Hindi mapagkakailang marami ang naiinggit kay Evor sapagkat iba ang trato sa kanya ng mga opisyal ng Akademya ng Vintouso sapagkat sobrang espesyal ang trato na kung akala mo ay sobrang taas at makapangyarihan ang estudyanteng si Evor. Madaming tanong ang lumilipad sa isip ng mga estudyante sa bawat sulok ng akademya. Bukas pa magsisimula ang 2nd Semester ng taong ito kung kaya't marami ang estudyanteng nagsisidatingan at nag-aayos. Yung iba dito ay noong nakaraang araw pa at yung iba naman ay kararating palang ngayon. Kahit na busy ang lahat sa pag-aayos at pagliligpit ng gamit ay nakatanaw parin sa lalaking todo inaasikaso ng mga opisyal. Maraming naiinggit dito kung kaya't ang iba ay may galit o kaya ay inis sa lalaking parang ordinaryong tao lang sa lipunan. Maraming ng estudyante

