PROLOGUE
"No. Stop please."
She begged as she tried to get away from my hold.
Ngunit wala akong ibang ibinigay na sagot kung hindi ay isang malalim na halik. She made me do this. And now, I can't stop. Kanina pa ako nanggigigil sa kaniya dahil sa kapilyahan niya.
Ako ba naman ang tampalin sa pwet ng babaeng ito at sabay kumindat pa. At aba sino ba naman ako?
Ako lang naman ang lalaking dati pang nagtitimpi na mahalikan at mahawakan ang babaeng pinakamamahal ko maliban sa nanay ko. Ang maliit na ginawa niyang iyon ay nakagising sa natutulog kong armas. Armas na kapag hindi pinansin ay makakaapekto sa kagwapuhan ko.
I tried kissing her neck at umani ako ng isang matamis na ungol mula sa kaniya. Who says you don't want this? Your body is betraying you baby.
I smirked and continued what I am doing. I lick her collar bone while holding both her hands.
"This is wrong. Please, Miguel," ani niya sa isang nahihirapang boses. Pinapatigil niya ako pero Miguel ang tinawag niya sa akin. It's making my body burn. My name coming from her sweet mouth and that shaking voice is so hot. Ano bang ginagawa ng babaeng ito sa akin?
Just shut up and kiss me back.
Hinalikan ko pang muli ang labi niya bilang sagot. Sh*t! She's like a magnet. Hindi ko siya mabitawan. Hindi kaya ng katawan kong malayo sa kaniya.
Sinubukan ko namang halikan ang dibdib niya na natatabunan pa ng kaniyang damit. Nanghihina ako sa epekto niya sa akin. "Ano ba?!" Sigaw niya sa akin at itinulak ako nang buong lakas. Sa sobrang lakas, ngayon ay nasa paahan na niya ako. T*ng*na. Isang amazona nga pala ito bakit ko nalimutan? Mabuti na lamang at hindi ako nalaglag.
"Kuya," tawag niya. Agad namang nagpantig ang tainga ko dahil sa narinig. Ganiyan ang tawag niya sa akin kapag nang-iinis o hindi na siya natutuwa sa ginagawa ko.
"I said don't call me that," tiim-bagang kong sagot sa kaniya.
"Then stop harassing me! Sinabi ng mali ito, okay?!" sabi niya sabay irap sa akin. She tried fixing the invisible crumples on her shirt and combed her hair using her hands.
"Sige nga, sabihin mo sa akin kung bakit mali ito? Ipaintindi mo at titigil talaga ako at kapag nabigyan mo ako ng magandang rason, ako na mismo ang lalayo."
"Kasi..." Nahihiya siyang nagiwas sa akin ng tingin at niyakap ang kaniyang tuhod.
"Kasi ano?"
"Because my parents will get mad. My family, your family. At... alam mo namang ayaw kong nagagalit sila sa akin. Pati sa'yo, ayaw kong magalit sina Tita Mommy sa'yo. This is so... un-e-unethical!"
"The f*ck, Bry! Ano bang mayroon tayo at magagalit sila? At p*ta naman! Anong unethical? What I feel, tingin mo unethical? At sa ginawa ko sayo, ano baka pati 'yun masabi mong isang harassment?" Nanggigigil na ako dahil sa mga naririnig ko. I already warned myself about this. Alam kong isa ito sa maaring kahahantungan. Ang ipagtabuyan niya ako. Or worse, pandirian dahil sa nararamdaman ko.
"Because we're cousins!" Pinagdidiinan talaga niya iyang bagay na yan.
"Cousins my *ss. You're not my cousin and I never treated you as one, never."
I never treated her as one. She's not my cousin. She will never be.
"But I am! In papers."
"But not by blood! Sorry to say this, but you're just adopted. Sana huwag kang ma-offend. Bry, hindi tayo magkadugo, tandaan mo 'yan!"
I may bully her but I don't want to say hurtful things to her.
"At itong nararamdaman ko, walang mali rito. Magalit na sila kung magalit, walang mali rito kaya lalaban ako," sabi ko at hinawakan siya ng marahan.
Ngayon ko na nga lang siya nakasama ng malapitan tapos makakaramdam lang ako na parang pinandidirian.
"But I can't. Mahal ko sila at ayaw kong maging isang malaking disappointment sa kanila."
"For once Bry, can't you choose me? Kahit sandali lang."
"I'm sorry. They've given me a good life and a whole family. I will never ruin that."
"Do you love me?"
"Anong tanong iyan?" sagot niya.
"Do you love me?"
"I don't know..."
"Do you love me?" Pag-uulit ko sa tanong ko. I'm afraid she would say no but I have to ask this one.
"Miguel... Please, itanong mo na ang lahat huwag lang iyan."
"Do you love me?"
"Iiwan na talaga kita rito," sagot niya sa paraang naiinis.
"I love you," sabi ko kay Bry na ngayon ay pinapanuod ako. She looks miserable and pained. Ganun na ba talaga ako kahirap mahalin? Ngayon na nga lang ako nagmahal tapos ganito pa ang mangyayari?
Ang saklap. I tried to erase my feelings for her by entertaining girls. But maybe, I am drowned.
Hindi siya sumagot at lumayo lalo sa akin. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. T*ng*na! "You're hurting me," sabi ko at matinding pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mata ko.
Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya. She fixed herself and talk, "I'm sorry. Alis na ako."
Nagpantig ang tainga ko at nanlamig ang buo kong katawan. Aalis na talaga siya. Nakakadiri ba akong mahalin? Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin? Lumunok ako at humugot ng lakas ng loob para bigkasin ang mga salitang ayaw kong lumabas sa bibig ko.
"Kapag umalis ka, huwag ka ng babalik. Huwag ka ng lalapit na muli sa akin," malamig kong sabi nang hindi siya tinitingan. Ayaw ko nang makita ang mukha niya. Baka lalo lang akong masaktan o kaya ay kapag nakakita ako na gusto niya ring manatili ngunit pinipigilan niya lamang, baka ako na ng lumapit sa kaniya at hindi na siya hahayaang umalis pa.
Hindi man nakatingin, ay napansin ko sa gilid ng aking mata ang pagkabigla niya sa sinabi ko. I want to feel sorry for what I have said but better say it than hope with something so impossible. Impossible pero kapag magkasama, iba ang nararamdaman ko. Iba ang pinaparamdam niya. Na mahalaga ako at umabot sa puntong isipin kong mahal niya rin ako pero ako yata ang nagkamali.
Nang hindi sumagot o gumalaw man lang ang babaeng ito ay saka ako nagpasya na lingunin siya. Nakatungo siya at tuloy-tuloy ang bagsak ng luha niya. Ganon na ba kahirap piliin ang isang gaya ko?
Biglang sumakit ang dibdib ko dahil sa nakikita. Mukhang masasaktan ko lang siya. I breathed heavily. Naglakad ako patungo sa pinto ng condo ko at binuksan iyon. Nagsalita ako ng hindi nakatingin sa kaniya. "Leave," I said coldly.
Hindi pa rin siya gumagalaw kaya nagpasya na ako. "Kindly lock the door before you leave," maingat kong sinabi at baka makapaglabas na naman ako ng masasakit na salita.
Ako na ang lumabas. Kinapa ko ang bulsa ko at laking pasasalamat na dala ko ang cellphone ko. I called my bestfriend.
Halos matapos na ang tawag ko ay hindi pa rin siya sumasagot. Tatanggalin ko na sana nang halos sumabog ang eardrums ko sa sigaw ng loko. "Ano?!"
"T*ng*na nito. Tara inom. Punta ako sa bar mo. Please, I need you as my best friend." Pinatay ko na ang tawag at hindi na hinintay ang sagot ng loko. I know he will come.
Ang sakit nga magmahal, t*ng*na.