2

3810 Words
2     ALEXA     Hindi maganda ang simula ng araw na ‘to. Grabe naman kasi yung paper works sobrang tambak na. Hindi tuloy kami sabay ni goon nakapagbreak. Buti pa si Jezhi at Val. Hindi ko alam paano nakakaya ni Jezhi na makapagsubmit ng papers na parang copy paste lang from the internet.       “Alexa!!” napatigil ako ng marinig kong may tumawag sa’kin. Nakita ko ang isang lalaking may salamin at parang namumukaan ko sya. Nananakbo sya papalapit sa’kin. “Mabuti nakita kita dito.” Kumunot ang noo ko dahil pinipilit kong alalahanin kung sino sya. “Si Dale, hindi mo natatandaan? Sabagay sino ba naman ako para matandaan ng isang katulad mo.” Ah sya pala yun. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak nya sa dalang books at nanginginig pa. Scary lang ha. Para kasi syang psycho. How judgemental of me pero yun lang naman yung tingin ko at hindi ko naman sinasabing ganun sya.       “What can I do for you, Dale?” Syempre nagmagandang loob na lang ako na kausapin sya kahit wala naman akong pakialam sa gusto nya.       “Kasi – ” magsasalita palang sya ng may umakbay sa kanyang lalaki, “ – ba – bakit?”       “May lakad tayo di ba? Tara na.” Ang weird kasi nagsusulputan ang mga taong hindi ko naman kilala. Gosh, ganun na ba lumalaki ang mundo ko?       “Wow!” Umalis sila ng hindi man lang nagpapaalam. Anyway, mabuti pa bumili muna ako ng makakain. Grabe na yung gutom ko kasi. Kapag minamalas ka nga naman pagkaharap na pagkaharap ko nabangga naman ako ng isang babae. “Ugh!!!!”       “Alexa?” duh!! Bakit ba tinatawag ako ng lahat? “Cousin!! Oh my gosh!!!” Niyakap nya ako kahit hindi ko pa nakikita kung sino sya. “Small school! Nahanap din kita.” Bumitiw sya sa’kin at pinagmasdan ko sya.       “Maxi?” nagaalinlangan pa akong magtanong kasi ang laki ng pinagbago nya. Mas gumanda sya ngayon hindi tulad dati na para syang tambay lang sa kanto.       “Tomo!!!” tumalon-talon pa sya. “Alam mo sobrang nakakapraning dito sa school mo. Walang lumalapit sa’kin kasi masyado akong maganda. Hindi ko nga pinasukan yung morning classes ko kasi ang boring so naglibot ako para hanapin ka.” Humawak sya sa braso. “I’m so glad nakita kita. Ay teka lang.” May kinuha sya sa phone nya. “Magselfie muna tayo. Kailangan maiupload ko ‘tong moment natin.” Dumikit sya sa’kin. “Smile!” at nagselfi kami. “Ayan ipost ko na. Itag kita ha ifollow mo ako.” I just rolled my eyes. Ang daldal nya no?       “Alam mo Maxi kasi gutom na ako. I need to grab something to eat.” Nagpalusot na lang ako para makaiwas sa kanya.       “Ay perfect! Galing ako sa fast food kanina tapos may monster burger na kasama ewwww like transfat so hindi ko kinain. Sa’yo na lang. Don’t worry malinis yan at free na din.” Iniabot nya sa’kin ang isang paper bag at tama sya meron ngang food. Mukhang malinis pa naman. “Upo tayo dun habang kumakain ka.”       “Ha? Okay. Thanks.” Wala na akong magawa kasi gutom na ako. Umupo kami at kumain ako habang sya jusme nakailang picture na sa sarili. GGSS lang ang peg? Bahala sya basta ako gutom na ako.       “Ay couz, wag mo sanang masabi kina mommy or tito na hindi ako pumasok ngayong umaga ha. Nandito naman ako sa school so pumasok ako pero nagcut ako ng classes. Baka kasi ilagay nila ako dun sa public school. Baka pagkaguluhan ako dun. Ayoko pa mandin ng crowd.       Grabe ang hangin na nya at ang daldal pa. “Bakit ka ba lumipat na naman ng school?” tanong ko sa kanya habang sarap na sarap sa monster burger. Parang ganito lang yung kinain ko sa beach nun, yung nanalo ako ng isa pa.       “Alam mo na yun. Merong war freak dun na prof. Lagi akong pinagiinitan so ginantihan ko kaya lang di maganda naging result. Pero wag mo na yung isipin. Nandito na naman ako.  Magpapakabait ako.” Habang nagkukwento sya ay nakatingin sya sa isang lalaking papadaan sa’min. Tumayo sya at humarang dun sa lalaki. “Hi, babe. Pakiramdam ko nasa langit na ako – ” humawak pa sya sa sa shoulder nung walang kamuwang-muwang na guy, “ – kasi nakakita na ako ng anghel sa harapan ko.” Then she winked at him. Yung lalaki hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung natatakot ba sya o kinikilig. “Ilang taon ka na?”       “I – I’m 15, freshman.” Nanginginig na sagot nung lalaki at natawa ako kasi napabitaw si Maxi at nawala yung ngiti.       “Totoy pa! Baka hindi ka pa tuli! Sige na alis na!!!” Disappointed sya.       “Pe – pero tuli na po ako. Gusto nyo pong makita?” lumalapit yung lalaki kay Maxi pero nalayo na si Maxi. “Sige na po.”       “Hoy nananapak ako ng bata!!! Baka tulian pa kita ng isang beses yung sagad kapag inilapit mo yan sa’kin!!!!” Nakatuntong na sya sa bench at nakahamba ng suntok. Umatras naman yung lalaki at umalis na. “Layas!!!! Hay grabe nagkalat ang mga bata ngayon.” Bumalik sya sa pagkakaupo sa tabihan ko.       “Kung hindi lang kita pinsan iisipin ko p****i ka. Ano bang intention mo dun sa bata? Ganun na ba mga type mo?” Niligpit ko na ang pinagkainan ko at sobrang busog na ako. Mas nararamdaman mo talaga ang pagkabusog kapag libre.       “Ouch couz! Ang harsh mo naman! p****i agad? Hindi ba ma-fling lang. Ang cute kasi nung guy tapos nakatingin sa’kin. Malay ko bang bata pa yun!” Tumayo sya at inayos ang gamit nya. “So saan na tayo ngayon?”       “Tayo? What do you mean tayo?” itinapon ko na ang pinagkainan ko. Nagalcohol ako, nagpabango at nagmouth spray. Syempre mamaya makita ko si goon tapos hahalikan nya ako eh amoy sibuyas ‘tong bibig ko.       “Sasama ako sa’yo. Wala kasi akong kakilala dito. Makakaya mo bang matiis na maglakad ako dito magisa. Walang kakilala. Walang kasama. Tulala sa isang tabi at di mapakali – ” binatukan ko sya, “ – aray! Sabihin mo lang kung ayaw mo hindi yung nananakit ka pa dyan.       “Papasok na ako! Bahala ka na dyan. Mukha ka namang hindi nakakaawa.” Hindi sya umimik nung nagsalita ako. “Aalis na ako ha.” Hindi pa rin sya nasagot at nakatingin lang sya sa likuran namin. “Anong meron?”     “Oh my gosh meron silang ginugulpi!!!” Mabilis nya akong hinigit. “Bilisan natin puntahan natin!!”       “Aray! Sandali nga! Bakit ba natin pupuntahan yun kung may ginugulpi mamaya madamay pa tayo!! Aray sandali lang!!!” Ang lakas naman nitong babaeng ‘to. Kulang na lang umangat yung paa ko sa lupa sa pagkaladkad nya.       “Syempre sasali tayo sa paggulpi. Masarap ang feeling ng may ginugulpi. Excited na ako!!” Yung ngiti nya nakakatakot. Alam mo yung parang evil smile tapos lalabas yung pangil tapos kikinang yung sulok ng mata. Ganun ang itsura nya habang sinasabi yun.       “ANO?!! HOY HINDI KO UGALI ANG MAKIPAGGULPIHAN KAYA WAG MO NA AKONG IDAMAY!!!” naisip ko bigla si goon. Mahilig syang manggulpi. Naeexcite din kaya sya? Hay bigla ko tuloy namiss ang goon ko. Kasi naman ‘tong pinsan ko feeling close eh.       “Nandito na tayo.” Tumigil kami at sinubukan nyang tumapak sa isang mataas na bato para makita kung sinong ginugulpi. “Hala lalaki pala. Ayoko na baka balikan ako nyan masira pa ‘tong maganda kong mukha.”       -_-     “So pwede na tayong umalis?” Naiinis na talaga ako. Tapos makakasama ko pa sya sa bahay. Ako na lang kaya magbayad ng bahay na uupahan nya?       “Kawawa naman yung lalaki.” Hindi pa rin talaga sya bumaba. “Halika tingnan mo dali!” Hinigit nya ako pataas para makita yung ginugulpi. Ayoko sanang tingnan dahil ayokong makakita ng brutal na sakitan. Yung mga laban nga ni goon dati halos himatayin na ako tapos yung ganito pa na isa laban sa marami. “Kawawa no?”       Hindi ko sinasadya na mapatingin. Teka parang kilala ko yung ginugulpi. “Dale? Dale!!!!” Mabilis akong bumaba at lumapit sa kanila. “Hoy! Hoy tigilan nyo na yan!!! Anong ginagawa nyo!!!” Sinubukan ko silang pigilan pero naitulak ako nung isang lalaki at napatama ako sa bakal nung garbage stand.       “Alexa!!!” sigaw ni Maxi. “Walanghiya kayo bakit nyo sinasaktan ang pinsan ko!! Lagot kayo sa boyfriend nyan!!!” Medyo nahihilo ako pero nakita ko na marunong mangarate ‘tong si Maxi. Hindi ko inaasahan. Kaya naman pala mahilig syang makisali sa gulpihan.       Tumayo ako at lumapit sa kanila. “Wala ba talaga kayong magawa sa buhay!! Bakit kayo nanggugulpi ng walang kasalanan!!! Ipapabugbog ko kayo sa boyfriend ko!!!” Nakatitig sila sa’kin. “Ano natatakot na kayo no?”       “Alexa, tama na.” Pagpigil ni Dale sa’kin habang duguan sya.         “Hala lagot nakita tayo. Tara na!!” Nanakbo silang lahat at naiwan kaming tatlo.       “Ano!! Bakit kayo tumakbo!! Bitin pa ako!! Hayaaaaaaaaah!!! Laban pa!!! Bilis!!!” Ang likot ni Maxi. Paikot ikot na akala mo may kinakarate.       “Tumigil ka na nga dyan! Tulungan mo ako dito.” Hinigit ko ang buhok nya.       “Naku!! Naku konti na lang talaga sasaktan na kita!” Itinayo namin si Dale at iniupo sa malapit na bench. “Ano ba kasing atraso mo dun sa mga yun? Bakit ka ginulpi?”       “Oo nga Dale. Parang kanina lang okay ka nung kinausap mo ako ah.” Bigla kong naalala yung lalaking umakbay sa kanya at bigla silang umalis.       “Hindi ko alam. Basta ang sabi lang nila pinagulpi daw ako ng boyfriend mo kasi lapit ako ng lapit.” Nagulat ako sa sinabi nya.       “Gosh couz ang brutal naman ng boyfriend mo. Sabi ko na nga ba he’s bad for you but I think he’s good for me kasi pareho kaming brutal!!” tumawa ng tumawa si Maxi at pinandilatan ko sya ng mata. Ambisyosang ‘to. Sa’kin na nga yung goon na yun plano nya pang agawin. “Joke lang naman.”       “Alam mo Dale imposible yang sinasabi mo. Hindi yun magagawa ni goon. Alam kong hindi nya yun kayang gawin.” Talagang alam ko sa sarili ko na hindi yun gagawin ni goon.       “Pero ginawa na nga nya sa’kin. Napakababaw lang ng dahilan nya.” Inayos ni Dale ang sarili nya. “Nabasag pa tuloy ang salamin ko.”       “Papalitan ko na lang yan kung gusto mo pero sinasabi ko sa’yo hindi si goon ang nagutos nito.” Nagpupumilit ako kasi alam ko talaga hindi nya ‘to gagawin – kahit nagawa nya sa’kin dati nung unang pasok ko dito.       “Pero couz paano ka naman nakakasiguradong hindi ‘to gagawin ng boyfriend mo?” epal na naman ‘tong si Maxi. Bakit ba kasi napasok yan sa eksena?     “Kasi kung may gusto syang gulpihin hindi na nya iuutos pa. Sya mismo yung gagawa. Kahit babae ginugulpi nun kaya imposible talaga. Mabuti pa dalhin ka na namin sa clinic.” Itinayo namin sya ng malaglag ang mga books nya. “Ako na! Ako na!” Ako na ang dumampot ng mga gamit nya at nakita ko ang isang papel. “A – ano ‘to? Ba – bakit ka may ganito?” Isang papel na galing sa chancellor para sa tutorial lesson with me.       “Ilang beses kong gustong sabihin sa’yo kaso – kaso hindi ko alam paano sisimulan. Tsaka parang naiwas ka rin.” Bigla akong naguilty. Kasi nirecommend ako ng school para turuan sya tapos naging mali yung tingin ko. Tapos hinusgahan ko pa sya.       “Hindi ko alam tsaka sana ipinakita mo na ‘to kaagad sa’kin para hindi na ako naiwas.” Tumayo ako at iniiabot ang mga gamit nya. Kumuha ako ng ballpen at isinulat ko ang number ko sa notebook nya. “Yan ang number ko. Itext mo lang ako kapag okay ka na. Pagusapan natin ang tutorial lesson mo.” Iniabot ko sa kanya.       “Wag na lang siguro. Nakita mo naman ang nangyari sa’kin. Baka kapag lumapit pa ako sa’yo mas lalo akong mapahamak. Lahat takot sa boyfriend mo ikaw lang ata ang hindi.” Ramdam ko ang takot sa kanya pero medyo nagi-guilty rin ako sa nangyari.       “Don’t worry, I will make sure na hindi na ‘to mangyayari okay?” tumingin ako kay Maxi at nagselfie na naman sya. Nagvideo pa at sinasabing kawawa at nabugbog si Dale. Baliw talaga ‘tong babaeng ‘to.         “Pagiisipan ko na lang muna. Bahala na pero salamat sa pagdating mo. Mauna na ako.” Iniwanan nya kami at madaling umalis.       “Okay lang kaya sya? Hindi na sya nagpuntang clinic.” Sabi ko habang pinagmamasdan syang umalis.       “Hala couz, ikaw yata ang dapat pumuntang clinic.” Sabi ni Maxi sa’kin at kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit ako pupunta sa clinic. “Tingnan mo yang sleeve mo puro dugo na at natulo na nga oh.”       Una akong napatingin sa kamay ko na may umaagos na dugo at nakita ko ang braso ko. Hindi ko alam kung paano ‘to nangyari pero pag-angat ko ng sleeve ay may butas ako sa braso. Siguro dahil dun sa pagkakatama ko sa garbage stand. Bakal kasi yun. “Na – nahihilo ako.”       “Hala sya. Sandali lang tatawag lang ako ng tulong. Uhm – uhm sandali ha.” Hindi sya mapakali. “Tulong!! Tulong!! Tulungan nyo kami!!” Sumigaw sya ng sumigaw. Akala ko naman tatawag sya sa phone. “Naku konti lang ang tao dito ih. Halika na nga. Dadalhin na kita sa clinic.”     Ang alam ko inaalalayan nya lang ako at hindi ko na alam kung anong nangyari. Ang alam ko na lang ay nagising ako at nandito na ako sa ospital. Akala ko sa clinic lang ako dadalhin ng pinsan ko.       “ASWANG!!!!”     Hala grabe sya makasigaw! Yung pintuan ng kwarto akala mo magigiba. Kahit ako muntik ng atakihin sa puso sa pagsigaw nito ni goon.       “Aswang!! Aswang!!” niyakap nya ako ng mahigpit. “Aswang!!! Aswang!!”       “Aray ko naman!! Bakit ka ba aswang ng aswang dyan?” Binitawan nya ako at mabilis hinalikan.       “May malay ka na? Mabuti naman at may malay ka na.” Nakahinga sya ng maluwag at umupo sa tabihan ko.       “Bakit kung maka-react ka para namang may masamang nangyari sa’kin?” Namumutla kasi sya tapos may luha pa.       “Sabi kasi nung babae dun sa labas nasaksak ka daw at wala kang malay.” Kumunot ang noo ko. Sino kayang tinutukoy nya.       “Sis!!! Sis!! Wag mo kaming iwan!!!!” Sunod na pumasok si Jezhi na naiyak.       “Wag kang magiging totoong ghost lady ghost!” Sabi naman ni Rich.       “Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit nandito kayong lahat?” Buong Sterke Geest nandito pati si Jezhi.       “Cousin!! Cousin!!!” Mabilis yumakap sa’kin si Maxi. Hindi ko alam paano sya nakasingit sa’min ni goon pero ang bilis ng pagkakakilos nya. “Mabuti naman okay ka na.” Umiiyak ba sya?       “I – ikaw?” nagulat si Rich at lahat kami nakatingin sa kanya. “Naku Zak alam ko na kung bakit napahamak si Lex. Dahil dyan sa babaeng yan. War freak yan tapos siraulo tsaka basagulera yan!” Nagtago pa sa likuran ni Tuck si Rich.       “Excuse me?” Nakapamewang pa sya. “Magiingat ka sa sinasabi mo!”       “Ohhh Rich sya ba ang girl of your dream?” pangaasar ni Tuck.       “Sabi ko na nga ba type mo ako eh.” Lumapit pa sya kay Tuck at kumindat. “Pwede naman natin ‘tong pagusapan.”       “Type basagin ang mukha. Zak, dude feeling ko sya ang sumaksak kay Lex. Patulan mo na!!!” Palayo ng palayo si Rich kay Maxi.       “Ikaw?!!” hala napatayo na si goon. Patola rin ‘to eh. Mapagpatol.       “Duh!! Hindi ako nananakit ng babae no!” Humarap na sya sa’min. “Alam mo kung merong dapat sisihin dito ikaw yun!!” Tinuro nya si goon. “Kasalanan mo yang nangyari sa pinsan ko.”       “Maxi, stop it!” Humawak ako sa kamay ni goon at tumingin sya sa’kin. “Wala kang kasalanan. Alam kong hindi mo yun ginawa.”       “Alexa, yun na nga ang sinabi nung mga nambugbog dun sa Dale na yun di ba?!!” She folded her arms over her chest.       “Who’s Dale? Bakit ang gulo ng usapan?” Sabad ni Jezhi. “Oh my gosh sis may lalaki ka?” Kung abot ko lang sya baka nasabunutan ko na sya agad.       “Wala sa lahi namin ang two timer kung sino ka man.” Umupo si Maxi sa upuan malapit sa’min. “Hindi lalaki ng pinsan ko yung Dale. Lumapit kasi sya kay Alexa tapos binugbog kasi utos daw ng boyfriend nya. Eh itong eksenadora kong pinsan umawat ayun tumalsik dun sa garbage stand, nasaksak nung bakal ayan. In short, kasalanan mo talaga yun!” Hindi talaga sya tumitigil sa paninisi kay goon.       “Hoy babae wag mo ngang pagbintangan ang kaibigan namin. Hindi nya yun magagawa no!!! Kasi sya mismo susuntok sa lalaking lalapit kay Lex!!” Pagtatanggol ni Rich kay goon.       “TAMA NA!!! Pwede bang lumabas muna kayong lahat. Maguusap lang kami! Labas!!!” galit na si goon. Ano kayang sasabihin nya? Aaminin nya kayang may kinalaman sya sa nangyari?       “Labas daw.” Hinigit nila Rich si Maxi palabas. “Sasalita pa eh. Gustong masaktan.” Ang sama ng tingin ni Jezhi kay Maxi. Mukhang hindi pa ata sila magkakasundo.       Pagkalabas nila ay isinara ni goon ang pintuan. “Hindi naman ako naniniwalang ipinagawa mo yun. Kilala kita.” Hinawakan ko ang kamay nya.       “Hindi ko naman talaga yun ipinagawa. Pero natatandaan mo ba kung sinong tumulak sa’yo?” Galit ang nakikita ko sa mga mata nya.       “Hindi. Hindi ko matandaan. Please wag mo ng ituloy yang nasa isip mo. Nagkataon lang ‘to tsaka okay naman na ako. Gusto ko dito ka lang sa tabihan ko.” Yumakap ako sa may waist nya at yumakap rin sya sa’kin.       “Nasaktan ka ng dahil akala nila inutos ko yun. Sino namang gagawa ng ganung bagay?” Titingnan ko sana si goon pero hawak nya ang ulo ko na nakadikit sa tyan nya. Ayaw nya sigurong ipakitang naiiyak sya. “Saktan na nila ako wag lang ang taong mahal ko.”       “Goon naman eh. Wag ka ng bumalik sa dati. Tahimik na tayo oh. Masaya na naman tayo. Tsaka gagaling din naman ‘tong sugat ko.” Ituturo ko sana sa kanya pero naramdaman ko na ang kirot. Siguro ay nawala na ang anesthesia.       “Gagaling ang sugat mo pero ang peklat ay nandyan pa rin. Wala naman akong gagawin, gusto ko lang malaman bakit nila ginawa yun. Napahamak ka pa tuloy.” Umupo sya sa tapat ko at hinawakan ako sa mukha. “You are so precious to me. Lahat ng mananakit sa’yo mananagot, ganun kita kamahal.” Hinalikan nya ako sa noo tsaka sya tumayo.       “Sandali lang!!” Tumayo rin ako at sinundan ko sya. Pagkabukas nya ng pintuan ay nalaglag sila Trav, Val at kuya Luke.       “Uhm, ano nakasandal lang.” Sabi ni kuya Luke.       “Oo kasi nangalay lang kami.” Sabi ni Val.       “Totoo yun Zak, hindi kami nakikinig promise!!! Sabi ni Trav at kinutusan sya nung dalawa. “Aray! Ginaya ko lang naman kayo!!”       “Zak alam ko na! ‘tong babaeng ‘to ang may kasalanan! Sya pala ang dahilan kung bakit napalapit sila dun sa naggugulpihan!” Sabi ni Rich sa kanya. “Kinwento mo di ba?!! Kasalanan mo!!” sabi nya kay Maxi pero tahimik pa rin si goon.       “Tuck, pigilan mo.” Bulong ko sa kanya. Nagtinginan lahat ng Sterke Geest.       “Sorry Lex, pero tama si Zak.” Sagot ni Tuck sa’kin.       “Baby maiwan ka muna dito kay Lex. May pupuntahan lang kami.” Pagpapaalam ni Val kay Jezhi.       “Magiingat ka baby ha. Yung mukha mo ingatan mo.” Humalik na si Jezhi kay Val.       “Si Zak naalis na! Tara na!!” Itinuro ni Trav si goon na naglalakad palayo para matigil ang panggugulpi sa kanya ni kuya Luke.       “O baka gusto mong sumama. Brusko ka di ba? Baka kulangin kami sa mambubugbog.” Pangaasar ni Rich kay Maxi. “Oras na malaman ko lang na ikaw ang may kasalanan dito humanda ka.”       “Duh! Bago lang ako dito no. Hindi ko nga kayo kilala. Ba yan puro dada talo pa babae!! Magpapaiwan ka talaga sa mga kasama mo kasi bading ka?” Lumapit si Maxi sa’kin.         “Lex, aalis na kami. Susunod na ako sa mga yun. Ipaghihiganti ka namin.” At humabol na rin si Rich sa kanya.       “Sis, naaawa ako dun sa gumawa sa’yo nyan. Si baby pa naman kanina pa gustong manuntok dahil dun sa manyak na tindero na tingin ng tingin sa’kin.” Tumabi sa’kin si Jezhi.         “War freak talaga yung boyfriend mo no, Alexa?” tanong ni Maxi.       “Kapag ako nagfreakout magkakawar talaga dito!!” tumalikod ako at pumasok na sa loob. “Dahil yan sa’yo eh. Sa kadaldalan mo! Kapag may nangyari kay goon humanda ka sa’kin!!!”       “Epal kasi feeling close.” Bulong ni Jezhi patungkol kay Maxi.       “Malay ko ba. Sinabi ko lang naman yung sinabi ni Dale di ba? Buti ikaw naagapan yang nangyari sa’yo eh paano yung Dale na yun? Napaospital ba sya? Baka nga naabangan ulit yun sa labas ng school tapos pinatay na para hindi na makapagsalita.” Ang dami nya talagang alam pero wala naman akong pakialam. Ang inaalala ko ngayon ay sina goon. Sobrang tagal na simula nung nakipag-away sila ng ganito at ayoko na sana ulit yun mangyari. Kaya lang kasi ang kaaway ng isa ay kaaway ng lahat. Hindi ko sila mapipigilan. Sana naman walang mangyaring masama sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD