Bryar "Miguel..." tawag ko sa kaniya sa isang nanghihinang boses. He wants to tell our relationship to my parents now. Tapos kanina, noong papunta pa lang kami rito, sinabihan niya sina tita mommy na pumunta rin sa bahay. I've been praying that they are not around but I know, once he said it's important, kahit nasa meeting ang mga iyon ay iiwan para sa importanteng sinasabi ni Miguel. Nilingon niya lamang ako, galit pa rin ang itsura. Kanina pa siya galit. Nakikita ko siyang panandaliang kumakalma pero agad nababago iyon. Siguro ay naaalala niya ang nangyari kanina. Kasalanan kasi ito lahat ni Paulo at siguro, may ambag din ako. Ang pagpunta ko roon. Pero kasi, hindi ko pwedeng hindi siya puntahan dahil baka magsumbong siya kaagad kina mommy. "Are you really serious?" Parang lantan

