Bryar As soon as Paulo left and my family kissed me for a good night, I ran towards my room. Hindi ako makahinga habang binubuhay ang aking cellphone. Nang makita ang pangalan ni Miguel ay agad ko iyong tinawagan. Noong una, hindi siya sumasagot. Mas lalo akong naiiyak kung kaya't tinawagan ko siyang muli. Siguro ay naka-tatlong tawag ako bago niya sinagot. "What?" His voice sent shiver down my spine. Napayakap ako sa aking unan at pilit na tinatatagan ang loob. "I'm sorry..." saad ko at tumitig sa pader ng aking kwarto. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang malalim niyang paghinga. "Okay..." flat niyang sagot. Naghintay ako ng iba pang sasabihin pero wala akong natanggap. "Sorry na nga..." Pigil ang boses ko para hindi ako pumiyok. Nanginginig na ang labi ko dahil sa pagpip

