Miguel “Saan ka, ‘nak?” malambing na tanong sa akin ni mommy nang halikan niya ako sa pisngi at dumiretso sa kaniyang upuan sa aming dining table. Nakahanda na kasi ako para sa lakad namin. “Siargao lang, ‘My.” Inaayos niya ang kaniyang pagkakainan at maging ang kay daddy. Tumango siya kalaunan at saka ako nilingong muli. “Kailan ang uwi mo?” I sipped my coffee before answering her. “Maybe after three days. I just need a break from work, ‘My. Wala naman na akong naiwang trabaho sa opisina maliban sa ipapasa ngayon hanggang sa makauwi ako.” As a CEO, I really make sure na hindi ako matatambakan ng trabaho. Bago ako magliwaliw ay wala na akong problema. Hindi lang ako basta gwapo, isa rin akong responsableng boss. “Okay. Just stay safe, okay?” Iyon lamang ang sinabi niya at hind

