Hebe Pinunasan ko ang pawis ko matapos kong linisin ang kwarto ni Sky, nakaidlip na kasi siya matapos ko siyang hilutin ng ilang oras! Oo oras talaga! Ang dami niya kasing sakit sa katawan, ultimo tenga niya gusto niyang ipamasahe! Hindi naman madumi ang kwarto niya, medyo nagkalat nga lang ang mga magazines at ilang DVDs, alam kong maayos si Sky sa gamit, gumulo lang ito nung pumasok ni Sir Angelo at kumuha ng mga iyon! Pumasok ako sa CR niya para maghilamos at ayusin ang sarili, tinignan ko ang wristwatch ko mag aalas sais na, kailangan ko ng umuwi, tuturuan ko pa si Chloe na magbasa at magsulat. Naglagay lang ako ng kunting polbo at lip balm saka sinuklay ang buhok ko. Inayos ko ang damit ko saka lumubas na rin. Hindi ko na gigisingin si Sky, uuwi na ako. Napainom ko na rin siya ng g

