[ Harvey's P.O.V.]
"hoy! Gibson!" tawag niya sabay turo saakin
pero wala sa tamang direksyon daliri niya
sobrang lasing na siya eh
"tama na yan Morgan!" pagpipigil ko sakaniya sabay hablot nung bote bago pa man siya makainom ulit
andami na niyang nainom
akala ko hindi umiinom itong si Morgan
naalala ko dati
Birthday ni Zurriel last year
hindi dapat ako pupunta kasi alam kong andun siya eh
kaso sabi ni Fred, lunch lang kami dun
birthday nga kasi ni Zurriel
tapos biglang nag-aya ng inom si Stella
habang umiinom kami, siya nagmumukbang lang habang nagsusulat ng reviewer jusko
yung ininom niya is soda lang
kaya akala ko hindi talaga siya umiinom
tambay din dito sina Reese at Stella kasama mga senior namin dati kaso hindi siya kasama eh
bigla siyang nagpout
laaaaah bakit ganito to
biglang nagpapacute
laging poker face to ehhhh
hindi ako sanaaay
"hoy! bakit kayo nagbreak ni true love mo?" tanong niya saakin
t-true love?
" 'di ba true love tawag mo dun?"
"naalala ko *hik* kinekwento mo siya saakin sa computer lab eh"
"sabi mo aantayin mo siya ganito ganiyan"
"na siya na"
"na true love mo siya"
"sobrang corny mo sa mga oras na yun"
"pero sobrang naiingit ako kay true love mo kasi ganun yung mindset mo. parang date to marry hindi dahil bored lang or what"
shit! ang cringe ko pala dati?
pero naalala niya pa yun? freshmen pa ata kami nung nakwento ko sakaniya yun ah?
"nakakainggit kasi parang sobrang umiikot mundo mo sakaniya" dagdag pa neto
"kaya parang napakaimposibleng mag-break kayo eh. pero sabagay, lahat ng tao nagbabago... siguro nagloko ka no? "
napatawa ako sa sinabi niya
"sira hindi no!" pagdedeny ko rito
"hmmm ang toxic na kasi ng relationship namin" pagpapaliwanag ko rito
"huh? paano mo nasabi?" tanong niya sabay hawak sa mga pisnge niya at ngumiti
parang nakakaloko yung reaksyon niya eh ahahhaha
'di ko maiwasang matawa ng bahagya
"oh? sagutin mo ! tawa-tawa ka jan hayop -_-" inis netong sabi sabay tingin ng masama saakin
"kasi nga ganito yun..."
[Zurriel's P.O.V.]
"asaan na kaya si Griz?" tanong ni ko habang napapakagat sa thumb ko
alas dos na ng madaling araw!
nagchat siya sa gc na maggrogrocery at magshashopping siya eh
anong oras na ah?
wala pa rin siya?
sabi niya mabilis lang siya
"sa tingin niyo may nangyari na kaya dun?" nag-aalalang tanong ni Stella
nakauwi na kaming lahat, wala pa rin siya
"wala ng mall na nakaopen ngayon ah?" dagdag niya
"Isang bente-uno anyos na kolehyala, natagpuang patay at hubo't-hubad sa D. Matukoy Street matapos umanong pagtulungan ng apat na dayuhan"
napatingin kaming tatlo sa tv
bigla kaming kinabahan
ilang lakad lang yung nabanggit na lugar saaminah?
kaya pala may pulis kanina sa daan kanina
hindi binanggit pangalan nung babae pero pinakita nila yung crime scene pero may censored na part
pinakita rin mga gamit ng biktima
" h-hindi ba ganun yung sapatos ni Griz?" nanginginig na tanong ni Reese
napaupo bigla si Stella sa sahig at napaiyak
lumapit naman sakaniya agad si Chad para icomfort
"juskooT_T sana sinamahan na lang natin siya kanina! *sob* d-dapat hindi na lang natin siya pinabayaan T^T" umiiyak na sabi ni Reese
hindi ako makapaniwala sa nangyayari
"Mukhang kagagaling daw ng dalaga sa mall para magshopping at mag-grocery mag-isa. Habang pauwi ito ay pinagtulungan daw ang dalaga. Makikita sa mga braso at paa neto ang paasa na nagmula sa pagpigil sakaniya ng mga dayuhan. Nagtamo rin ng matinding damage sa kaniyang maselang parte at internal organs matapos pagsunod-sunodan na gahasain ng apat na aprikano"
a-aprikano?
putangina bakit aprikano pa T^T
naletchon ka ng wala sa oras sister huhuhu
maski ako ay napaluha sa impormasyong naririnig ko ngayon
ang hirap tanggapin
ang saya lang namin kaninang umaga eh
nagkakantahan pa kami bago mag-exam
kumakanta pa kami ng I am the Best ng 2ne1 pampahyper kanina kasi bangag kami kakareview
sana pala, sinama ko na lang siya nung nagkita kami ni mama
kaso aasarin ako nun eh
pero kung alam ko lang
edi sana buhay pa siya ngayon T_T
*DING DONG*
nagtinginan kaming apat at biglang kinabahan
"b-baka pulis na yan guys T_T" nag-aalalang sabi ni Chad, boyfriend ni Stella
at opo, kasama namin siyang nakatira rito sa nirerentahan naming bahay
"TAO POOOOO" tawag ng isang lalaki mula sa labas ng gate
huminga kami ng malalim para humungot ng lakas na lumabas
"TAO POOOO" tawag ulit ng tao mula sa labas
"ako na magbubukas guys" pagprepresenta ko sabay hawak sa gate
napapikit ako habang binubuksan ito
natatakot man ako kaso kailangan kong harapin
baka pinapanood ako ngayon ni Griz
baka multuhin niya ako at pagalitan kasi takot na naman akong harapin ang katotohanan
nanginginig akong nagpukas ng gate...
kaso pagkabukas ko
isang Harvey Gibson ang bumungad saakin
"Harvey?" nagtataka kong tanong
siguro narinig niya yung balita?
"CHARAAAAAAN!!! hehe *hik* TADAIIIIMAAAAA (I'm home)"
mas nagulat ako sa isang babaeng nagpakita mula sa likod niya
Nakangiti, parang batang nagsurprise sa parents niya at may hawak pang ice cream sa kamay neto
"G-griz?" di makapaniwalang banggit ko sa pangalan neto
biglang sumingit sina Reese at Stella para makita siya nang marinig nilang banggitin ko pangalan neto
"oh? Hi Yel ^_^ *hik*" sabi neto sabay kaway sakin habang nakapikit
napatakbo kaming tatlo sakaniya at niyakap siya
"GRIIIIIZZZZZ!!!" nag-iyakan kaming tatlo habang akap-akap siya
"ohh? mish niyo ko? ehe *hik* lablab niyo talaga ako *hik* buti pa kayo haha" natatawa niya ulit na sabi
"bakit amoy alak ka? lasing ka ba?" tanong ni Stella kahit na di pa rin siya makapaniwalang nasa harap namin si Griz at nahahawakan
"hindi ako lasheng!" sabi nito at tumingin kay Harvey
"di ba? *hik* Gibshon? okay na okay ako? nag ayshkwim pa *hik* kami ehhhh" sabi neto habang tinuturo si Harvey gamit ang hawak niyang ice cream
"sus! amoy alak ka! ano ba namang naisipan mo ah? hindi ka naman umiinom sa labas ah? sabi mo magmomall ka? bakit ka lasing na umuwi at kasama mo pa yang lalaking lagi mong sinusungitan ah?" tuloy-tuloy na tanong at paninita sakaniya ni Reese
makikita mo sa mukha ni Reese yung halo ng galit, pag-aalala at kaba
"NILASING MO BA SIYA HARVEY HA?" pagalit na tanong ni Reese sakaniya
"hoy hindi ah! nagkataon na nakita ko siya sa bar mag-isa. " pagtatanggi ni Harvey
"hindi ko naman pwedeng pabayaan umuwi siyang mag-isa. delikado na no. sa bar pa lang kanina andami nang nagbabalak lumapit jan eh, sa daan pa kaya?" dagdag pa neto
"SHHHHH!! ingay ninyo, anong owash na guysh *hik* wag niyo awayin shi Gibshon ehe *hik* nilibwe ako ayshkwim taposh vanilla hehe, fav ko *hik*" sabi ni Griz na parang bata
nag hush hand gesture pa siya
lasing na lasing jusko
tinignan ko siya sa mata niya
"namamaga mata mo?" tanong ko bigla
"umiyak ka ba?" tanong ko ulit
namumula yung bottom lids niya at ang puffy ng top
huminga ako ng malalim at tinignan siya ng malumanay
"okay ka lang ba?" tanong ko sa mahinang boses
kaso bigla siyang umiyak
"okay lang ako..." sagot neto habang umiiyak
"break na kami" dagdag neto
habang sinasabi niya yun, mararamdaman mo talaga yung sakit na narararmdaman niya
kaya naman bigla ko siyang niyakap
hindi ko kayang manood ng kaibigan kong umiiyak, lalo na 'tong babaeng to
ang tapang tapang neto eh
kaya kapag umiyak siya
alam mong sobrang sakit ng nararamdamn niya
mabilis siyang masaktan
pero hindi siya yung taong iniiyak lahat ng sakit
kapag umiyak siya meaning masakit talaga
mas malala yung last year
nung umamin yung lalaking yun na nagcheat siya
hindi namin siya makausap
hindi siya makakain
akala namin busy lang siya
tapos one night
nakalimutan niyang ilock pinto niya
nakita namin siyang umiiyak
grabe yung iyak niya
mula 12 am hanggang 6 am walang tigil
nagsabay-sabay din yung problema niya sa family nila at yung stress sa thesis last sem, solo pa man din yun
kaya sobrang nadepress siya
nangayayat
muntik pa nga 'to magpakamatay...
ayoko na makita siyang ganun
"Ano ba, yel! yung ayshkwim koooo T0T" reklamo niya sabay pumiglas saakin
sus hahhaha nagdradrama na nga naalala pa ice cream niya
"sige, uwi na ako guys ah?" pagpapaalam ni Harvey saamin
"s-sige, salamat sa pag-aasikaso sakaniya ah?" pasasalamat ko sakaniya
"wala yun! basta si Morgan, kahit mortal enemy pa man niya ako haha" natatawang sabi neto
"hoy, Harvey! anong owash na *hik* dito ka na matuwog *hik*" aya ni Griz sakaniya
kaso napatawa na lang si Harvey
"hindi, okay lang. baka pagalitan ako ni Johnny eh sabihin palaboy na naman ako hahahaha" pagpapaliwanag neto
"sige, una na ako guys ^_^" paalam niya ulit bago umalis
"babyeee hihi" nangising papaalam naman ni Griz sakaniya sabay wave pa ng kamay
"sus, di niya lang sabihin na mapagalitan siya sa jowa niya haha" natatawang sabi ni Reese nang makalayo na si Harvey
"psh hahahaha wala na shila... ilang buwan na" sagot ni Griz sabay subo ng dulo ng ice cream niya
"hmmmm~ shewep hihi" dagdag neto
sus haaha lumalabas pagkaisip bata niya talaga kapag lasing
tumingin siya saakin nang marinig niya akong tumawa
"tawa ka? baliw ka ba? *hik*" tanong niya saakin
napailing na lang ako
buti na lang hindi siya yung binalita
tangina namin kasing reporter yun walang pangalan-pangalan na binanggit jusko!
"ohhh? ashan yung ayshkwim ko?" tanong niya habang nakatingin sa kamay niya
eh kakaubos lang niya eh -_-
sarap batukan!
pasalamat siya lasing siya nakoooo
"inubos mo noooooo!!!" pasigaw niyang paninisi saakin
"ikaw talaga! *hik* nappeun nom! (jerk)" sigaw niya sa mukha ko
*Pak*
aba! hinampas pa ako T^T trinatry kong maging mabait na kaibigan rito eh T^T tangina neto