Bryar Mabilis akong sumakay ng sasakyan ko at nagdrive patungo sa condo ni Miguel. Is he that mad? Talagang iniwan niya ako ha. Sana hindi na lang niya ako sinundo kung galit siya. I pressed the doorbell of his unit. Galit niya itong binuksan. Alam ko na alam niya na ako ang nasa labas. Mabuti at binuksan niya. Akala ko ay sobra na ang galit niya para hindi ako pagbuksan ng pinto. “Sorry na,” sinsero kong saad at hinawakan ang braso niya. Nakasimangot lamang ito at hindi pa rin ako pinapansin. Kumirot na naman ang puso ko. Mas gusto ko na pala na asarin niya ako kaysa ang ganito na galit siya. “Alam kong hindi mo rin naman makakain iyan dahil kumain ka na. Ibabalot ko na para kakainin mo na lamang paguwi,” malamig pa rin nitong saad habang kumukuha ng lagayan sa cabinet. Nasa gilid l

