Miguel
“Bro!”
I am walking on the hallway of our department building when someone called me. Dahan-dahan ko lamang itong nilingon dahil gwapo ako. At dahil gwapo ako, tanging tango lang ang ibinigay kong sagot upang magpatuloy siya.
Isa siya sa mga kasamahan kong volleyball players. We are already on our third year in college. And because I entered the same university since high school, I know most of my classmates and the varsity team. Of course, Killian my cousin is my classmate taking the same course, Business Administration. But we differ in hobby that is why he chose to join the basketball team and mine is volleyball.
Hinintay nila ang paglapit ko ngunit dahil gwapo ako ay nanatili ako sa aking pwesto at hinayaan ito sa sasabihin. Jordan came to me running. At nang makalapit ay inakbayan ako nito na akala mo ay sobrang close kami. Yes we share happy and hard moments together but that doesn’t mean he is that close to me. Only Killian is my close friend in the team.
“You know, I like your cousin,” he said to me in a straight forward manner.
Cousin? Is he gay?
“Dude! Get off.” Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin. “You like Killian? I didn’t know you’re…”
Hindi ko na masabi ang kasunod dahil hindi ako makapaniwala na gusto niya ang pinsan ko. Kilala siya bilang isang f*ckboy rito sa campus and I don’t support that kind of habit. But it’s his life, I don’t have a say on whatever he wanted to do with his. It’s his anyway.
“D*mn! Of course I’m not gay. And I am not talking about Killian. Dude, you almost gave me goose bumps. I’m talking about the newcomer in senior high school, what’s her name again...” nag-isip pa ito ng pangalan pero alam ko na agad kung sino ang tinutukoy nito. Agad na nag-init ang ulo ko at kung hindi ko lang ito kilala ay baka iniwan ko na ito nang walang pasabi.
Kalma, Miguel, gwapo ka. Gwapo.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng slacks ko at nagpanggap na may naalala.
“Jordan, sorry, but I have to go. Next time.”
Nalilito at bitin man sa usapan ay tumango na lang si Jordan sa akin at sinagot ang fist bump na ibinigay ko.
So he likes her? Tssss. He can’t have her. And how the hell did he knew her?
Instead of going to the library, I found myself tracing the way to the high school building. Ikalawang linggo pa lamang simula ng magsimula ang pasukan at sa mga araw na iyon ay hindi pa ako tumatapak sa building ng high school. Our school is a university that’s why the whole school covers elementary, high school and college.
This school is a private one and most of the students here probably are rich but we also have many scholars here who cannot afford the tuition but our school does not take for granted those awesome brains that can also help the poor students, themselves and the school to be known worldwide.
Sino ba ang pupuntahan ko rito?
Sino pa ba, Miguel?
I am just going to check for that girl. Just thinking how Jordan knew her is freaking the h*ll out of me. How the h*ll did he knew her?
Ang alam ko lang ay ang section niya at dahil dito rin naman ako nag-aral ng high school ay alam ko na ang pasikot-sikot dito at alam ko na rin kung saan matatagpuan ang babaeng iyon.
Dapat ay nagda-drive na ako pauwi nito. Napabuntong hininga naman ako. Hindi ako matahimik sa aking nalaman at aking naiisip.
“Grabe ang ganda talaga niya pre!”
“Uy gag*! Nakuha mo ba iyong number niya o kaya ay social media account man lang?”
Malapit na ako sa kanilang room nang may nadaanan akong mga nagkukumpulan sa kiosk. Hindi ko na sana ito papansinin dahil masyado akong gwapo para maging isang tsismoso lamang ng may hindi kaaya-aya akong nadinig.
“Hindi nga eh. I-search ko na lang nga. Wait. Bryar…Bryar ano nga last name niya?”
"Ilarde raw, pre.”
Bryar?
Ilarde?
Seriously? Pati ba naman dito?
Hinayaan ko na lamang ang mga batang supot at tumuloy na sa aking totoong pakay. Pansin ko rin na pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko at alam ko naman na kung bakit. Minsan ay ang hirap din talagang maging gwapo. Pero dahil sanay naman na ako ay parang wala na lang sa akin ang mga paninitig nila.
Iginagala ko rin ang aking paaningin sa mga benches at baka naroon din ang babaeng iyon pero wala naman akong nakikita. Siguro ay nasa room lang nila katulad ng aking ipinangaral sa kaniya noong nakaraan na huwag siyang maglalabas sa kanilang room unless they will take a break or wanted to breath some fresh air.
Nang marating ang kanilang room ay may mga estudyante pa rin na nakakalat sa labas at dahil mga babae ay alam ko na agad ang mga pinag-uusapna ng mga ito. Ang kanilang mga bagong crush. At dahil nakita nila ako ngayon ay paniguradong malilimutan na naman nila ang mga crush nilang mga supot at kulang pa sa paligo.
Hindi na ako sa kanila nagtanong at kumatok na lamang ako ng tatlong beses sa pintuan ng kanilang room. Pagkatapos ay akin na itong binuksan dahil ganoon naman ang rules kapag papasok sa bawat room ng aming school. Kakatok nang tatlong beses at pagkatapos ay bubuksan na ang pinto.
Pagkabukas ko ay lahat ng mga mata ng nasa silid ay nasa akin. I remained with my serious but handsome face. Iginala ko ang aking paningin at natigil ito sa babaeng nasa dulo kausap ang isang payat na babae at tingin ko ay nagkakatuwaan silang dalawa. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Napatayo siya ng taasan ko siya ng kilay.
“OMG! Ang gwapo niya. Sh*t!”
“I think I have a new crush.”
“D*mn. He is my dream man, girl!”
Ilan lang iyan sa mga bulungan na nadidinig naman ng lahat ng nasa kawarto.
Ni-isa sa kanila ay hindi ko na tinapunan ng tingin. “Can I excuse you for a while?” I said to Bryar while still holding the knob. I know they don’t have classes because I know her schedule also.
After I talked, I heard the girls almost shriek. Oo, ganoon ako ka-gwapo.
Nakita kong nagpaalam siya sa kaniyang kausap at lumabas. Nang makalampas ng pintuan ay nilingon ko isa-isa ang mga kaklase niya at kumindat. Agad ko ng isinara ang pinto dahil sawa na akong makarinig ng talairikan mula sa kanila. Poor girls.
“Why?” she asked almost rolling her eyes on me. Look how spoiled this girl is.
“Follow me,” I answered coldly and put my right hand on my right slack’s pocket.
Dinala ko siya sa hindi mataong parte.
“Sinunod mo ba ang sinabi ko sa'yo?” masungit kong tanong sa kaniya.
“Sinabi na?” sagot niya.
“Na huwag kang masyadong maglalalabs ng room niyo at makipag-kuwentuhan sa kung kani-kanino.”
“Sa room lang naman kasi talaga ako unless we will go to the canteen or wanted to stay on the benches.” Masungit din niyang sagot sa akin. Kapag nagsusungit ako ay hindi siya nagpapatalo.
“Then can you explain to me why my classmate knows you?”
“Duh! What kind of question is that, Kuya Miguel? Of course that classmate of yours will know it even if I haven’t talk to him. There are other people who know me. Tsssss.”
“Then, paano ka niya nakita? Did you try to go to the college building?”
Nakita ko na napaisip siya. Sinasabi ko na nga ba.
“Oh! Si kuya kasi may naiwan tapos ipinadala niya sa akin kaya pumunta ako sa department ninyo.”
“I told you not to stroll that much here especially on the college building. There are so many bad guys there who wanted to hit on anyone that would catch their eyes.”
“Seriously? Are you trying to be a kuya on me again? This is a school, you can’t expect me to just stay in one place. Stop that. I know what to do and I don’t care about the guys who will try to hit on me. That is not my priority,” she answered me like I am the younger one.
Napaka-spoiled talaga. Paano naman kasi lahat ng gusto ay ibinibigay sa kaniya.
“Right. Good. Just don’t give them your numbers and make your social media accounts private. Do not talk to strangers. I am older than you. You should listen to me or to Killian.”
“Yes, kuya. I know. Ikaw ba naman ang pangaralan nang halos araw-araw diba?” sagot niya na may kasama pang pag-irap.
“Uuwi na ako. Wait for your driver. Huwag kang sasabay sa kung sino lamang.”
“Oo na po. You came here just to lecture me again?”
“No. May dinaan ako riyan and since you're near, I just want to remind you in case you forgot.
“Okay.”
“Go back to your room. Your class will start in 5 minutes.”
Lumakad na siya ng may maalala ako. “No talking to boys, Bryar unless needed.”
Kumaway na lang siya at hindi na sumagot.
Ang hirap talagang magkaroon ng nakababatang babae sa pamilya. Such a pain in the *ss.