dahan-dahan na rin akong naglakad. Nakikita ko ang masasayang mukha ng mga bisita habang nakatingin sa akin. Ako lang ata ang hindi masaya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang lalaking pakakasalan ko. Napalagok ako. Bukod sa akin, kung may hindi man siguro masaya sa nangyayari ngayon at kung may mas napipilitan…iyon ay ang lalaking pakakasalan ko at hindi ako. Pero sa magkaibang dahilan kami malungkot. Si Roux Acheron Ricalde. Malamig siyang nakatingin sa akin. Kahit may takip na belo ang aking mukha, nararamdaman ko ang malamig niyang paninitig sa akin. “Roux,” pagtawag ni Tito sa kanya. “Para ko nang anak si Andra. Alagaan mo siyang mabuti.” Inabot ni Tito ang kamay ko sa lalaking pakakasalan ko. Hinawakan niya iyon pero hindi siya nagsalita o sumagot sa sinabi ni Tito, and I get the message. He doesn’t care about me. Halos hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kasal. Lumulutang ang aking isipan sa ibang bagay. Paano kami magsasama ni Roux kung ganito niya ako itrato? Hindi siya ganito sa akin noon. Maayos ang pakikitungo niya, hanggang sa palitan ko ang babaeng pakakasalan niya sa altar. It wasn’t supposed to be me. Victorina, my cousin, was the one who should be here…but she was no longer with us. The vows were kept short. Halatang hindi pinaghandaan o pinag-isipan man lang. Isinuot niya ang singsing sa akin at ganoon din ako sa kanya. When the priest declared us husband and wife, Roux didn’t even kiss me properly. Dumampi lamang ang kanyang labi sa gilid ng aking bibig. My heart was crippled like a piece of paper and tossed it to the trash bin. Napuno ng palakpakan ang mga tao matapos ang kasal. Hindi na nga kami um-attend ng sariling reception dahil sinabi ni Roux na kailangan na naming umalis. Inisip na lamang ng ilan na baka excited na kami sa honeymoon. Excited, my ass. Alam ko na pagod na si Roux sa araw na ito at ayaw nang harapin ang kahit anong ka-bullshit-an ng pamilya namin. Dinala niya ako sa bahay namin na regalo ng mga magulang niya sa amin. Pumasok ako at namangha sa interior ng bahay. It was stunning. “Roux—” Narinig ko ang pagsara ng pinto. Napatitig ako sa pangalawang palapag ng bahay. Pumasok siya sa loob ng kuwarto. Bumagsak ang balikat ko at naisip na maupo sa sofa. Kahit ako ay napapagod din sa araw na ito. Kinasal nga ako, pero sa lalaking hindi naman ako mahal. Ang problema pa rito, mahal ko siya. Roux was my cousin’s boyfriend when I met him… again. Nagkakilala na kasi kami noon, pero hindi nagawang makilala ang isa’t isa nang lubusan dahil sa sitwasyong mayroon kami. Little did I know, he will become my cousin’s boyfriend. And they loved each other. I told myself after realizing that, na hindi ako hahadlang sa kanila. Maaaring una kong nakilala si Roux, pero hindi ko siya pagmamay-ari. Naging masaya ako para sa kanilang dalawa, kahit na minsan ay nagseselos ako at umaasa na sana ako ang nakakaranas ng pagmamahal niya at hindi ang pinsan ko. Kung sana nagkakilala lamang kami sa mas maayos na sitwasyon noon. When my cousin died, my grandmother forced me to marry Roux instead. Kailangan daw matuloy ang kasal dahil matagal na itong napagkasunduan. I wanted to marry Roux, pero sa tuwing naalala ko kung sino ang dapat pakakasalan niya, I would immediately felt guilty. But in the end, pumayag ako at pinakasalan siya. Wala akong narinig kay Roux, but I know he hated me after that. He hated that I agreed to it. He hated me because I took her place—the place that belonged to his beloved. Napansin ko ang pagbaba ni Roux sa hagdanan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na may maleta siyang dala. Agad akong napatayo. “Saan ka pupunta?” Aalis ba siya? Iiwan niya ako ritong mag-isa? Hindi ako sinagot ni Roux at naglakad papalabas ng bahay. Hinawakan ko ang laylayan ng wedding gown ko at hinabol siya. “Roux!” Tumigil siya sa paglalakad. Hinahapo pa ako dahil sa paghabol ko sa kanya. “Saan ka pupunta?” “I have a flight today. Just in case you forgot, I am a pilot and I have a plane to operate.” Sobrang lamig ng boses niya. Nakakapanibago dahil hindi niya naman ako ganito kausapin noon. “But it’s our honeymoon. Hindi ba dapat wala ka munang trabaho?” I sounded so desperate and I hate myself for that. Pero kailangan niya ba talagang gawin ito? I heard him chuckling, and it broke my heart. Nilingon ako ni Roux. May dilim sa kanyang mga mata. “We’re just married in papers, Alexandra. You do you, I will do mine. Nakuha ng pamilya mo ang gusto nila at ganoon din ang pamilya ko. My purpose here is done. Now, I have to go to work.” Magsasalita pa sana ako pero sumakay na si Roux sa kotse at umalis. Naninikip ang dibdib ko nang makita ko ang naging pag-alis niya. Alam ko na hindi niya ako mahal at nagpakasal lamang dahil sa kung ano mang dahilan, but can he be a little bit considerate? Wala na ba talaga iyong Roux na nakilala ko noon? Masama rin bang mangarap na baka…makayanan niyang mahalin ako? At the back of my head, I was hoping he can learn to love me, pero baka nga kasabay ng pagkawala ng pinsan ko ay pagkawala rin ng abilidad niyang magmahal ng ibang tao. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang sakit. Hindi ko alam kung anong gugustuhin ko: ang mahalin lamang siya sa malayo o ang maging asawa niya, but he will continuously makes me feel unwanted and…unloved.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook