One: It ended
[ Grizel's P.O.V]
Sa wakas! after ng ilang araw ng pagpupuyat kakareview, tapos na rin Finals namin !!!
makakapagchill na ulit
"San tayo?" tanong ko sakanila the moment makalabas kami ng classroom
"samgyeop kaya tayo? libre ko!" alok ko sakanila
"halla? samgyeop? hindi ba pwedeng bukas na lang?" tanong saakin ni Stella
"hmm? bakit?" tanong ko rito
nakakagulat naman at hindi siya g ngayon? mahilig 'to sa samgyeop eh
"ahh kasi premiere ngayon ng bagong part ng favorite movie ni Chad eh, manunood daw kami. Ilang araw na akong busy, ngayon lang ulit kami magbabonding. Baka magtampo siya lalo saakin" pagpapaliwanag niya
"sorry beh ah? pwedeng bukas na lang?" dagdag niya
napatango na lang ako at tumingin kina Zurriel at Reese saka nagpout
"may lakad din ako eh, bebe time" sabi ni Reese na tila nag-aalangan pa
"ikaw? wala kang bebe! tara Japanese food?" tanong ko kay Zurriel
napakagat siya ng labi
"wag mo sabihing may lakad ka din? " tanong ko sabay buntong hininga
"kasi si mama, andito daw siya. gusto makipagkita eh" sagot niya
"pero why naman T_T gusto ko ng jap food ngayon T_T" dagdag niya na tila nasasayangan
"sira! pwede namang next time na lang eh hahaha. miss na ni mama mo baby niya. ahahahaha ipagpapalit mo pa ba siya sa pagkain?" natatawa kong sabi sakaniya
"eh anong oras kayo makakauwi niyan?" tanong ko sakanila
nakatira kasi kami sa iisang bahay
bali nirerentahan namin yun sa murang halaga
"magchat kayo ah? tangina niyo, uwian niyo ako ng pasalubong!" sabi ko na tila nagtatantrums na bata sabay padyak pa ng paa
"diba! sabi ko naman sayo ang cute niya eh" napatingin ako sa nagsalita
junior namin na nakatingin sa direksyon namin
creep-_-
*ting*
napabunot si Stella sa phone niya
"asa labas na raw si Chad, una na ako ah? maglock ka ng gate at pinto! magchachat ako pag nakauwi na. pati kayo magchat kayo sakaniya. Wag ka basta-basta mag-oopen ng pinto kapag walang nagchat sayo. Baka mamaya kung ano pang mangyari sayo, mapatay kami ng tatay mo" paalala ni Stella
"opo maaaaa hihi" sagot ko rito sabay ngisi
"sabay-sabay na tayong lumabas jusko! iisang gate lang naman lalabasan natin eh" alok ni Reese
well, may point naman kaya nagsimula na kaming lumabas ng school
oo nga pala-_-
yung jowa ko, hayst
hinugot ko yung phone ko sa bulsa ko at triny na buksan kaso...
"aff, lowbat na pala ako" mahina kong sabi
"sira, pauwi ka naman na eh. pag-uwi mo charge ka na tapos chat mo kami ah? para alam namin" paalala ni Zurriel
napatango ako
"habulin ka pa naman ng tarantado" dagdag neto
totoo naman
ngayon nga lang ako uuwi ng mag-isa eh
laging sabay kami lahat or walang mag-isang nauwi
laging may kasama
kapag mag-isa ko...
kung hindi lalaking sumusunod, manyak naman
kung hindi manyak, magnanakaw
kung hindi magnanakaw, lasing
kung hindi lasing, baliw T_T
WALA NAMAN AKONG BALAT SA PWET EH T_T
bakit ang malas ko?
kaya kapag mag-isa ko minsan naprapraning ako
naglagay na lang ako ng earphones at nagplay ng kanta para marelax at mawala kaba ko
tangina, anlaki ko na hindi pa ako makauwi ng mag-isa jusko T_T
naalala ko nung nagcocommute pa ako
sobrang puyat ko noon kasi may exam
nakatulog ako sa jeep
nailagpas ako
tapos yung driver sabi ihahatid daw ako pero kain daw muna kami
kapag narinig mo iisipin mo mabait siya eh
kaso kailangan ba kunin number ko tapos yung mga tingin niya parang hinuhubaran ka na?
T_T tanginang buhay to
habang naglalakad ay may biglang humablot ng braso ko
bigla akong natigilan at tumingin sa kung sino man siya
nakita ko ang isang pamilyar na mukha
at nawala bigla ang kaba
"G-gibson?"nagtataka kong sabi at tinanggal yung left side ng earphones ko sa tenga ko
"kanina pa kita tinatawag" sabi neto saakin
"hmm, bakit?" tanong ko
"naiwan mo 'to kanina sa room" sabi niya sabay pakita ng tumbler ko
"ohh? o_o?" gulat kong sabi
"ahhh kaya pala ang gaan ng bag ko!" dagdag ko
lagi akong may dalang tumbler
lagi kasi akong umiinom ng tubig
tapos pwede magrefill sa department
tipid na nga sa pera, bawas pa sa plastic bottle na nagamit
"sinundan moko dito? pwede mo naman ibigay next time eh. o kaya ichat mo na lang ako" sabi ko rito
"ahhh, chinat na kita kaso offline ka. sa monday ko sana ibabalik kaso nakita kita dito sa daan. bakit wala kang kasama?" pagpapaliwanag neto sabay tanong
"ahhh, may lakad yung tatlo eh" sagot ko rito sabay buntong hininga
hayst, ano naman gagawing ko mag-isa?
AHHHHH manunood na lang ako ng anime >////
Tsukki ma bebe ^3^ I'm comiiiing!!
"nilalagnat ka ba?" tanong niya saakin
"hah?"
nilalagnat? okay naman ako ah?
"namumula ka kasi" sagot ko rito
"ah? huh? hhahaha eto ba? wala wala, naiinitan lang " sagot ko sakaniya
naiisip ko pa lang si Tsukki nagblablush na ako >////
ganun kita kamahal Tsukishima Kei uwu
" wait? hindi ba sa kabilang direksyon ka dapat? may date ka no?" tanong ko rito
"sira, wala. inom lang kami. dun sa malapit sainyo" sagot neto saakin
"ahhh kala ko may date kayo ni true love mo eh hahaha" natatawa kong sabi
" sira ka talaga! wala na kami nun! ilang buwan na din" sabi niya sabay tingin sa daan
"a-ah? s-sorry" paghihingi ko ng tawad dito
"bakit ka nagsosorry? baliw to! hahaha okay lang. " sabi niya
ang weird naman
sila? magbrebreak?
napaka-imposible
gusto ko sana magtanong kaso wag na lang haha
"ohhh! 'di ba dito ka na?"tanong niya saakin
natigilan ako at napatingin sa paligid
ay oo nga pala! awit lutang ako
iniisip ko talaga kung bakit sila nagbreak
Napakaimposible eh!
kung makapagkwento siya, kulang na lang pakasalan niya si girl eh
imposible...
"ahh oo nga!" natatawa kong sabi sabay kamot sa batok
"lutang ka na naman jusko! kakatapos lang ng exam, ano na naman iniisip mo? sagot mo kanina? wag mo na isipin yun masyado no! ikaw pa?"
hindi naman yun eh-_-
"hehe, sige pasok na ako. ingat " yun na lang nasabi ko at pumasok ng bahay
pagkapasok na pagkapasok ko ay nagcharge ako agad at inopen laptop ko para machat sila
pati na rin yung jowa ko
ldr kami ng jowa ko
pagkaopen ko ng sss ay pumunta ako agad sa messages dahil andami kong unread messages
una kong chinat mga kaibigan ko bago ko buksan messages ni Tristan
----To: the moon u
> nakauwi na ako guuuys, may chika ako sainyo mamayang pag-uwi niyoooo
----
"bakit kaya andaming chat netong si Tristan?" tanong ko sa sarili ko
actually, hindi kami okay ngayon
yung convo namin... hanggang good morning at good evening na lang
----From: Daddy
>My...
>hindi ko na alam gagawin
>magbreak na lang tayo
>wala naman ding pag-asa 'to
>hindi na tayo maayos
>hindi na tayo babalik sa dati
>sobrang hirap
>sorry
----
napatigil ako sa nabasa ko
tila tumigil mundo ko
hindi ako makahinga...
hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha sa aking mga mata...