Bryar “Where did you sleep last night?” Nagulat ako sa tanong ni Mommy nang magising ako nang hapon dahil medyo masakit pa rin ang ulo. Napadami yata talaga ang nainom ko. “Sa condo ko po, My.” Lumapit ako sa kaniya na ngayon ay nakaupo sa stool sa tabi ng kitchen countertop. She is baking again. Wala naman na talagang pinagkakaabalahan sa bahay si mom kung hindi ay magbake o magluto. She doesn’t have interest in plants unlike her sister, tita mommy. Naalala ko na naman si Miguel. He is my boyfriend. Sana ay hindi niya sabihin sa mommy niya. Hindi ko pa kaya. Yumakap ako sa kaniya at sumiksik sa kaniyang dibdib. “Sorry My, kung ngayon lang ako ulit nakauwi. I was busy and yesterday, I went out with France.” “Even if you wanted to live independently, please, baby, update me your whe

