Bryar Nakatanggap ako ng message mula sa kompanya nina Jordan, telling me that I can now have my car. Masaya na sana ako pero nang malaman na nakalakad na naman sina kuya Killian at daddy ay nalungkot na naman ako. Naisip ko na naman na no choice kung hindi ay si Miguel ang makakasama ko. Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng mamili kami ng gusto kong sasakyan. Hindi na ako nagdalawang-isip na tawagan siya. Siguro naman ay gising na iyon. I am just covered with a bathrobe when I called him. Katatapos ko lamang maligo. “Hoy!” magandang bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag. “Hhmm?” he answered. D*mn! Bagong gising ba siya? Iba na naman ang naging dating sa akin noon. “Are you free today? Papasama sana ako. Sige na.” I placed my phone on the vanity set table and put it on

