Mga ilang linggo na rin ang dumaan at kahit anong gawin ng batang si Miguel na pakisamahan ang kaniyang bagong pinsan ay hindi niya magawa. At ang masama ay mas lalo pa siyang nairita dahil sa presensya at pagbabago na dala nito sa kaniyang pamilya.
Wala yatang araw na lumipas na hindi sila pumupunta sa bahay ng kaniyang Tita Elisa upang mabisita at makulit ang batang si Bryar.
Araw ng Sabado na dapat ay bonding ng kaniyang pamilya, kadalasan pa nga ay nagmo-malling sila ng kaniyang mga magulang o kaya ay sa bahay nila at naliligo sila sa pool, naghahabulan at nagbabasaaan ng kaniyang mga magulang ngunit ang nakasanayan na iyon ay nawaglit na. At ito ay dahil sa kasabikan ng kaniyang magulang sa batang si Bryar.
“Here we go again, Mom.” Pagrereklamo niya sa kaniyang Mommy na ngayon ay nakaupo sa shot-gun seat ng kanilang sasakyang itim. Ito ay sasakyan ng kaniyang ama.
“What do you mean by that, Miguel?” nagsusungit na pagsagot ng kaniyang ina. Akala niya ay titiklop ang anak niya dahil sa reaksyon niyang iyon ngunit nagkamali siya.
“Why do we need to go to Tita Elisa’s house regularly? I told you already that I want to go to the mall and play arcade,” may hinanakit na pagsagot ng kaniyang anak sa kaniya at kulang na lang ay magdabog ito sa loob ng kanilang sasakyan. Ang manipis at mamula-mula nitong labi ay wari mo ay dulo ng lapis sa tilos at ang kunos sa nuo nito ay dinaig pa ang pagkaka-kulubot ng balat ng isang matanda. And that reaction amazed his parents. Yes, he always do tantrums but this kind of reaction is worse than that.
“You know, baby, Tita Elisa needs us there,” pang-aamo niya sa anak niya at tuluyan na itong hinarap kahit pa siya ay nasa harapan ng sasakyan at sa likuran naman ang kanilang anak.
“She’s not. I know why you want to go there!”
Nanlaki ang mga mata ng mag-asawa at dahil dito ay itinigil muna ni Jun ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Alam nila na kapag ganito ay may problemang hindi masabi ang kanilang anak. At kailangan ay malaman nila iyon habang maaga pa.
“Tell me then, what’s wrong, Miguel?” seryosong tanong ng Daddy Jun niya sa kaniya pero sa isang nang-aamong tono.
Parehas na naghihintay ng sagot ang mag-asawa sa kanilang anak. Dahil sa dalawa na ang mga ito na nanunuod sa bawat reaksiyon niya ay nagda-dalawang isip na siya kung sasagutin pa ba niya ang tanong na iyon o pabubulaanan na lang niya na siyang hindi naman niya ginagawa.
Sa huli ay napagpasyahan niya pa rin sa sagutin ang katanungan ng kaniyang ina. “You just want to see and play with that little girl Bryar instead of me, Mom! Even you, Dad!” Pagkatapos nitong isigaw iyon nang malakas at walang preno ay hindi na nito napigilan ang umiyak.
Napasinghap ang mag-asawa sa sagot ng kanilang anak.
“It’s not about that, baby. You know what, My, let’s get home and explain to this grumpy kiddo what he should understand,” sabi ng kaniyang ama na ngayon ay kinukuha siya at ini-upo sa kandungan nito. May kalawakan naman ang driver’s seat ng sasakyan at hindi siya maiipit sa manibela nito.
“I even think you will scold me if I say that I don’t want to play with that kid. She’s getting into my nerves. Aaarrgghh!”
“Really?” sabay na tanong ng mag-asawa. Hindi nila alam kung maawa ba sila sa anak o matatawa na sila sa inaasal nito. Ito ang unang pagkakataon na daig pa niya ang pinaka-maarteng babae sa pag-iinarte. Alam nila na ayaw ng anak nila sa maarteng babae pero hindi nila alam kung bakit kahit ang baby pa lamang na si Bryar ay kinaiinisan na nito kahit wala naman itong ginagawa sa anak nila.
“Yes! Really.”
Hinaplos ni Myla ang pisngi ng kaniyang anak at pinupunasan ang luha na pilit na pinipigilan ng batang si Miguel. Isa kasi sa ipinangaral nila sa bata ay ang pag-iwas sa pag-iyak dahil big boy na siya at hindi dapat siya mahina sa kahit na anong bagay.
“Why? You don’t want to play with Killian anymore? You don’t want to see Tita Elisa and Tito Felix? Even our new baby Bryar?” tanong ng kaniyang Mommy habang nakadalo sa kaniya.
New baby? Tssss. “Of course I want that except playing with that kid. And why do you love calling her baby?”
“Because she really is a baby. You are already ten but you are still our baby. Even if you get older and older, you are our baby. But she is the new baby in our family. Is that so hard to accept baby? Or are you getting jealous with her honey?”
Dito na nila na-realize kung bakit ganoon lagi ang mood ng anak nila kahit na nang simula pa lamang na dumating si Bryar sa buhay nila. He became more grumpy and irritable whenever they are in Elisa’s house. Ngayon ay naiintindihan na nila kung bakit nagkakaganito ang kanilang anak. He is longing for the attention and love that he has experienced before. Pero kahit naman may bagong dating sa kanilang pamilya ay hindi nila kailanman ipinaramdam sa kanilang anak ang kakulangan sa pagmamahal. Ang totoo ayy mas lalo nila ditong pinaparamdam kung gaano nila kamahal ang kanilang anak.
Kaya nga sila laging pumupunta sa bahay ng kapatid niya ay upang mapalapit ang loob ng anak nila na si Miguel sa bago nitong pinsan at ganoon din si Bryar sa kanila.
Ayaw rin naman ng mag-asawang Davis na makaramdam ng ganito ang kanilang anak pero dahil sa paki-usap ng kaniyang kapatid ay nais niyang tulungan ito.
“Ate, can you please go here regularly?”
“Why?”
“It’s because Bryar needs to have a family around her every day. It’s not enough that it is just us. She experienced abuse and she lacks in love and care that she should feel with her young age. She needs us to feel that she is loved. That she is not alone. That, we are all here to love us and not hurt her in anyway. We want her to forget her trauma.” Maluha-luha paliwanang ng kaniyang kapatid.
“I didn’t she experienced it with her age. Oh my ghaaad. I suddenly feel bad for her.”
“Can I expect you here everyday then, ate, especially Miguel? She really needs a playmate other than her brother.”
“Sure... sure. Just take care of her, okay? We will be here everyday.”
Nasa loob pa rin sila ng sasakyan ng i-kwento nila ang kalagayan ng batang si Bryar sa anak nila. Ipinaliwanag nila ito sa paraang maiintindihan ng kanilang anak. May paunti-unti pa ring tumutulong luha sa mga mata nito pero pansin nila na kalmado na ito. Nginitian nila ang kanilang anak at hinihintay ang sagot nito.
Bumuntong hininga ito bago magsalita, “Water please?”
Dali-dali namang kinuha ni Myla ang tumbler ng anak nila at binuksan muna ito bago ini-abot kay Miguel.
“You okay na, baby. Not mad at us?” tanong ng Daddy niya.
“I am not mad and I am okay. Daddy, did I cry?” inosente niya kunwaring sagot sa tanong nito. Pero ang mga luha na lumabas kanina sa mga mata nito ay bakas pa sa mataba nitong pisngi.
“Oh!” Humalakhak si Jun sa tanong ng anak at alam na niya kung paano tutugon sa ganitong mood ng anak niya. “Did you? Did he My?” Pagsakay ng Daddy niya dahil alam nito na kapag ganito ay ayaw na nitong pag-usapan ang kapalpakang nagawa ng anak at isa pa ay ibig sabihin lang nito na okay na siya.
“No one cried. Hhhhmmm?” Natatawang pagsali ni Myla sa trip ng mga ito.
Nagtawanan ang pamilya at nagyakap sila sa isa’t isa. “We love you, baby.”
“I love you too, mom and dad. Sorry for this. It won’t happen again. Sorry, I got childish.”
Natawa naman ang mag-asawa. Kung makapagsalita ay akala mo ay teenager na ito kung maka-childish.
“So, let’s head to the mall? Arcade?” masiglang tanong ni Jun sa anak.
Sabay na tumingin ang mag-asawa sa anak nila, hinihintay ang sagot nito.
“Huh? Why are we suddenly going to the mall? Let’s go to Tita Elisa’s house. And also, let’s buy flowers!”
Nagulat na naman ang mag-asawa dahil sa sinabi ng anak nila. At dito, sabay na natawa ang mag-asawa at kiniliti nila nang sabay si Miguel.
“Flowers? And that is for?” nang-aasar na tanong ni Myla sa anak.
“Don’t ask, Mom. Let’s just buy.”
At dito, alam nila na okay na ang anak nila. At mas lalo pa silang natuwa dahil sa pag-intindi nito sa sitwasyon nila ngayon. At his young age, he can now understand things and what he should do with it. Wala man itong isinukling reaksyon sa paliwanag nila sa anak tungkol kay Bryar, napansin naman nila ang pagsisisi nito sa kaniyang inasal at ang pagka-awa nito sa pinsan.
Hindi na nila nilipat sa likuran ang anak at nakaupo pa rin ito sa kandungan ng ama habang kumakanta-kanta at nakakapit pa sa manibela ng sasakyan habang mina-maniobra ito ng Daddy niya.
Ang tatlong sakay ng sasakyan ay may kani-kaniyang ngiti sa kanilang mga labi.