Miguel I maneuvered the steering wheel and parked the car. Nang makita sa salamin sa gilid pati na rin sa monitor na perpekto ang pagkaka-park nito ay pinatay ko na ang makina. "Oh?" Tanong ko sa kasama ko dahil hindi pa ito bumababa. Kanina, magmula nang pumayag ako na samahan na siya ay nawala na ang kasungitan niya at puro kaartehan at kakulitan na ang ginawa sa akin sa bahay. Ganito naman talaga siya noon pa man. Makulit talaga at gusto ay laging siya ang masusunod. Spoiled nga kasi. Pero alam ko na may kontribusyon ako sa ganyan niyang ugali. I used to spoil her also and the whole family. “Open the door for me, please?” she said with matching pa-cute pa. Ang kulit talaga nito. Akala niya ay hindi ko nahahalata na inaabuso na niya ang pagsama ko sa kaniya ngayon? Alam niyang hin

