“Miguel baby, wake up,” malumanay na pang-gigising ng isang tinig na gustong-gustong marinig ng batang ngayon ay pupungas-pungas ang mata dahil sa kagustuhan pang matulog.
“I’m still sleepy Mom. Why do I have to wake up early? We don’t have school now,” sagot naman nito sa isang napaka-cute na boses. Kung ikaw ang nasa harapan ay napakasarap panggigilan.
Sumagot ito sa kaniyang ina ngunit ang mata ay nakapikit pa. Napakataba ng pisngi nito na medyo mamula-mula. Ang kaniyang maliit na labi ay napakanipis na namumula-mula rin maging ang kaniyang matangos na ilong. Kahit nakapikit ay kapansin-pansin ang singkit nitong mga mata at ang balat niya ay napaka-puti. Ang buhok niya rin ay mahaba na umaabot hanggang balikat at ang kulay nito ay parang sa mais.
Hindi nga maipagkakaila na anak siya ng isang pilipina at koreano.
Handa na muling matulog ang bata nang kilitiin siya ng kaniyang ina sa leeg dahil naroon ang malakas nitong kiliti. “Can’t you remember what will happen today, baby?”
Tumigil ang kaniyang ina habang hinahaplos ang pisngi nito at hinintay ang sagot niya. “Mom, I’m sleeping again.”
Hindi siya pinansin ng kaniyang ina at nagsalitang muli. “Ngayon dadating ang bagong baby ng Tita Elisa mo. You’re new cousin! We have to get ready.”
“Then give me 5 minutes more.”
“Miguel, aren’t you excited?” his mother said in a serious tone. That is the sign that he have to get up.
He should be happy that he will have another cousin that is based from his mother. Pero sa isang batang kagaya ni Miguel, ayaw niya sa mga babaeng bata at ayaw niya talagang makisalamuha dahil tingin niya ay napaka-aarte ng mga ito dahil ganoon ang kaniyang mga kaklase.
Sana naman ay hindi ganon ang kaniyang bagong pinsan dahil kung hindi ay hindi talaga sila magkakasundo sa isp-isip niya.
“Okay, okay!” sagot naman nito sa isang nagdadabog na boses.
“Are you shouting on me, baby?” pagkukunwaring pagtatampo ng kaniyang ina.
“Of course not, Mom. I love you.” Dali-dali siyang lumapit sa kaniyang ina na ngayon ay naka-krus ang braso at pinaniningkitan siya ng mga mata. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo, pagkatapos ay sa magkabilang pisngi, sa tungki ng ilong at kasunod ay sa labi ng kaniyang ina. At doon, naani niya ang matamis na ngiti ng kaniyang ina. Niyakap rin siya nito ng mahigpit at hinalikan sa tuktok ng ulo.
“Go, take a bath. I’ll just prepare our breakfast.”
Agad na sumunod ang bata habang ang kaniyang ina ay lumabas nang kaniyang kwarto.
Habang naliligo ay nag-iisip ang sampung taong gulang na batang si Miguel.
I’m not excited to meet that girl but why am I so curious. I have to be kind with her or else, Mom especially Tita Elisa would be upset.
Nang matapos mag-agahan ay agad na silang nagtungo sa bahay ng kanilang Tita Elisa. Walang kahit anong bakas ng kasabikan sa mukha ng batang si Miguel.
Samantalang ang lahat ng kasama sa bahay, ang kaniyang mga magulang, ang pinsan niyang lalaki na kasing edaran niya lamang na anak ng Tita Elisa niya, maging ang mga katulong ay nasasabik at hindi na mapakali. Ito kasi ang pangarap ng kanilang Tita. Ang magkaroon ng isang anak na babae ngunit dahil sa panganganak sa pinsan niya ay nagkaproblema kung kaya’t hindi na siya pwede pang manganak muli.
Hindi nagtagal ay may bumusina ng sasakyan. Ang malawak na pintuang salamin ay nakabukas at handa nang salubungin ang kung sino mang papasok.
Maging ang mga katulong at ang mga magulang ni Miguel ay nakahilera habang nakatayo at hindi na magkamayaw ang kasabikan sa mga mata nila. Napipilitan man ay nakatayo na rin ang batang si Miguel katabi nag pinsan niyang si Killian. Magkahawak ang kanilang kamay at nakikipagtitigan sa kaniya ang pinsan niya.
Ang emosyon sa mukha nila ay hindi nagkakapareho. Ang isa ay may malawak na ngiti sa mga labi habang ang isa naman ay wari mo ay nabubugnot na sa mga nangyayari. Nakita nila ang pagapasok ng sasakyan ng pamilya Ilarde. Halos lahat ay mabali-bali na ang leeg sa kakasilip sa pagpasok ng mag-asawa at ng buhat-buhat ni Mr. Ilarde.
Agad na dumalo ang mga katulong sa mga bagahe na dala-dala ng driver ng pamilya. At nang tuluyan ng makapasok ang mag-asawa ay agad na nagsilapitan ang mga magulang ni Miguel at ang kaniyang pinsan kahit na na kakapasok lang nila ng pintuan. Naiwan na nakatayo ang batang si Miguel at para lamang nanunuod ng isang cartoons na hindi naman niya hilig.
“Pwede bang pumasok muna kami, ate? You’re not that excited huh?” natatawang puna ng Tita Elisa niya sa kaniyang Mommy Myla. Ang mommy niya kasi ay halos agawin na sa pagkakakalong ang batang buhat-buhat ng Tito niya.
Natawa rin ang mga asawa nila at nauna na sa living room ng bahay. Agad na sumunod ang Mommy at Tita niya. Halos daanan na lang siya ng kaniyang Ina. Mga ilang segundo yatang nakaramdam ng pagka-inggit ang batang si Miguel ngunit ng balikan siya ng kaniyang ina, yakapin at igiya papasok ng living room ay nawala rin agad iyon.
Maaari ngang isa iyon sa dahilan kung bakit hindi makikitaan ng pagkasabik sa mukha ang batang si Miguel. Bilang nag-iisang anak, pamangkin at pinsan na nasanay sa atensyon ng kaniyang magulang, tita at pinsan ay hindi pa siya handa sa maaring pagbabago sa pakikitungo sa kaniya ng mga ito.
Nakaupo na ang mag-asawang Ilarde sa malaking couch at sa gitna nila ay ang bago nilang baby na ngayon ay limang taong gulang. At dahil hindi na siya nakakalong ay mapapag-aralan na ang kaniyang itsura.
Nakasuot ito ng isang pink na cocktail dress na lampas tuhod ang haba at ang kulot nitong buhok ay nakalaglag at mas napaganda ito ng ribbon sa kanang parte ng ulo niya na naka-clip sa buhok niya. Ang mata nito ay pabilog na itim na itim maging ang pilik-mata at kilay nito at lalo pa itong nadepina dahil sa kaputian ng bata. Ang ilong nito ay sakto lang ang pagkatangos at ang mga labi nito ay napakapula at makintab na akala mo ay may nakalagay na liptint. Hindi rin aakalain na ito ay nasa limang taong gulang pa lamang dahil sa angkin nitong katangkaran.
“Baby, ito ang kuya Killian mo,” pagpapakilala ng Tita Elisa sa pinsan niya.
“Hi baby! You can have all my toys and we can share a bed if you want. It’s actually big!” masiglang bati ng batang si Killian. Halos mapairap siya dahil sa ka-oa-yan ng pinsan niya. Sa isip niya, he can’t share a toy with this girl. It’s only for boys. And they should be the one to share bed and not her.
“Anak, she can’t understand you pa. We will help her learn how to speak in English. For now, you are the one to adjust and also you, Miguel.” Biglang sali sa kaniya ng kaniyang Tita Elisa sa usapan. Agad siyang napatingin sa Tita niya.
“What about me, Tita?” maamong tanong niya rito. Takot din kasi siya sa kaniyang Tita at ayaw niyang nagagalit ito sa kaniya.
“You and Killian should learn how to speak in Tagalog. We will hire someone to teach you, ‘kay?”
Mas sanay kasi sa lengwaheng Ingles ang magpinsan at kapag nag-uusap sila ay talagang purong Ingles. Kung may alam man silang Tagalog na salita ay iilan lamang at hindi pa lalampas sa sampung daliri sa kamay.
“Okay Mommy"
"Okay Tita,” magkasabay na sagot ng magpinsan.
“So baby, ito naman ang Tito Jun at Tita Myla mo. At ito naman ang kanilang only baby na si Kuya Miguel.”
“Hello po sa inyong lahat,” sagot ng batang babae sa isang maliit na tinig at pagkatapos ay nagsumiksik na ito sa katawan ng Tita Elisa niya na wari mo ay hiyang-hiya.
“She’s so shy and so cute,” kinikilig na puna ng mommy niya.
Sa loob-loob ay naiinis ang batang si Miguel dahil sa nakikitang reaction ng mommy niya.
What’s cute about it? She’s like a turtle hiding in her own house. I don’t like it.
Nagkulitan pa sila sa living room at nang sumapit ang tanghalian ay kumain muna ang pamilya Davis bago magpaalam.
Bago sila umuwi ay nagkaniya-kaniya muna silang pagyakap at pag-beso sa isa’t isa.
Nagyakap ang magkapatid na Elisa at Myla at nagfist-bump naman ang kanilang mga asawa. Nagyakap na rin ang magpinsan na Miguel at Killian.
Natapos nang magyakapan ang lahat ngunit nagtataka pa rin si Miguel kung bakit hindi pa sila lumalakad.
“Bid your goodbye to baby Bryar, honey,” sabi ng ina niya.
Napipilitan man ay ayaw niya namang suwayin ang kaniyang ina at ang kaniyang tita dahil maaaring sumama ang loob ng mga ito.
Lumapit siya sa batang babae at hinalikan ito sa pisngi.
“Bye, baby Bryar,” pagpapaalam niya sa isang napakahinang tinig.