1

2866 Words
1     ALEXA     “Princess, uminom ka na ba ng gamot mo?” tanong ni papa habang papalabas ako ng bahay. I need to take maintenance kasi dahil sa naging sakit ko. Dahil sa gamot na ‘to hindi na sumasakit ang ulo ko tsaka hindi na ako nakakalimot so sobrang importanteng makainom ako nito sa isang araw. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kapag nakalimutan kong uminom pero ang sabi ng doctor hindi daw maganda so mas mabuting wag ko na lang subukan.       “Yes, papa. May dala na rin po ako.” Mabilis akong lumapit sa kanya at humalik. “Ingat ka sa work papa ha. Sana matagal yang business project nyo dito para hindi nyo kaagad ako iwan.” Paglalambing ko sa kanya.       “Good morning po.” Isang boses ng anghel ang narinig naming nagsalita at bumilis ang t***k ng puso ko.       Mabilis akong humarap sa nagsalita. “Mas maganda ka pa sa umaga.” Hindi ko napigilan ang kiligin. Tumakbo ako kaagad sa kanya at niyakap sya. “Good morning too!!”       “Ehem!! Baka nakakalimutan nyong nandito pa ako.” Sumingit si papa kaya hindi kami nakapagyakap ng matagal.       “Si papa talaga, parang yakap lang ih!!” Nakasimangot kong pagrereklamo at bigla nya akong hinila palayo kay goon. “Naman papa!! Wala naman kaming gagawing masama! Isa pa pag-alis nyo di nyo na rin naman yan magagawa! Mag-isa lang ako dito kaya kung ako sa inyo hindi na lang ako aalis!” Sinusubukan ko syang ireverse psychology para hindi na sila umalis ni mommy. Alam kong gusto na nila akong alagaan pero syempre matapos ng nangyari sa’kin kailangan naming magsimula ulit at ayoko naman silang hadlangan dahil alam kong para sa’kin din naman ang ginagawa nila.       Tumawa si papa bago magsalita. “Princess, alam mo namang ayokong mag-isa ka dito.” At niyakap ako ni papa.       “So hindi na kayo aalis?” masaya kong tanong. Syempre naexcite ako at nakita kong naexcite din si goon.       “Hindi.” Panira ng moment of happiness ‘tong si papa. Nawala yung mga ngiti ko pero bigla akong kinabahan. Kasi kung wala sila papa pwede kaming magsolo ni goon. Grabe yung nararamdaman kong excitement. “May makakasama ka dito sa bahay.” Napatingin ako kay goon at nagngingitian kami. “Wag na kayong mangarap. Hindi kayong dalawa!” Tinakpan ni papa ang mukha ko para lang asarin ako.       “Kukuha na naman kayo ng maids? Marunong na ako sa bahay papa. We need to save money. Promise pagkagraduate ko babawi ako sa inyo ni mommy.” Yumakap ako sa kanya. Kahit malaki na ako hindi ako nahihiyang yumakap at humalik pa kay papa. Hindi kasi sa lahat ng oras nagagawa ko ‘to lalo na’t madalis silang wala. Nung halos muntik na akong mamamatay naisip ko na kapag nabigyan ako ng another life I will make sure na sulit ang bawat minuto kasama ang mga taong mahal ko. Hindi ako magsasayang ng oras kasama sila at sasabihin ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal.       Tumingin si papa sa’kin. “Yung pinsan mong si Maxi dito na muna titira. Lumipat na sya dyan sa school mo. Masyado kasing malayo kung maguuwian sya. Baka magquit na naman yun sa school. Patinuin mo yung pinsan mong yun ha.” Nagulat ako sa sinabi ni papa. Kilala ko si Maxi pero hindi kami ganun kaclose. May pagkamatigas din kasi ang ulo nun at balita ko nga eh sakit sya ng ulo ng parents nya.       “Bakit dito? Hindi ba sya pwedeng magrent?” Talagang hindi ko mapigilang magreklamo.       “Sweet monster, bakit magrerent pa eh ang laki-laki ng bahay nyo. Ayaw mo nun bukod kay Jezhi meron ka ng makakasama.” Sumang-ayon pa ‘tong si goon kay papa. Nakakainis naman sila. Ayoko ng may ibang babae dito sa bahay. Dapat ako lang ang prinsesa.       “Fine! Wala na akong magagawa! Dalawa kayo eh!” bulong ko. “Pasok na po kami.” Yumakap ulit ako kay papa at ganun din si goon. Kinuha ni goon ang mga gamit ko. “Naks, ang sweet ng fiancé ko!” pangaasar ko sa kanya at hindi naman nya napigilan ang ngumiti. “Gwapo mo ngayon. Naligo ka no?”       “HOY ARAW-ARAW AKONG NALILIGO!!! GUSTO MO SABAYAN MO PA AKO EH!!!” malakas nyang sabi sa’kin. Grabe talaga sya, hindi nya napipigilang sumigaw kapag naaasar.         “Zak!!! Anong sabayan maligo!!!” sigaw ni papa bago pa sya sumakay sa kotse nya.       “Joke lang po yun.” Sagot ni goon at natatawa ako sa kanya. “Sumakay ka na nga dyan bago pa ako ang sumakay sa’yo.” Mahina nyang sabi sa’kin tsaka nya isinara ang pintuan ng kotse.       “Pa, oh si goon sasakyan daw ako!!” pangaasar ko sa kanya. Mabilis syang sumakay sa loob. “Papa si goon oh!!”       “Hindi naman maniniwala sa’yo si papa!!” Nagdrive na sya nang marinig nyang tumunog ang phone ko. “Sino yan? Sinong nagtext sa’yo? Ang aga naman nyang magtext!! Alam ba nyan na engaged ka na?”       “Hala sya, ang dami agad nasabi hindi ko pa nga alam kung sino yung nagtext.” Kinuha ko ang phone ko at medyo inasar ko pa sya. “Nakakakilig ang text!” Itinatago ko pa sa kanya ang phone.     “Patingin! Patingin!!!” Nalingon sya sa’kin habang nagdadrive. Isang kamay lang nya ang nasa manibela at ang isang kamay nya eh pinangaagaw nya sa cellphone ko. “PATINGIN SABI ANG KULIT MO!!!”       “Ayusin mo yang pagda-drive mo ano ka ba!!” Inalis ko ang kamay nya at itinago ko ang phone tsaka nya ako tiningnan ng masama. “Bakit ka ba nagagalit eh wala lang naman yun?”       “EH WALA LANG NAMAN PALA BAKIT AYAW MONG IPAKITA? NALANDI KA PA ALAM MONG ENGAGED KA NA!!!!” Minsan ang sakit nya talaga magsalita lalo na kapag tama syang hinala.     Humawak ako sa ulo ko. “Ah! Ah! Aray ang sakit!!” Nakahawak ang dalawa kong kamay sa ulo ko.       “Anong nangyayari sa’yo? Uy aswang!! Aswang!!” Paulit ulit nya akong tinatawag. “Malapit na tayo! Magpapark na ako! Uy okay lang lang ba!!” Hindi pa rin ako nagsasalita. Naramdaman kong tumigil na kami. “Okay ka lang ba? Anong masakit?” mabilis syang lumapit sa’kin at hinawakan ang ulo ko. “Tara sa clinic! Anong masakit?” Hinalikan nya ang ulo ko. “Anong nararamdaman mo?” Hindi ako makasagot dahil ang dami nyang tanong.       Bigla ko syang niyakap at nagulat sya. Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. “Hindi ka na galit?”       “Ano?” Huminga sya ng malalim. “Nagloloko ka lang!!!! Alam mo bang sobra akong nag-alala!! Ginagawa mo lang ‘tong biro!!!!” Inalis nya ang pagkakayakap ko. “Nasan ang cellphone mo?”       Grabe talaga sya. Hindi nya kayang idrop ang tungkol sa cellphone kahit umarte na ako. Hindi man lang sya nagpakasweet. Bakit ba masyadong  big deal ang cellphone? “Bakit ba kasi?” I folded my arms over my chest.       “Bahala ka nga!” lumabas sya ng kotse at hindi ako pinansin.       “Goon! Goon!!” Bumaba na rin ako at sinundan ko sya. “Ito na nga oh!!”       “Dude mukhang bad trip ka ah!” Nakasalubong namin sina Tuck.       “Badtrip nga yan hindi ka pinansin eh.” Sabi ni Val. “Mamaya mamababadtrip din ako kapag di sinagot ni baby ang cellphone nya. Kanina pa ako natawag!!” Hawak ni Val ang cellphone at parang inis na inis na sya.       “So cellphone day today talaga ngayon!!” Lumapit ako sa kanila. “Goon, ito na nga yung phone ko.”       “Anong nangyari sa cellphone mo Zak? Naghirap ka na talaga? Wala ka ng cellphone?” tanong ni kuya Luke kay goon pero hindi sya sumagot.       Lumapit si Trav sa kanya. “O sige Zak ito na rin yung cellphone ko. Tingin ko kasi hindi bagay sa’yo ang cellphone ni Lex kasi pink yun.” Seryoso nyang sabi habang inaabot ang cellphone kay goon.       “Eh ang panget naman ng cellphone mo Trav! Ito na lang sa’kin dude! Maraming bling bling tsaka hindi ko na naman ‘to kailangan kasi bibili na akong bago. ‘tong si Trav wala namang pambili ang epal pang ibigay yung cellphone nya.” Hindi nagpaawat si Rich sa pagabot ng cellphone kay goon. “Sige na wag ka ng mahiya dyan.”         Tiningnan ni goon ang dalawang cellphone. “Nagkawang gawa pa kayo ha!!!” Kinuha nya ng dalawang phone tsaka inihagis sa malayo.       “WHAT THE F*CK!!!!” Napatulala na lang si Rich habang pinagmamasdang lumipad ang cellphone nya.       “Bakit mo ginawa yun?!!” naaawa ako kay Trav. Nagmagandang loob lang naman sya naging ganun pa.       Tumakbo silang pareho para kunin ang cellphones nila habang hindi pa rin ako kinakausap ni goon. “Bakit mo pa kasi kailangang tingnan yung phone ko eh si Jezhi lang naman yung nagtext!” Pinapakita ko sa kanya yung text pero naiwas sya. Natingin sya sa ibang direction. “Tapos ngayon ayaw mong tingnan? Baligtad din utak mo no.”       “Sus! Selos problem lang pala ang usapan. Kawawa naman yung dalawa! NagRIP na sa mga cellphones nila. Mga epal eh.” Natatawang sabi ni Tuck. “Dude naman nagseselos ka pa eh engaged na nga kayo. Bading mo dude!”       “A- ano? A – ako nagseselos? Di na uy! Dyan pa sa aswang na yan?” Hindi talaga nya ako pinansin at napataas ang kilay ko sa sinabi nya.       “Ah ganun! Fine! Bakit ka nga naman magseselos kung napapalibutan ako ng mga lalaki at maraming sumusunod sa’kin!!! Bahala ka sa buhay mo!! Tandaan mo hindi pa tayo kasal!!!!” Tumalikod ako sa kanya at nakita kong tumatakbo si Jezhi papalapit sa’min. Sa wakas may makakausap na rin ako tungkol sa nangyari. Kumaway ako sa kanya at kumaway rin sya sa’kin. Tumatakbo sya na parang yayakap kaya naman I opened my arms pero bigla nya akong nilampasan.       “Sorry baby there’s something wrong with my cellphone. Hindi ko sya masagot kahit nagriring.” Pagrereklamo ni Jezhi kay Val habang nakayakap si Val sa kanya. Pinapakita nya na hindi nya masagot ang phone.       “Ay sira na rin yan? Itapon na rin natin.” Biglang kinuha ni Rich ang cellphone ni Jezhi at inihagis din sa malayo. “Don’t worry screen lang ang basag dun. Ganun yung sa’kin oh.” Ipinakita nya yung phone nya kay Jezhi.       “What the hell is wrong with you?!!!!” Hindi nya alam kung kukunin nya ang phone. “Baby! Do something!!”       “Sira na rin naman yung phone mo baby. Palitan na lang natin.”  Yumakap si Val kay Jezhi at ang gaga lumambot kaagad kaya naman hinigit ko ang buhok nya.       “Aray naman – sis! Sis nandyan ka pala!!” Lumingon sya sa’kin at nagbeso. “Kanina ka pa dyan?”       “Mas nauna mo pang binati si Val kesa sa’kin? Nilampasan mo lang ako dito oh!!!” Nakakainis ang araw na ‘to kasi naman lahat puro tungkol sa cellphone. “Di ba may sentimental value yung phone mo sa’yo? Bakit mo hinayaang itapon na lang ng ganun? So ganun na lang yun kahit marami kayong pinagdaanan dahil lang sa cellphone babalewalain mo na lahat ganun ba?” napakunot ang noo nya.       “Sis, hindi na ata cellphone ko yung tinutukoy mo. Are you okay?” tanong ni Jezhi sa’kin.       “Hindi okay yan. Kasi si Zak walang cellphone.” Sabi ni Trav na pilit inaayos ang cellphone nya. “Ayaw nya sa phone ko ayan nasira tuloy.”         “Kasi naman kayo dude may cellphone si Zak! Gusto nya lang makita ang phone ni Lex kasi tamang hinala! Nagseselos ang loko!!” paliwanag ni Tuck sa kanila.       Nagtinginan sina Rich at Trav. “Ano? Sinira mo ang phone namin dahil lang nagseselos ka?” parang nainis bigla si Rich.       “Yung games kong mataas na ang level nandito tapos tinapon mo lang dahil nagseselos ka?!” hala pati si Trav nagalit na din. Bihira pa mandin ‘to magalit.       “WHAT?!! Itinapon ni Rich ang phone ko para damayan ang phone nya na tinapon mo dahil lang nagseselos ka?!!!” nakigaya na rin ‘tong si Jezhi.       “HINDI AKO NAGSESELOS!!! WALA AKONG PAKIALAM SA CELLPHONE NYO AT MAY CELLPHONE AKONG SA’KIN!!!!” Halos nakakabingi yung sigaw nya pero hindi sya nakaharap sa’min. Nakatalikod sya at parang halimaw na galit na galit.       “Uy Zak si Lex pinopormahan nung gwapong lalaki. Ayun oh!” Banat ni kuya Luke. Mabilis lumingon si goon sa’min at nakita nyang nakatayo lang ako. “Di pala nagseselos ha.” Tumatawang sabi nya ng biglang hablutin ni goon ang cellphone nya at ibinato rin sa malayo. “What the f*ck dude!! Katext ko si Erine dun!!!!!!!” Pinuntahan agad ni kuya ang phone nya habang nakatitig sa’kin si goon.       Naglalakad sya papalapit sa’kin na halatang galit pa rin. Hindi ko alam kung anong gagawin ng bigla nyang kunin ang phone ko. “Sige subukan mong ihagis yan sa malayo sisiguraduhin ko sa’yong malayo rin ang mararating ng pagmomove on ko sa’yo!!!!” Nanlaki ang mga mata nya.       “Titingnan ko lang ang text.” Mahinahon nyang sabi tsaka nya binuksan ang phone ko. Nung makita nyang si Jezhi ang nagtext eh medyo nawala ang pagkakunot ng noo nya. “Je-zhi.” Pinipigilan nyang mapangiti.       “Ako ang ano?” tanong ni Jezhi.       “Ikaw yung nagtext ng ‘nakakakilig’.” Sagot ni goon tsaka ibinalik sa’kin ang phone.       “Oo ako nga bakit?” naguguluhan na tanong ni Jezhi pero hindi pa rin sya nakahiwalay kay Val.       “So binasa mo lang pala yung text nya.” Nakayuko sya at parang nahihiya na hindi ko maipaliwanag. “Okay naman pala.” Para syang sira. Tumingin sya kay Tuck. “Dude, ‘tong si Leslie pala ang nagtext.” Tumawa sya at umapir. “Ayos lang naman pala.” Natawa syang humarap kay Val at umapir din. “Si – ” napatigil sya pagharap kay Trav, Rich at kuya Luke, “- problema nyo?”       “WALANGHIYA KA!!! SINIRA MO ANG CELLPHONE NAMIN DAHIL LANG NAGSESELOS KA SA WALA!!!!!” galit na sabi ni Rich.       “HINDI KITA MAPAPATAWAD!!! KAPAG NAGALIT SI ERINE SA’KIN HUMANDA KA!!!” galit na rin si kuya Luke.       Tumingin si Trav sa dalawa. “Ah, kailangan ba sisigaw din ako?” tanong nya at inakbayan sya ni Rich. “OO SISIGAW DIN AKO KASI SINIRA MO YUNG PHONE KO!! LEVEL 126 NA AKO DUN!!! SISIGAW AKO!! SISIGAW AKO!!!”     “Wag mo ng sabihing sisigaw ka. Nasigaw ka na nga ih!” bulong ni Rich sa kanya pero narinig naman namin.       “Ang babaduy nyo!” sabi ni goon sa kanila at tsaka humarap sa’kin. “Pasok na ba tayo – ” bigla syang tinalunan nung tatlo, “ – aray ano ba!! Gusto nyo bang humanap ng sakit ng katawan?!!”       “Hawakan mo dun sa kabila Rich!” Hinawakan ni kuya at Rich ang dalawa sa magkabilang kamay. “Sige Trav suntukin mo na!”       “Ha? Bakit ko sya susuntukin? Kaibigan natin yan!” halos napahanga kaming lahat sa sinabi ni Trav. Ayaw nyang saktan si goon dahil kaibigan nila. “Kunin din natin ang cellphone nya at sirain!!!” Mabilis nyang kinuha ang phone ni goon. “Catch!!” tsaka inihagis kay Rich. “Takbo!!”       Mabilis tumakbo yung tatlo. “Humanda kayo sa’kin kapag naabutan ko kayo!!!” sigaw ni goon. “Alis muna ako sweet monster!! I love you!!!” Mabilis nya akong hinalikan tsaka sinundan yung tatlo.         “Baby susundan lang namin yung mga yun ha. Ipaghihiganti din kita dahil sa cellphone mo.” Pagpapaalam ni Val kay Jezhi.       Umakbay naman sa’kin si Tuck. “Lucky girl, kapag sinabi ni Zak na patingin ng phone, ng sss, ng computer o ng kahit ano please sumunod ka na lang ha. Wag mo ng pagtripan. Ang daming nadadamay oh.” Ginulo nya ang buhok ko. “Kailangan ko na naman tuloy tumanggap ng di ko deserve na suntok dahil sa pag-awat. Sige na, susunod na ako sa mokong na yun.” Pagpapaalam ni Tuck at sumunod na rin sya sa mga kaibigan.       “Bipolar din ang boyfriend mo no sis?” natatawang sabi ni Jezhi at hindi ko sya pinansin. “Hala uy sis wait! Grabe ‘to! Wag mo naman akong iwan!” sinundan nya ako at hindi ko pa rin sya kinakausap. Iniisip ko pa rin si goon. Dahil lang sa text nagkaganun sya. Sobra syang magselos. Sobra nya akong mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD