Napansin niyang kahit sa bungad palang papasok ng akademya maraming mga gwardiya at mga di kilalang mga tao na kahit unang tingin mo palang ay alam mong mataas ang posisyon nito sa loob ng Vintouso Academy. Di maipagkakailang malakas ang impluwensya at ugnayan ng eskwelahang ito sa First Rate Kingdom sa Flanoria. Maraming mga eskwelahan dito pero nagmumukha lang silang ordinaryo kapag ikukumpara ito sa Vintouso Academy. Maraming mga talentado dito at di mapagkakailang madaming mga pamilyang mas nakakaamgat sa kanya. Pero para sa kinabukasan at pamilya niya. Gagawin niya ang lahat. Oras na ngayon para bumaba kaya pagkababa palang niya, maraming mga mata na nasa kanya nakatingin. Iba't ibang ekspresyon ang nakikita niya, may mga kinikilig na animo'y kiti-kiti, may parang nagsusungit, ma

