Hebe "May problema ba?" tanong sa akin ni Kiro matapos niyang lagyan ng kanin ang pinggan ko "Masyado ka bang napapagod sa pagtratrabaho? Pwede ka ng mag resign Hebe, malapit na akong makabalik sa pagmamaneho..." "A-Ah..." umiling ako "Hindi naman Kiro, napagod lang siguro ako ngayong araw pero normal lang kasi maraming gawain sa opisina..." sagot ko "Isa pa hindi natin kakayanin ang mga gastusin kung bibitaw pa ako, alam mo namang lumalaki si Chloe kaya yung gastos natin ganun din.." huminga lang siya ng malalim "Hindi ka ba pinapahirapan ng boss mo masyado?" tanong niya saka umupo na rin, inabutan niya si Chloe ng ulam nito. "H-Hindi... hindi naman Kiro..." saka ako sumubo "Di bale kung nakabalik na ako sa pamamasada ako na mismo ang maghahatid sa iyo sa trabaho..." saka siya ngumit

